1Si David na hari nga ay matanda at totoong magulang na; at kanilang tinakpan siya ng mga kumot, nguni't siya'y hindi naiinitan.
1Kuningas Taavet oli jäänud vanaks ja elatanuks, ja kuigi teda kaeti vaipadega, ei saanud ta sooja.
2Kaya't sinabi ng mga lingkod niya sa kaniya, Ihanap ang aking panginoon na hari ng isang dalaga: at patayuin siya sa harap ng hari, at libangin niya siya; at mahiga siya sa iyong sinapupunan, upang ang aking panginoon na hari ay mainitan.
2Siis ütlesid ta sulased temale: 'Otsitagu mu isandale kuningale tütarlaps, kes on neitsi, ja ta seisku kuninga teenistuses ning olgu tema eest hoolitsejaks! Ta magagu su süles, et mu isand kuningas saaks sooja!'
3Sa gayo'y inihanap nila siya ng isang magandang dalaga sa lahat ng mga hangganan ng Israel, at nasumpungan si Abisag na Sunamita, at dinala sa hari.
3Nad otsisid siis ilusat tütarlast Iisraeli kõigist paigust ja leidsid suunemlanna Abisagi ning tõid ta kuninga juurde.
4At ang dalaga ay totoong maganda: at kaniyang nilibang ang hari at nagaalaga sa kaniya; nguni't hindi siya ginalaw ng hari.
4Tütarlaps oli väga ilus; ta sai kuninga eest hoolitsejaks ja teenis teda; aga kuningas hoidus temast.
5Nang magkagayo'y nagmataas si Adonia na anak ni Haggith, na nagsabi, Ako'y magiging hari: at siya'y naghanda ng mga karo at mga mangangabayo, at limang pung lalaking mananakbo sa unahan niya.
5Adonija, Haggiti poeg, aga ülistas iseennast ja ütles: 'Ma tahan saada kuningaks!' Ja ta muretses enesele vankreid ja ratsanikke ning viiskümmend meest, kes jooksid tema ees.
6At hindi siya kinasamaan ng loob ng kaniyang ama kailan man, na nagsabi, Bakit ka gumawa ng ganyan? at siya'y totoong makisig na lalake rin naman; at siya'y ipinanganak na kasunod ni Absalom.
6Tema isa ei olnud oma eluajal teda kunagi laitnud, et ta oleks öelnud: 'Mispärast sa teed nõnda?' Adonijagi oli väga ilusa välimusega; ta oli sündinud pärast Absalomi.
7At siya'y nakipagsalitaan kay Joab na anak ni Sarvia, at sa saserdoteng kay Abiathar: at pagsunod nila kay Adonia ay nagsitulong sa kaniya.
7Ta pidas nõu Joabiga, Seruja pojaga, ja preester Ebjatariga; ja need hoidsid Adonija poole.
8Nguni't si Sadoc na saserdote, at si Benaia na anak ni Joiada, at si Nathan na propeta, at si Semei, at si Reihi, at ang mga makapangyarihang lalake na nauukol kay David, ay hindi kasama ni Adonia.
8Aga preester Saadok ja Benaja, Joojada poeg, samuti prohvet Naatan ja Simei ja Rei ning Taaveti kangelased ei olnud Adonija poolt.
9At nagpatay si Adonia ng mga tupa, at mga baka at ng mga pinataba sa siping ng bato ng Zoheleth, na nasa tabi ng Enrogel: at kaniyang tinawag ang lahat niyang kapatid na mga anak ng hari, at ang lahat na lalake sa Juda na mga lingkod ng hari.
9Kord tappis Adonija lambaid ja kitsi, veiseid ja nuumloomi Soheleti kivi juures, mis on Rogeli allika kõrval, ja kutsus kõik oma vennad, kuningapojad, ja kõik Juuda mehed, kuninga sulased,
10Nguni't si Nathan na propeta, at si Benaia, at ang mga makapangyarihang lalake, at si Salomon na kaniyang kapatid ay hindi niya tinawag.
10aga prohvet Naatanit, Benajat, ihukaitsjaid ja oma venda Saalomoni ta ei kutsunud.
11Nang magkagayo'y nagsalita si Nathan kay Bath-sheba na ina ni Salomon, na nagsasabi, Hindi mo ba nabalitaan na naghahari si Adonia na anak ni Haggith, at hindi nalalaman ni David na ating panginoon?
