1Nangyari nga isang araw, na si Jonathan na anak ni Saul ay nagsabi sa bataan na tagadala ng kaniyang sandata, Halika at tayo'y dumaan sa pulutong ng mga Filisteo, na nasa dakong yaon. Nguni't hindi niya ipinagbigay alam sa kaniyang ama.
1Ja ühel päeval juhtus, et Joonatan, Sauli poeg, ütles poisile, kes kandis tema sõjariistu: 'Tule, lähme vilistite valvemeeskonna juurde, kes on seal teisel pool!' Aga oma isale ta sellest ei kõnelnud.
2At tumigil si Saul sa kaduluduluhang bahagi ng Gabaa sa ilalim ng puno ng granada na nasa Migron: at ang bayan na nasa kaniya ay may anim na raang lalake.
2Saul istus siis Gibea servas Migronis oleva granaatõunapuu all ja temaga koos olevat rahvast oli ligi kuussada meest,
3At si Achias na anak ni Achitob, na kapatid ni Ichabod, na anak ni Phinees, na anak ni Eli, na saserdote ng Panginoon sa Silo, ay nagsusuot ng epod. At hindi nalalaman ng bayan na si Jonathan ay yumaon.
3ja õlarüüd kandis Ahija, Siilos olnud Issanda preestri Eeli poja Piinehasi poja Iikabodi venna Ahituubi poeg; ka rahvas ei teadnud, et Joonatan oli ära läinud.
4At sa pagitan ng mga daanan, na pinagsikapan ni Jonathan na pagdaanan ng pulutong ng mga Filisteo, ay mayroong isang tila tukang bato sa isang dako at isang tila tukang bato sa kabilang dako: at ang pangalan ng isa ay Boses at ang pangalan niyaon isa ay Sene.
4Mõlemal pool kuru, mida Joonatan tahtis vilistite valvemeeskonna juurde minnes ületada, oli kaljurünk, niihästi siin- kui sealpool; ühe nimi oli Booses ja teise nimi oli Senne.
5Ang isang tila tuka ay pataas sa hilagaan sa tapat ng Michmas, at ang isa ay sa timugan sa tapat ng Gabaa.
5Üks rünk oli sambana põhja pool Mikmasi kohal, teine lõuna pool Geba kohal.
6At sinabi ni Jonathan sa bataan na tagadala ng kaniyang sandata: Halika at tayo ay dumaan sa pulutong ng mga hindi tuling ito: marahil ang Panginoon ay tutulong sa atin: sapagka't hindi maliwag sa Panginoon na magligtas sa pamamagitan ng marami o ng kaunti.
6Ja Joonatan ütles poisile, oma sõjariistade kandjale: 'Tule, lähme nende ümberlõikamatute valvemeeskonna juurde, vahest teeb Issand midagi meie heaks, sest pole midagi, mis keelaks Issandat aitamast palju või pisku läbi!'
7At sinabi sa kaniya ng tagadala niya ng sandata, Gawin mo ang buong nasa loob mo: lumiko ka, narito, ako'y sumasa iyo ayon sa nasa loob mo.
7Ja tema sõjariistade kandja ütles talle: 'Tee kõik, milleks su süda kutsub, mine! Vaata, ma olen sinuga ühel nõul!'
8Nang magkagayo'y sinabi ni Jonathan, Narito, tayo'y dumaan sa mga lalaking yaon, at tayo'y pakikilala sa kanila.
8Ja Joonatan ütles: 'Vaata, minnes üles meeste juurde, me näitame endid neile.
9Kung kanilang sabihing ganito sa atin, Kayo'y maghintay hanggang sa kami ay dumating sa inyo; ay maghihintay nga tayo sa ating dako at hindi natin aahunin sila.
9Kui nad ütlevad meile nõnda: Seiske paigal, kuni me tuleme teie juurde!, siis me jääme oma kohale ega lähe üles nende juurde.
10Nguni't kung kanilang sabihing ganito, Ahunin ninyo kami; aahon nga tayo: sapagka't ibinigay sila ng Panginoon sa ating kamay: at ito ang magiging tanda sa atin.
10Aga kui nad ütlevad meile nõnda: Tulge üles meie juurde!, siis me läheme, sest siis on Issand andnud nad meie kätte ja see olgu meile märgiks!'
11At kapuwa nga sila napakilala sa pulutong ng mga Filisteo: at sinabi ng mga Filisteo: Narito, ang mga Hebreo na lumabas sa mga hukay na kanilang pinagtaguan.
11Kui nad mõlemad said nähtavaks vilistite valvemeeskonnale, ütlesid vilistid: 'Ennäe, heebrealased tulevad välja aukudest, kuhu nad on pugenud.'
