1At nangyari nang ikaapat na raan at walong pung taon pagkatapos na ang mga anak ni Israel ay nangakalabas sa lupain ng Egipto, nang ikaapat na taon ng paghahari ni Salomon sa Israel, nang buwan ng Ziph, na ikalawang buwan, na kaniyang pinasimulang itinayo ang bahay ng Panginoon.
1Ja neljasaja kaheksakümnendal aastal pärast Iisraeli laste Egiptusemaalt tulekut, Saalomoni neljandal valitsemisaastal Iisraeli üle, siivikuus, see on teises kuus, hakkas ta Issandale koda ehitama.
2At ang bahay na itinayo ng haring Salomon ukol sa Panginoon, ang haba niyao'y anim na pung siko, at ang luwang ay dalawang pung siko, at ang taas ay tatlong pung siko.
2Koda, mille kuningas Saalomon Issandale ehitas, oli kuuskümmend küünart pikk, kakskümmend küünart lai ja kolmkümmend küünart kõrge.
3At ang portiko sa harap ng templo ng bahay, may dalawang pung siko ang haba, ayon sa luwang ng bahay; at sangpung siko ang luwang niyaon sa harap ng bahay.
3Eeskoda koja pealöövi esiküljes oli kakskümmend küünart pikk, vastavalt koja laiusele, ja kümme küünart lai - koja pikkusele lisaks.
4At iginawa ang bahay ng mga dungawan na may silahia.
4Ta tegi kojale võretatud aknad.
5At sa karatig ng pader ng bahay ay naglagay siya ng mga grado sa palibot, sa siping ng mga pader ng bahay sa palibot ng templo at gayon din sa sanggunian: at siya'y gumawa ng mga silid sa tagiliran sa palibot:
5Ta ehitas koja seina külge külgehitise ümberringi, ümber koja seinte - pealöövi ja tagaruumi - ja tegi külgkambrid ümberringi.
6Ang kababababaan ay may limang siko ang luwang, at ang pangalawang grado ay may anim na siko ang luwang, at ang ikatlo ay may pitong siko ang luwang: sapagka't siya'y gumawa ng mga tungtungan sa labas ng bahay sa palibot, upang ang mga sikang ay huwag kumapit sa mga pader ng bahay.
6Külgehitise alumise korruse laius oli viis küünart, keskmise korruse laius kuus küünart ja kolmanda korruse laius seitse küünart, sest ta tegi koja seina välispidi ümberringi järkmeliselt, et poleks vaja kinnitust koja seintes.
7At ang bahay, nang ginagawa, ay ginawa na mga bato na inihanda sa tibagan ng bato: at wala kahit pamukpok o palakol man, o anomang kasangkapang bakal na narinig sa bahay, samantalang itinatayo.
7Ja kui koda ehitati, siis ehitati see kivimurrus töödeldud kividest; ei kuuldud kojas vasaraid ega kirkasid, mitte ühtegi raudriista, kui seda ehitati.
8Ang pintuan sa mga kababababaang silid sa tagiliran ay nasa dakong kanan ng bahay: at sa pamamagitan ng isang hagdanang sinuso ay nakapapanhik sa pangalawang grado, at mula sa pangalawang grado ay sa ikatlo.
8Külgehitise keskmise korruse uks oli koja lõunapoolses küljes; treppe mööda tõusti keskmisele korrusele ja keskmiselt kolmandale.
9Gayon itinayo niya ang bahay, at tinapos at binubungan ang bahay ng mga sikang at mga tabla ng sedro.
9Nõnda ehitas ta koja. Ja kui ta selle oli valmis saanud, siis ta vooderdas koja seedriplankude ja -laudadega.
10At kaniyang ginawa ang mga grado na karatig ng buong bahay, na bawa't isa'y limang siko ang taas: at kumakapit sa bahay sa pamamagitan ng kahoy na sedro.
10Ja ehitanud külgehitise kogu kojale, viis küünart kõrgete korrustega, kattis ta koja seedripuuga.
11At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Salomon, na sinasabi,
11Ja Saalomonile tuli Issanda sõna, kes ütles:
12Tungkol sa bahay na ito na iyong itinatayo, kung ikaw ay lalakad sa aking mga palatuntunan, at gagawin ang aking mga kahatulan, at iingatan ang lahat ng aking mga utos upang lakaran; ay akin ngang pagtitibayin ang aking salita sa iyo, na aking sinalita kay David na iyong ama.