11Siis rääkis Naatan Batsebaga, Saalomoni emaga, öeldes: 'Kas sa ei ole kuulnud, et Haggiti poeg Adonija on saanud kuningaks, ilma et meie isand Taavet seda teaks?
12Ngayon nga'y parito ka, isinasamo ko sa iyo, na bigyang payo kita, upang iyong mailigtas ang iyong sariling buhay, at ang buhay ng iyong anak na si Salomon.
12Aga tule nüüd, küllap ma annan sulle nõu, et saaksid päästa oma hinge ja oma poja Saalomoni hinge!
13Ikaw ay yumaon, at pasukin mo ang haring si David, at sabihin mo sa kaniya, Di ba, panginoon ko, isinumpa mo sa iyong lingkod, na iyong sinasabi, Tunay na si Salomon na iyong anak ay maghahari pagkamatay ko, at siya'y uupo sa aking luklukan? bakit nga maghahari si Adonia?
13Tule, mine kuningas Taaveti juurde ja küsi temalt: Eks sina, mu isand kuningas, ole vandunud oma teenijale ja öelnud: Sinu poeg Saalomon saab pärast mind kuningaks ja tema istub minu aujärjele? Mispärast on siis Adonija saanud kuningaks?
14Narito, samantalang nagsasalita ka pa roon sa hari, ay papasok naman ako na kasunod mo, at aking patototohanan ang iyong mga salita.
14Vaata, kui sa seal alles kuningaga kõneled, tulen mina sinu järel sisse ja kinnitan su sõnu.'
15At pinasok ni Bath-sheba ang hari sa silid; at ang hari ay totoong matanda na; at si Abisag na Sunamita ay siyang nagaalaga sa hari.
15Ja Batseba läks kuninga juurde kambrisse; kuningas oli nüüd väga vana ja suunemlanna Abisag teenis kuningat.
16At si Bath-sheba ay yumukod at nagbigay galang sa hari. At sinabi ng hari, Anong ibig mo?
16Ja Batseba põlvitas ning kummardas kuninga ees. Ja kuningas küsis: 'Mida sa soovid?'
17At sinabi niya sa kaniya, Panginoon ko, isinumpa mo ang Panginoon mong Dios sa iyong lingkod, na sinasabi, Tunay na si Salomon na iyong anak ay maghahari pagkamatay ko, at siya'y uupo sa aking luklukan.
17Ja ta vastas temale: 'Mu isand, sa oled Issanda, oma Jumala juures vandunud oma teenijale: Sinu poeg Saalomon saab pärast mind kuningaks ja istub mu aujärjele.
18At ngayo'y narito, si Adonia ay naghahari; at ikaw, panginoon ko na hari, ay hindi mo nalalaman;
18Aga vaata, nüüd on Adonija saanud kuningaks ja sina, mu isand kuningas, ei tea sellest midagi.
19At siya'y pumatay ng mga baka, at mga pinataba, at tupa na sagana, at tinawag ang lahat na anak ng hari, at si Abiathar na saserdote, at si Joab na puno ng hukbo: nguni't si Salomon na iyong lingkod ay hindi niya tinawag.
19Ta on tapnud palju härgi, nuumloomi, lambaid ja kitsi ning on kutsunud kõik kuningapojad, preester Ebjatari ja väepealik Joabi; aga su sulast Saalomoni ei ole ta kutsunud.
20At ikaw, panginoon ko na hari, ang mga mata ng buong Israel ay nasa iyo, upang iyong saysayin sa kanila kung sino ang uupo sa luklukan ng aking panginoon na hari pagkamatay niya.
20Sinu poole, mu isand kuningas, vaatavad nüüd kogu Iisraeli silmad, et sa neile teada annaksid, kes istub mu isanda kuninga aujärjele pärast teda.
21Sa ibang paraa'y mangyayari, na pagka ang aking panginoon na hari ay natutulog na kasama ng kaniyang mga magulang, na ako at ang aking anak na si Salomon ay mabibilang sa mga may sala.
21Muidu juhtub, et kui mu isand kuningas läheb magama oma vanemate juurde, siis jääme süüdlasteks, mina ja mu poeg Saalomon.'
22At, narito, samantalang siya'y nakikipagsalitaan pa sa hari, ay pumasok si Nathan na propeta.
22Ja vaata, kui ta alles kuningaga rääkis, tuli prohvet Naatan.