12At sumagot ang mga lalake sa pulutong kay Jonathan at sa kaniyang tagadala ng sandata, at sinabi, Ahunin ninyo kami, at pagpapakitaan namin kayo ng isang bagay. At sinabi ni Jonathan sa kaniyang tagadala ng sandata, Umahon ka na kasunod ko: sapagka't ibinigay sila ng Panginoon sa kamay ng Israel.
12Ja valvemeeskonna mehed hüüdsid Joonatani ja tema sõjariistade kandjat ning ütlesid: 'Tulge üles meie juurde, siis me teid alles õpetame!' Aga Joonatan ütles oma sõjariistade kandjale: 'Tule minu järel, sest Issand on andnud nad Iisraeli kätte!'
13At gumapang si Jonathan ng kaniyang mga kamay at ng kaniyang mga paa, at ang kaniyang tagadala ng sandata ay kasunod niya. At sila'y nangabuwal sa harap ni Jonathan; at ang mga yao'y pinagpapatay ng kaniyang tagadala ng sandata na kasunod niya.
13Ja Joonatan ronis üles käte ja jalgade abil, ja vilistid langesid Joonatani ees ning ta sõjariistade kandja tappis neid tema taga.
14At yaon ang unang pagpatay na ginawa ni Jonathan at ng kaniyang tagadala ng sandata, sa may dalawang pung lalake, sa may pagitan ng kalahating akre ng lupa.
14See oli esimene taplus, kus Joonatan ja tema sõjariistade kandja lõid maha ligi kakskümmend meest umbes ühe adramaa poole vaomaa peal.
15At nagkaroon ng panginginig sa kampamento, sa parang, at sa buong bayan: ang pulutong at ang mga mananamsam ay nagsipanginig din; lumindol; sa gayo'y nagkaroon ng totoong malaking pagkayanig.
15Siis tekkis hirm leeris ja väljal ning kogu rahval, valvemeeskonnad ja hävitussalgad lõdisesid samuti. Maa värises - ja tekkis hirm Jumala ees!
16At ang mga bantay ni Saul sa Gabaa ng Benjamin ay tumanaw; at, narito, ang karamihan ay nawawala at sila'y nagparoo't parito.
16Kui Sauli vahimehed Benjamini Gibeas vaatasid, ennäe, siis voogas rahvahulk sinna ja tänna.
17Nang magkagayo'y sinabi ni Saul sa bayan na kasama niya, Magbilang kayo ngayon at inyong tingnan kung sino ang umalis sa atin. At nang sila'y magbilang, narito, si Jonathan at ang kaniyang tagadala ng sandata ay wala roon.
17Ja Saul ütles rahvale, kes oli koos temaga: 'Lugege ometi üle ja vaadake, kes on meie juurest ära läinud!' Ja nad lugesid üle, ja vaata, puudusid Joonatan ja tema sõjariistade kandja.
18At sinabi ni Saul kay Achias, Dalhin ninyo rito ang kaban ng Dios. Sapagka't ang kaban ng Dios ay nandoon nang panahong yaon sa mga anak ni Israel.
18Siis ütles Saul Ahijale: 'Too Jumala laegas siia!' Sest Jumala laegas oli sel ajal Iisraeli laste juures.
19At nangyari, samantalang nagsasalita si Saul sa saserdote, na ang kaingay na nasa kampamento ng mga Filisteo ay lumala ng lumala: at sinabi ni Saul sa saserdote, Iurong mo ang iyong kamay.
19Aga kui Saul veel preestriga rääkis, läks kära vilistite leeris üha suuremaks. Ja Saul ütles preestrile: 'Tõmba oma käsi tagasi!'
20At nagpipisan si Saul at ang buong bayan na nasa kaniya at naparoon sa pakikibaka: at, narito, ang tabak ng bawa't isa ay laban sa kaniyang kasama, at nagkaroon ng malaking pagkalito.
20Siis Saul ja rahvas, kes oli koos temaga, tõstsid sõjakisa ja saabusid võitluspaika, ja vaata, ühe mõõk oli teise vastu, segadus oli väga suur.
21Ang mga Hebreo nga na napasa mga Filisteo nang una, na umahong kasama nila sa kampamento mula sa palibot ng lupain, ay nagsibalik pa rin na nakipisan sa mga Israelita na kasama ni Saul at ni Jonathan.
21Ja need heebrealased, kes olid endisest ajast vilistite juures, kes olid koos nendega leeri tulnud, nemadki liitusid Iisraeli lastega, kes olid koos Sauli ja Joonataniga.