12'Selle kojaga, mida sa ehitad, on lugu nõnda: kui sa käid minu määruste järgi ja täidad minu seadlusi ning pead kõiki minu käske nende järgi käies, siis ma teen tõeks oma sõna, mis ma ütlesin su isale Taavetile:
13At ako'y tatahan sa gitna ng mga anak ni Israel, at hindi ko pababayaan ang aking bayang Israel.
13Mina asun elama Iisraeli laste keskele ega jäta maha oma Iisraeli rahvast.'
14Gayon itinayo ni Salomon ang bahay, at tinapos.
14Nõnda ehitas Saalomon koda ja sai selle valmis.
15At kaniyang ginawa ang mga panig sa loob ng bahay na kahoy na sedro; mula sa lapag ng bahay hanggang sa mga panig ng kisame, na kaniyang binalot ng kahoy sa loob; at kaniyang tinakpan ang lapag ng bahay ng tabla na abeto.
15Ta kattis koja seinad seestpoolt seedrilaudadega; koja vooderdas ta seestpoolt puuga, põrandast kuni laetaladeni; koja põranda kattis ta aga küpressilaudadega.
16At siya'y gumawa ng isang silid na dalawang pung siko sa pinakaloob ng bahay, ng tabla na sedro mula sa lapag hanggang sa mga panig sa itaas: na kaniyang ginawa sa loob na ukol sa sanggunian, sa makatuwid baga'y ukol sa kabanalbanalang dako.
16Ja ta kattis kakskümmend küünart koja tagumisest osast seedrilaudadega, põrandast taladeni, ja ehitas selle tagaruumiks - kõige pühamaks paigaks.
17At ang bahay, sa makatuwid baga'y ang templo sa harap ng sanggunian ay apat na pung siko ang haba.
17Koda, see on pealööv selle ees, oli nelikümmend küünart pikk.
18At may mga sedro sa loob ng bahay na inukitan ng kulukuti at mga bukang bulaklak: lahat ay sedro; walang batong makikita.
18Seedripuu selle koja sees oli nikerdatud metskõrvitsate ja puhkenud õite kujuliselt; kõik oli seedripuu, kivi ei olnudki näha.
19At siya'y naghanda ng isang sanggunian sa gitna ng pinakaloob ng bahay, upang ilagay roon ang kaban ng tipan ng Panginoon.
19Koja sisemuses seadis ta korda kõige pühama paiga, et sinna asetada Issanda seaduselaegas.
20At ang loob ng sanggunian ay may dalawang pung siko ang haba, at dalawang pung siko ang luwang, at dalawang pung siko ang taas: at binalot niya ng taganas na ginto: at binalot niya ng sedro ang dambana.
20Kõige pühama paiga ette, mis oli kakskümmend küünart pikk, kakskümmend küünart lai ja kakskümmend küünart kõrge ja mille ta kattis puhta kullaga, tegi ta seedripuust altari.
21Sa gayo'y binalot ni Salomon ang loob ng bahay ng taganas na ginto: at kaniyang kinanaan ng mga tanikalang ginto ang harapan ng sanggunian; at binalot ng ginto.
21Ja Saalomon kattis koja seestpoolt puhta kullaga, tõmbas kuldketid kõige pühama paiga ette ja kattis selle kullaga.
22At binalot ng ginto ang buong bahay, hanggang sa ang bahay ay nayari: gayon din ang buong dambana na nauukol sa sanggunian ay kaniyang binalot ng ginto.
22Ta kattis kullaga kogu koja, kogu koja tervenisti; nõndasamuti kattis ta kullaga kogu altari, mis oli kõige pühama paiga ees.
23At sa sanggunian ay gumawa siya ng dalawang querubin na kahoy na olibo, na bawa't isa'y may sangpung siko ang taas.
23Ja ta valmistas kõige pühamasse paika kaks õlipuust keerubit, kümme küünart kõrged.
24At limang siko ang isang pakpak ng querubin, at limang siko ang kabilang pakpak ng querubin: mula sa dulo ng isang pakpak hanggang sa dulo ng kabila ay sangpung siko.
24Üks keerubi tiib oli viis küünart ja teine keerubi tiib oli viis küünart - ühe tiiva otsast teise tiiva otsani oli kümme küünart.
25At ang isang querubin ay sangpung siko: ang dalawang querubin ay may isang sukat at isang anyo.
