1Dinggin mo ang tinig ko, Oh Dios, sa aking hibik: ingatan mo ang buhay ko sa pagkatakot sa kaaway.
1{To the chief Musician. A Psalm of David.} Hear, O God, my voice in my plaint; preserve my life from fear of the enemy:
2Ikubli mo ako sa lihim na payo ng mga manggagawa ng kasamaan; sa panggugulo ng mga manggagawa ng kasamaan:
2Hide me from the secret counsel of evil-doers, from the tumultuous crowd of the workers of iniquity,
3Na siyang nangaghasa ng kanilang dila na parang tabak, at pinahilagpos ang kanilang mga palaso, sa makatuwid baga'y ang masasakit na salita:
3Who have sharpened their tongue like a sword, [and] have aimed their arrow, a bitter word;
4Upang kanilang maihilagpos sa sakdal sa mga lihim na dako: biglang inihihilagpos nila sa kaniya at hindi natatakot.
4That they may shoot in secret at the perfect: suddenly do they shoot at him, and fear not.
5Sila'y nagpapakatapang sa masamang akala; sila'y nagsasangusapan ng paglalagay ng lihim na silo; Sinasabi nila, Sinong makakakita?
5They encourage themselves in an evil matter, they concert to hide snares; they say, Who will see them?
6Sila'y nagsisipagsiyasat ng mga kasamaan; aming naganap, sabi nila, ang masikap na pagsiyasat; at ang pagiisip sa loob ng bawa't isa, at ang puso ay malalim.
6They devise iniquities: We have it ready, the plan is diligently sought out. And each one's inward [thought] and heart is deep.
7Nguni't pahihilagpusan sila ng Dios; sila'y masusugatang bigla ng isang palaso.
7But God will shoot an arrow at them: suddenly are they wounded;
8Sa gayo'y sila'y matitisod palibhasa't ang kanilang sariling dila ay laban sa kanila: ang lahat na makakita sa kanila ay mangaguuga ng ulo.
8By their own tongue they are made to fall over one another: all that see them shall flee away.
9At lahat ng mga tao ay mangatatakot; at kanilang ipahahayag ang salita ng Dios, at may karunungang kanilang bubuhayin ang kanilang gawa.
9And all men shall fear, and shall declare God's doing; and they shall wisely consider his work.
10Ang matuwid ay matutuwa sa Panginoon, at manganganlong sa kaniya; at lahat ng mga matuwid sa puso ay magsisiluwalhati.
10The righteous shall rejoice in Jehovah, and trust in him; and all the upright in heart shall glory.