22Gayon din ang mga lalake sa Israel na nagsikubli sa lupaing maburol ng Ephraim, na nang kanilang mabalitaan na ang mga Filisteo ay tumakas, ay nakihabol pati sila sa kanila sa pakikipagbaka.
22Ja kui kõik need Iisraeli mehed, kes olid peitu pugenud Efraimi mäestikus, kuulsid, et vilistid põgenesid, siis ajasid ka nemad neid tapluses taga.
23Gayon iniligtas ng Panginoon ang Israel nang araw na yaon: at ang pagbabaka ay napalipat sa Beth-aven.
23Nõnda aitas Issand sel päeval Iisraeli ja taplus kandus teisele poole Beet-Aavenit.
24At ang mga lalake sa Israel ay namanglaw nang araw na yaon: sapagka't ibinilin ni Saul sa bayan, na sinasabi, Sumpain ang lalake na kumain ng anomang pagkain hanggang sa kinahapunan, at ako'y nakaganti sa aking mga kaaway. Sa gayo'y wala sinoman sa bayan na lumasap ng pagkain.
24Kuigi Iisraeli mehed olid sel päeval väga vaevatud, ometi vannutas Saul rahvast, öeldes: 'Neetud olgu see mees, kes sööb leiba enne õhtut ja enne kui ma olen kätte maksnud oma vaenlastele!' Ja kogu rahvas ei maitsnud leiba.
25At ang buong bayan ay naparoon sa gubat; at may pulot sa ibabaw ng lupa.
25Aga kui kogu rahvas jõudis metsa, siis oli seal mesi maas.
26At nang dumating ang bayan sa gubat, narito, ang pulot ay tumutulo nguni't walang tao na naglagay ng kaniyang kamay sa kaniyang bibig; sapagka't ang bayan ay natakot sa sumpa.
26Kui rahvas läks metsa sisse, vaata, siis voolas seal mett, aga ükski ei tõstnud oma kätt suu juurde, sest rahvas kartis vannet.
27Nguni't hindi narinig ni Jonathan, nang ibilin ng kaniyang ama sa bayan na may sumpa: kaya't kaniyang iniunat ang dulo ng tungkod na nasa kaniyang kamay at isinagi sa pulot, at inilagay ang kaniyang kamay sa kaniyang bibig, at ang kaniyang mga mata ay lumiwanag.
27Joonatan ei olnud aga kuulnud, et tema isa rahvast oli vannutanud; seepärast ta sirutas kepi, mis tal käes oli, ja kastis selle otsa meekärjesse ning pani oma käe suhu: siis hakkasid ta silmad särama.
28Nang magkagayo'y sumagot ang isa sa bayan, at nagsabi, Ibiniling mahigpit ng iyong ama sa bayan na may sumpa, na sinasabi, Sumpain ang tao na kumain ng pagkain sa araw na ito. At ang bayan ay pata.
28Ent keegi rahva hulgast võttis sõna ja ütles: 'Su isa vannutas rahvast kõvasti ja ütles: Neetud olgu mees, kes täna leiba sööb! Seepärast on rahvas nii väsinud.'
29Nang magkagayo'y sinabi ni Jonathan, Binagabag ng aking ama ang lupain: tingnan ninyo, isinasamo ko sa inyo, kung paanong ang aking mga mata ay lumiwanag, sapagka't ako'y lumasa ng kaunti sa pulot na ito.
29Ja Joonatan ütles: 'Mu isa saadab maa õnnetusse! Vaadake ometi, kuidas mu silmad säravad, sellepärast et ma maitsesin pisut seda mett!
30Gaano pa kaya kung ang bayan ay kumaing may kalayaan ngayon sa samsam sa kanilang mga kaaway na kanilang nasumpungan? sapagka't hindi nagkaroon ng malaking patayan ngayon sa gitna ng mga Filisteo.
30Palju parem oleks olnud, kui rahvas täna tõesti oleks söönud saagist, mida saadi oma vaenlastelt. Sest nüüd ei ole vilistite kaotus mitte suurenenud.'
31At kanilang sinaktan ang mga Filisteo nang araw na yaon mula sa Michmas hanggang sa Ajalon: at ang bayan ay totoong pata.
31Sel päeval olid nad löönud vilisteid Mikmasist Ajjalonini ja rahvas oli väga väsinud.
32At ang bayan ay dumaluhong sa samsam, at kumuha ng mga tupa, at mga baka, at mga guyang baka, at mga pinatay sa lupa: at kinain ng bayan pati ng dugo.