23At kaniyang isinaysay sa hari, na sinasabi, Narito, si Nathan na propeta. At nang siya'y dumating sa harap ng hari, siya'y yumukod ng kaniyang mukha sa lupa sa harap ng hari.
23Ja kuningale anti teada ning öeldi: 'Vaata, prohvet Naatan on siin.' Ja tema tuli kuninga ette ning kummardas silmili maha kuninga ees.
24At sinabi ni Nathan, Panginoon ko, Oh hari, iyo bang sinabi, Si Adonia ay maghahari pagkamatay ko, at siya'y uupo sa aking luklukan?
24Ja Naatan ütles: 'Mu isand kuningas! Sa oled muidugi öelnud: Adonija saab pärast mind kuningaks ja istub minu aujärjele?
25Sapagka't siya'y lumusong nang araw na ito, at nagpatay ng mga baka, at mga pinataba, at mga tupa na sagana, at tinawag ang lahat na anak ng hari, at ang mga puno ng hukbo, at si Abiathar na saserdote; at, narito, sila'y nagkakainan at nagiinuman sa harap niya at nagsisipagsabi, Mabuhay ang haring si Adonia.
25Sest ta läks täna ja tappis palju härgi, nuumloomi, lambaid ja kitsi ning kutsus kõik kuningapojad ja väepealikud ja preester Ebjatari; vaata, nad söövad ja joovad tema ees ning ütlevad: 'Elagu kuningas Adonija!'
26Nguni't ako, akong iyong lingkod, at si Sadoc na saserdote, at si Benaia na anak ni Joiada, at ang iyong lingkod na si Salomon, hindi niya tinawag.
26Aga mind, su sulast, ja preester Saadokit ja Benajat, Joojada poega, ja su sulast Saalomoni ei ole ta kutsunud.
27Ang bagay na ito baga ay ginawa ng aking panginoon na hari, at hindi mo ipinakilala sa iyong mga lingkod kung sino ang uupo sa luklukan ng aking panginoon na hari pagkamatay niya?
27Kas see on sündinud mu isanda kuninga poolt, ilma et sa oleksid oma sulastele teada andnud, kes istub mu isanda kuninga aujärjele pärast teda?'
28Nang magkagayo'y sumagot ang haring si David, at nagsabi, Tawagin ninyo sa akin si Bath-sheba. At siya'y pumasok sa harap ng hari, at tumayo sa harap ng hari.
28Siis kostis kuningas Taavet ja ütles: 'Kutsuge mu juurde Batseba!' Ja too tuli kuninga ette ning seisis kuninga ees.
29At sumumpa ang hari, at nagsabi, Buhay ang Panginoon, na tumubos ng aking kaluluwa sa lahat ng karalitaan,
29Ja kuningas vandus ning ütles: 'Nii tõesti kui elab Issand, kes mu hinge igast hädast on päästnud:
30Katotohanang kung paanong sumumpa ako sa iyo sa pangalan ng Panginoon, na Dios ng Israel, na sinasabi, Tunay na si Salomon na iyong anak ay maghahari pagkamatay ko, at siya'y uupo sa aking luklukan na kahalili ko; katotohanang gayon ang aking gagawin sa araw na ito.
30nõnda nagu ma sulle olen vandunud Issanda, Iisraeli Jumala juures ja olen öelnud: Saalomon, sinu poeg, saab pärast mind kuningaks ja istub minu asemel mu aujärjele - nõnda ma teengi täna!'
31Nang magkagayo'y iniyukod ni Bath-sheba ang kaniyang mukha sa lupa, at nagbigay galang sa hari, at nagsabi, Mabuhay ang aking panginoon na haring si David magpakailan man.
31Siis Batseba kummardas silmili maha, heitis kuninga ette ja ütles: 'Mu isand, kuningas Taavet, elagu igavesti!'
32At sinabi ng haring si David, Tawagin ninyo sa akin si Sadoc na saserdote, at si Nathan na propeta, at si Benaia na anak ni Joiada. At sila'y pumasok sa harap ng hari.
32Ja kuningas Taavet ütles: 'Kutsuge mu juurde preester Saadok, prohvet Naatan ja Joojada poeg Benaja!' Ja need tulid kuninga ette.
33At sinabi ng hari sa kanila, Ipagsama ninyo ang mga lingkod ng inyong panginoon, at pasakayin ninyo ang aking anak na si Salomon sa aking sariling mula, at ilusong ninyo siya sa Gihon.
