1At nakita ko ang ibang malakas na anghel na nanaog na mula sa langit, na nabibihisan ng isang alapaap; at ang bahaghari ay nasa kaniyang ulo, at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng mga haliging apoy;
1And I saw another strong angel coming down out of the heaven, clothed with a cloud, and the rainbow upon his head, and his countenance as the sun, and his feet as pillars of fire,
2At may isang maliit na aklat na bukas sa kaniyang kamay: at itinungtong ang kaniyang kanang paa sa dagat, at ang kaniyang kaliwa ay sa lupa;
2and having in his hand a little opened book. And he set his right foot on the sea, and the left upon the earth,
3At sumigaw ng malakas na tinig, na gaya ng leon na umaangal: at pagkasigaw niya, ay ang pitong kulog ay umugong.
3and cried with a loud voice as a lion roars. And when he cried, the seven thunders uttered their own voices.
4At pagkaugong ng pitong kulog, ay isusulat ko sana: at narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Tatakan mo ang mga bagay na sinalita ng pitong kulog, at huwag mong isulat.
4And when the seven thunders spoke, I was about to write: and I heard a voice out of the heaven saying, Seal the things which the seven thunders have spoken, and write them not.
5At ang anghel na aking nakita na nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa ay itinaas ang kaniyang kanang kamay sa langit,
5And the angel whom I saw stand on the sea and on the earth lifted up his right hand to the heaven,
6At ipinanumpa yaong nabubuhay magpakailan kailan man, na lumalang ng langit at ng mga bagay na naroroon, at ng lupa at ng mga bagay na naririto, at ng dagat at ng mga bagay na naririto, na hindi na magluluwat ang panahon:
6and swore by him that lives to the ages of ages, who created the heaven and the things that are in it, and the earth and the things that are in it, and the sea and the things that are in it, that there should be no longer delay;
7Kundi sa mga araw ng tinig ng ikapitong anghel, pagka malapit nang siya'y humihip, kung magkagayo'y ganap na ang hiwaga ng Dios, ayon sa mabubuting balita na kaniyang isinaysay sa kaniyang mga alipin na mga propeta.
7but in the days of the voice of the seventh angel, when he is about to sound the trumpet, the mystery of God also shall be completed, as he has made known the glad tidings to his own bondmen the prophets.
8At ang tinig na aking narinig na mula sa langit, ay muling nagsalita sa akin, at nagsabi, Humayo ka, kunin mo ang aklat na bukas na nasa kamay ng anghel na nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa.
8And the voice which I heard out of the heaven [was] again speaking with me, and saying, Go, take the little book which is opened in the hand of the angel who is standing on the sea and on the earth.
9At ako'y naparoon sa anghel na nagsabi ako sa kaniya na ibigay sa akin ang maliit na aklat. At kaniyang sinabi sa akin, Kunin mo ito, at ito'y kanin mo; at papapaitin ang iyong tiyan, datapuwa't sa iyong bibig ay magiging matamis na gaya ng pulot.
9And I went to the angel, saying to him to give me the little book. And he says to me, Take and eat it up: and it shall make thy belly bitter, but in thy mouth it shall be sweet as honey.
10At kinuha ko ang maliit na aklat sa kamay ng anghel, at aking kinain; at sa aking bibig ay matamis na gaya ng pulot: at nang aking makain, ay pumait ang aking tiyan.
10And I took the little book out of the hand of the angel, and ate it up; and it was in my mouth as honey, sweet; and when I had eaten it my belly was made bitter.
11At sinasabi nila sa akin, Dapat kang manghulang muli sa maraming mga bayan at mga bansa at mga wika at mga hari.
11And it was said to me, Thou must prophesy again as to peoples and nations and tongues and many kings.