25Ka teine keerub oli kümneküünrane - mõlemal keerubil oli ühesugune mõõt ja ühesugune kuju.
26Ang taas ng isang querubin ay may sangpung siko, at gayon din ang isang querubin.
26Üks keerub oli kümme küünart kõrge ja nõndasamuti teine keerub.
27At kaniyang inilagay ang mga querubin sa pinakaloob ng bahay: at ang mga pakpak ng mga querubin ay nangakabuka na anopa't ang pakpak ng isa ay dumadaiti sa isang panig, at ang pakpak ng ikalawang querubin ay dumadaiti sa kabilang panig; at ang kanilang mga kabilang pakpak ay nagkakadaiti sa gitna ng bahay.
27Ta pani keerubid keset koja sisemist osa; ja keerubite tiivad laotusid nõnda, et ühe tiib puudutas ühte ja teise keerubi tiib puudutas teist seina, aga keset koda puutusid nende tiivad teineteise külge.
28At kaniyang binalot ng ginto ang mga querubin.
28Ja ta kattis keerubid kullaga.
29At kaniyang inukitan ang lahat na panig ng bahay sa palibot ng mga ukit na larawan ng mga querubin, at ng mga puno ng palma, at ng mga bukang bulaklak, sa loob at sa labas.
29Ja ta nikerdas kõigi koja seinte peale ümberringi keerubeid ja palme ja puhkenud õiekesi niihästi sisemises kui välimises ruumis.
30At ang lapag ng bahay ay binalot niya ng ginto, sa loob at sa labas.
30Ja ta kattis koja põranda kullaga niihästi sisemises kui välimises ruumis.
31At sa pasukan ng sanggunian, siya'y gumawa ng mga pintuan na kahoy na olibo: ang itaas ng pintuan at ang mga haligi niyaon ay ikalimang bahagi ng panig ang laki.
31Ja kõige pühama paiga sissekäigule tegi ta õlipuust uksed; piitjala postid olid viietahulised.
32Sa gayo'y gumawa siya ng dalawang pinto na kahoy na olibo; at kaniyang inukitan ng mga ukit na mga querubin, at mga puno ng palma, at mga bukang bulaklak, at binalot niya ng ginto; at kaniyang ikinalat ang ginto sa mga querubin, at sa mga puno ng palma,
32Ja mõlema õlipuust uksepoole peale nikerdas ta nikerdusi - keerubeid ja palme ja puhkenud õiekesi; ta kattis need kullaga, tagudes kulla keerubite ja palmide peale.
33Sa gayo'y gumawa naman siya sa pasukan ng templo ng mga haligi ng pintuan na kahoy na olibo, sa ikaapat na bahagi ng panig;
33Ja nõnda ta tegi ka pealöövi uksele õlipuust postid, mis olid neljatahulised,
34At dalawang pinto na kahoy na abeto; ang dalawang pohas ng isang pinto ay naititiklop, at ang dalawang pohas ng kabilang pinto ay naititiklop.
34ja kaks küpressipuust uksepoolt: ühe uksepoole mõlemad tahvlid olid pööratavad, nõndasamuti olid ka teise uksepoole mõlemad tahvlid pööratavad.
35At kaniyang pinagukitan ng mga querubin, at mga puno ng palma, at mga bukang bulaklak; at binalot niya ng ginto na kapit sa mga ukit na gawa.
35Ja ta nikerdas nende peale keerubeid ja palme ja puhkenud õiekesi ning kattis nikerdatu pealt siledaks taotud kullaga.
36At kaniyang ginawa ang loob na looban, na tatlong hanay na batong tabas, at isang hanay na sikang na kahoy na sedro.
36Ja ta ehitas siseõue - kolm rida tahutud kive ja rida seedripalke.
37Nang ikaapat na taon, sa buwan ng Ziph, inilagay ang mga tatagang-baon ng bahay ng Panginoon.
37Neljandal aastal siivikuus pandi Issanda kojale alus,
38At nang ikalabing isang taon, sa buwan ng Bul, na siyang ikawalong buwan ay nayari ang bahay sa lahat ng bahagi niyaon, at ayon sa buong anyo niyaon. Na anopa't pitong taong ginawa.
38ja üheteistkümnendal aastal buulikuus, see on kaheksandas kuus, sai koda kõigis oma osades valmis, just nagu see pidi olema. Ta ehitas seda seitse aastat.