33Ja kuningas ütles neile: 'Võtke enestega kaasa oma isanda sulased ja pange mu poeg Saalomon minu muula selga ning viige ta alla Giihoni äärde!
34At pahiran siya ng langis doon ni Sadoc na saserdote at ni Nathan na propeta na maging hari sa Israel: at kayo'y magsihihip ng pakakak, at magsipagsabi, Mabuhay ang haring si Salomon.
34Seal võidku preester Saadok ja prohvet Naatan ta Iisraeli kuningaks! Ja puhuge sarve ning ütelge: 'Elagu kuningas Saalomon!'
35Kung magkagayo'y magsisiahon kayong kasunod niya, at siya'y paririto, at uupo sa aking luklukan: sapagka't siya'y magiging hari, na kahalili ko: at inihalal ko siyang maging prinsipe sa Israel at sa Juda.
35Tulge siis tema järel üles, ja tema tulgu ning istugu mu aujärjele ja olgu minu asemel kuningas! Mina olen käskinud teda olla Iisraeli ja Juuda vürstiks.'
36At si Benaia na anak ni Joiada ay sumagot sa hari, at nagsabi, Siya nawa: ang Panginoon, ang Dios ng aking panginoon na hari ay magsabi nawa ng ganyan din.
36Siis kostis Benaja, Joojada poeg, kuningale ja ütles: 'Aamen! Nõnda öelgu ka Issand, mu isanda kuninga Jumal!
37Kung paanong ang Panginoon ay sumaaking panginoon na hari ay gayon suma kay Salomon at gawin nawa ang kaniyang luklukang lalong dakila kay sa luklukan ng aking panginoong haring si David.
37Nõnda nagu Issand on olnud mu isandaga, kuningaga, nõnda olgu ta Saalomoniga ja ta tehku tema aujärg suuremaks, kui on mu isanda, kuningas Taaveti aujärg!'
38Sa gayo'y si Sadoc na saserdote at si Nathan na propeta, at si Benaia na anak ni Joiada, at ang mga Ceretheo, at ang mga Peletheo ay nagsibaba, at pinasakay si Salomon sa mula ng haring si David, at dinala sa Gihon.
38Siis läksid preester Saadok, prohvet Naatan ja Benaja, Joojada poeg, ning kreedid ja pleedid ja panid Saalomoni kuningas Taaveti muula selga ning viisid ta Giihoni äärde.
39At kinuha ni Sadoc na saserdote ang sisidlang sungay ng langis mula sa Tolda, at pinahiran ng langis si Salomon. At sila'y humihip ng pakakak; at ang buong bayan ay nagsabi, Mabuhay ang haring si Salomon.
39Ja preester Saadok võttis telgist õlisarve ning võidis Saalomoni; nad puhusid sarve ja kogu rahvas hüüdis: 'Elagu kuningas Saalomon!'
40At ang buong bayan ay nagsiahong kasunod niya, at ang bayan ay humihip ng mga plauta, at nangagalak ng malaking pagkagalak, anopa't ang lupa ay umalingawngaw sa hugong nila.
40Ja kogu rahvas läks tema järel üles, rahvas puhus vilet ja kõik olid väga rõõmsad, nõnda et maa lõhkes nende kärast.
41At narinig ni Adonia at ng buong inanyayahan na nasa kaniya pagkatapos nilang makakain. At nang marinig ni Joab ang tunog ng pakakak, ay kaniyang sinabi, Anong dahil nitong hugong sa bayan na kaingay?
41Aga Adonija ja kõik kutsutud, kes olid ta juures, kuulsid seda just siis, kui nad söömise olid lõpetanud. Ja kui Joab kuulis sarvehäält, siis ta küsis: 'Mispärast kostab linnast niisugune kära?'
42Samantalang siya'y nagsasalita pa, narito, si Jonathan na anak ni Abiathar na saserdote ay dumating at si Adonia ay nagsabi, Pumasok ka; sapagka't ikaw ay karapatdapat na tao, at nagdadala ka ng mabubuting balita.
42Kui ta alles rääkis, vaata, siis tuli Joonatan, preester Ebjatari poeg, ja Adonija ütles: 'Tule sisse, sest sa oled tubli mees ja tood häid sõnumeid!'
43At si Jonathan ay sumagot, at nagsabi kay Adonia, Katotohanang ginawang hari si Salomon ng ating panginoong haring si David:
43Aga Joonatan kostis ja ütles Adonijale: 'Vastupidi! Meie isand, kuningas Taavet, on tõstnud Saalomoni kuningaks.