32Seepärast kippus siis rahvas saagi kallale ja võttis lambaid, kitsi, veiseid ja vasikaid ja tappis need palja maa peal; ja rahvas sõi neid koos verega.
33Nang magkagayo'y kanilang isinaysay kay Saul, na sinasabi, Narito, ang bayan ay nagkakasala laban sa Panginoon, sa kanilang pagkain ng dugo. At kaniyang sinabi, Kayo'y gumawang may paglililo: inyong igulong ang isang malaking bato sa akin sa araw na ito.
33Aga Saulile anti teada ja üteldi: 'Vaata, rahvas teeb pattu Issanda vastu, kui ta sööb koos verega.' Ja tema ütles: 'Teie ei ole olnud truud. Veeretage nüüd mu juurde üks suur kivi!'
34At sinabi ni Saul, Magsikalat kayo sa bayan at inyong sabihin sa kanila, Dalhin sa akin dito ng bawa't tao ang kaniyang baka, at ng bawa't tao ang kaniyang tupa, at patayin dito, at kanin; at huwag nang magkasala laban sa Panginoon sa pagkain ng dugo. At dinala ng buong bayan, bawa't tao ang kaniyang baka nang gabing yaon at pinatay roon.
34Ja Saul ütles: 'Minge laiali rahva sekka ja öelge neile: Igaüks toogu minu juurde oma härg ja lammas ja tapku need siin ning söögu; ärgu tehtagu pattu Issanda vastu, süües koos verega!' Ja sel ööl tõi kogu rahvast igaüks oma härja oma käega ja nad tapsid need seal.
35At nagtayo si Saul ng isang dambana sa Panginoon: yaon ang unang dambana na itinayo niya sa Panginoon.
35Ja Saul ehitas altari Issandale; see oli esimene altar, mille ta Issandale ehitas.
36At sinabi ni Saul, Ating lusungin na sundan ang mga Filisteo sa kinagabihan, at atin silang samsaman hanggang sa pagliliwanag sa umaga, at huwag tayong maglabi ng isang tao sa kanila. At kanilang sinabi, Gawin mo ang inaakala mong mabuti sa iyo. Nang magkagayo'y sinabi ng saserdote, Tayo'y lumapit dito sa Dios.
36Ja Saul ütles: 'Lähme öösel vilistitele järele ja riisume neid kuni hommikuvalgeni; ärgem jätkem neist alles ühtainsatki!' Ja nemad vastasid: 'Tee kõik, mis su silmis hea on!' Aga preester ütles: 'Astugem siia Jumala ette!'
37At si Saul ay humingi ng payo sa Dios: Lulusungin ko ba na susundan ang mga Filisteo? ibibigay mo ba sila sa kamay ng Israel? Nguni't hindi siya sinagot nang araw na yaon.
37Siis küsis Saul Jumalalt: 'Kas pean minema vilistitele järele? Kas sa annad nad Iisraeli kätte?' Aga Issand ei vastanud temale sel päeval.
38At sinabi ni Saul, Lumapit kayo rito, kayong lahat na puno ng bayan: at maalaman at makita kung saan nanggaling ang kasalanang ito sa araw na ito.
38Siis ütles Saul: 'Tulge siia, kõik rahva juhid, uurige ja vaadake, kelle läbi on täna see patt sündinud!
39Sapagka't buhay nga ang Panginoon na nagliligtas sa Israel, na kahit si Jonathan na aking anak, ay walang pagsalang mamatay. Nguni't walang tao sa buong bayan na sumagot sa kaniya.
39Sest nii tõesti kui elab Issand, kes Iisraeli on päästnud: kui see ka oleks mu poja Joonatani süü, siis peab ta surema!' Aga rahva hulgast ei vastanud ükski temale.
40Nang magkagayo'y sinabi niya sa buong Israel, Lumagay kayo sa isang dako, at ako at si Jonathan na aking anak ay lalagay sa kabilang dako. At sinabi ng bayan kay Saul, Gawin mo ang inaakala mong mabuti sa iyo.
40Siis ütles Saul kogu Iisraelile: 'Olge teie ühel pool, mina ja mu poeg Joonatan oleme teisel pool!' Ja rahvas vastas Saulile: 'Tee, mis su silmis hea on!'
41Kaya sinabi ni Saul sa Panginoon, sa Dios ng Israel, Ituro mo ang matuwid. At si Jonathan at si Saul ay napili: nguni't ang bayan ay nakatanan.
41Ja Saul ütles Issandale, Iisraeli Jumalale: 'Anna tummim!' Siis langes liisk Joonatanile ja Saulile ning rahvas sai vabaks.
42At sinabi ni Saul, Pagsapalaran ninyo ako at si Jonathan na aking anak: at si Jonatan ay napili.