44At sinugo ng hari na kasama niya si Sadoc na saserdote, at si Nathan na propeta, at si Benaia na anak ni Joiada, at ang mga Ceretheo at ang mga Peletheo at pinasakay nila siya sa mula ng hari:
44Kuningas läkitas koos temaga preester Saadoki ja prohvet Naatani ja Benaja, Joojada poja, ning kreedid ja pleedid, ja nad panid ta kuninga muula selga.
45At siya'y pinapaging hari na pinahiran ng langis ni Sadoc na saserdote at ni Nathan na propeta sa Gihon: at sila'y nagsiahong galak mula roon, na anopa't ang bayan ay umalingawngaw uli. Ito ang hugong na iyong narinig.
45Siis võidsid preester Saadok ja prohvet Naatan ta Giihoni ääres kuningaks, ja nad tulid sealt rõõmustades üles ning kogu linn oli liikvel. See oligi kära, mida te kuulsite.
46At si Salomon naman ay nauupo sa luklukan ng kaharian.
46Saalomon istubki juba kuninglikul aujärjel.
47At bukod dito'y ang mga lingkod ng hari ay nagsiparoon upang purihin ang ating panginoong haring si David, na nagsisipagsabi, Gawin nawa ng iyong Dios ang pangalan ni Salomon na lalong maigi kay sa iyong pangalan, at gawin ang kaniyang luklukan na lalong dakila kay sa iyong luklukan; at ang hari ay yumukod sa kaniyang higaan.
47Ka kuninga sulased tulid õnnitlema meie isandat, kuningas Taavetit, öeldes: 'Tehku su Jumal Saalomoni nimi sinu nimest kuulsamaks ja tehku ta tema aujärg sinu aujärjest suuremaks!' Ja kuningas kummardas oma voodis.
48At ganito pa ang sinabi ng hari, Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na siyang nagbigay sa akin ng isa na makakaupo sa aking luklukan sa araw na ito, na nakita ng aking mga mata.
48Kuningas ütles veel nõnda: 'Kiidetud olgu Issand, Iisraeli Jumal, kes täna on andnud mu aujärjele istuja, ja et ma näen seda oma silmaga!'
49At ang lahat na inanyayahan ni Adonia ay nangatakot at nagsitindig, at yumaon bawa't isa sa kaniyang lakad.
49Siis värisesid ja tõusid üles kõik need kutsutud, kes olid Adonija juures, ja läksid igaüks oma teed.
50At natakot si Adonia dahil kay Salomon: at siya'y tumindig at yumaon, at pumigil sa mga anyong sungay ng dambana.
50Ja Adonija kartis Saalomoni; ta tõusis üles ja läks ning haaras kinni altari sarvedest.
51At nasaysay kay Salomon na sinasabi, Narito, si Adonia ay natatakot sa haring Salomon: sapagka't, narito, siya'y pumigil sa mga anyong sungay ng dambana, na nagsasabi, Isumpa ng haring Salomon sa akin sa araw na ito, na hindi niya papatayin ng tabak ang kaniyang lingkod.
51Ja Saalomonile anti teada ning öeldi: 'Vaata, Adonija kardab kuningas Saalomoni, ja näe, ta hoiab kinni altari sarvedest, öeldes: 'Kuningas Saalomon vandugu mulle täna, et ta ei surma mõõgaga oma sulast!''
52At sinabi ni Salomon, Kung siya'y pakikilalang karapatdapat na tao, ay walang malalaglag na isang buhok sa kaniya sa lupa; nguni't kung kasamaan ang masumpungan sa kaniya siya'y mamamatay.
52Siis ütles Saalomon: 'Kui ta jääb tubliks meheks, siis ei lange temalt juuksekarvagi maha, aga kui temas leitakse kurja, siis peab ta surema.'
53Sa gayo'y nagsugo ang haring Salomon, at kanilang ibinaba siya mula sa dambana. At siya'y naparoon at nagbigay galang sa haring Salomon; at sinabi ni Salomon sa kaniya, Umuwi ka sa iyong bahay.
53Ja kuningas Saalomon läkitas talle järele ning laskis ta altarilt alla tuua. Siis ta tuli ning kummardas kuningas Saalomoni ees. Ja Saalomon ütles temale: 'Mine oma kotta!'