42Siis ütles Saul: 'Heitke liisku minu ja mu poja Joonatani vahel!' Ja liisk langes Joonatanile.
43Nang magkagayo'y sinabi ni Saul kay Jonathan, Saysayin mo sa akin kung ano ang iyong ginawa. At isinaysay ni Jonathan sa kaniya, at sinabi, Tunay na ako'y lumasa ng kaunting pulot sa dulo ng tungkod na nasa aking kamay: at, narito, ako'y marapat mamatay.
43Ja Saul ütles Joonatanile: 'Räägi mulle, mida sa oled teinud?' Ja Joonatan jutustas talle ning ütles: 'Ma maitsesin tõesti minu käes olnud kepi otsaga pisut mett. Siin ma olen, valmis surema!'
44At sinabi ni Saul, Gawing gayon ng Dios at lalo na: sapagka't ikaw ay walang pagsalang mamamatay, Jonathan.
44Siis ütles Saul: 'Jumal tehku minuga ükskõik mida, aga sina pead surema, Joonatan!'
45At sinabi ng bayan kay Saul, Mamamatay ba si Jonathan, na gumawa nitong dakilang kaligtasan sa Israel? Malayo nawa: buhay ang Panginoon, hindi malalaglag ang isang buhok ng kaniyang ulo sa lupa; sapagka't siya'y gumawa na kasama ng Dios sa araw na ito. Sa gayo'y iniligtas ng bayan si Jonathan, na anopa't siya'y hindi namatay.
45Aga rahvas ütles Saulile: 'Kas Joonatan peab surema, tema, kes on saavutanud selle suure võidu Iisraelis? Jäägu see kaugele! Nii tõesti kui Issand elab, ei tohi juuksekarvgi tema peast maha langeda, sest sel päeval tegi ta seda koos Jumalaga!' Nõnda päästis rahvas Joonatani surmast.
46Nang magkagayo'y umahon si Saul na mula sa pagsunod sa mga Filisteo: at ang mga Filisteo ay naparoon sa kanilang sariling dako.
46Siis Saul läks ära ega ajanud vilisteid taga, ja vilistid läksid oma paika.
47Nang masakop nga ni Saul ang kaharian sa Israel, ay bumaka siya laban sa lahat niyang mga kaaway sa bawa't dako, laban sa Moab, at laban sa mga anak ni Ammon, at laban sa Edom, at laban sa mga hari sa Soba, at laban sa mga Filisteo: at saan man siya pumihit ay kaniyang binabagabag sila.
47Kui Saul oli saanud kuningavõimu Iisraeli üle, siis sõdis ta kõigi ümberkaudsete vaenlaste vastu: moabide, ammonlaste, edomlaste, Sooba kuningate ja vilistite vastu, ja kuhu ta iganes pöördus, seal ta karistas.
48At kaniyang ginawang may katapangan, at sinaktan ang mga Amalecita, at iniligtas ang Israel sa mga kamay ng mga sumamsam sa kanila.
48Ta osutas vahvust, lõi amalekke ja päästis Iisraeli ta rüüstajate käest.
49Ang mga anak nga ni Saul ay si Jonathan, at si Isui, at si Melchi-sua: at ang pangalan ng kaniyang dalawang anak na babae ay ito; ang pangalan ng panganay ay Merab, at ang pangalan ng bata ay Michal:
49Sauli pojad olid Joonatan, Jisvi ja Malkisuua; ja tema kahe tütre nimed olid: esmasündinu nimi oli Meerab ja noorema nimi Miikal.
50At ang pangalan ng asawa ni Saul ay Ahinoam, na anak ni Aimaas: at ang pangalan ng kaniyang kapitan sa hukbo ay Abner na anak ni Ner, amain ni Saul.
50Ja Sauli naise nimi oli Ahinoam, Ahimaasi tütar. Ja tema sõjaväepealiku nimi oli Abner, Sauli lelle Neeri poeg.
51At si Cis ay ama ni Saul; at si Ner na ama ni Abner ay anak ni Abiel.
51Kiis, Sauli isa, ja Neer, Abneri isa, olid Abieli pojad.
52At nagkaroon ng mahigpit na pagbabaka laban sa mga Filisteo sa lahat ng mga araw ni Saul: at sa tuwing nakakakita si Saul ng sinomang makapangyarihang lalake, o ng sinomang matapang na lalake ay kaniyang ipinagsasama.
52Aga kogu Sauli eluaja oli äge sõda vilistite vastu; ja kui Saul iganes nägi mõnda tublit ja vaprat meest, võttis ta selle enese juurde.