1At nang mabalitaan ng reina sa Seba ang kabantugan ni Salomon, siya'y naparoon upang subukin si Salomon, sa mga mahirap na tanong sa Jerusalem, na may maraming kaakbay, at mga kamelyo na may pasang mga espesia, at ginto na sagana, at mga mahalagang bato: at nang siya'y dumating kay Salomon, kaniyang inihinga sa kaniya ang lahat na laman ng kaniyang dibdib.
1Kui Seeba kuninganna kuulis Saalomoni kuulsusest, siis tuli ta Jeruusalemma Saalomoni mõistuküsimustega kimbutama; ta tuli väga suure saatjaskonnaga ja kaamelitega, kes kandsid palsameid, väga palju kulda ja kalliskive. Ja kui ta jõudis Saalomoni juurde, siis kõneles ta temaga kõigest, mis tal südame peal oli.
2At isinaysay ni Salomon sa kaniya ang lahat niyang tanong: at walang bagay na nalingid kay Salomon na hindi niya isinaysay sa kaniya.
2Aga Saalomon vastas kõigile tema küsimustele; ükski tema küsimus ei olnud Saalomonile liiga raske; ta suutis vastata kõigile.
3At nang makita ng reina sa Seba ang karunungan ni Salomon, at ang bahay na kaniyang itinayo.
3Kui Seeba kuninganna nägi Saalomoni tarkust, ja koda, mille ta oli ehitanud,
4At ang pagkain sa kaniyang dulang, at ang pagkaayos ng kaniyang mga alila, at ang tayo ng kaniyang mga tagapaglingkod, at ang kanilang mga pananamit, gayon din ang kaniyang mga tagahawak ng saro, at ang kanilang mga pananamit; at ang kaniyang sampahan na kaniyang sinasampahan sa bahay ng Panginoon: nawalan siya ng loob.
4rooga ta laual ja kuidas ta sulased istusid, tema teenrite teenimist ja nende riietust, tema joogikallajaid ja nende riietust ja tema ülesminemist, kuidas ta läks üles Issanda kotta, siis jäi ta otse hingetuks.
5At sinabi niya sa hari, Tunay na balita ang aking narinig sa aking sariling lupain tungkol sa iyong mga gawa, at sa iyong karunungan.
5Ja ta ütles kuningale: 'See kuuldus oli tõsi, mis ma oma maal kuulsin sinust ja su tarkusest.
6Gayon ma'y hindi ko pinaniwalaan ang kanilang mga salita hanggang sa ako'y dumating, at nakita ng aking mga mata: at, narito, ang kalahati ng kalakhan ng iyong karunungan ay hindi nasaysay sa akin: ikaw ay humigit sa kabantugan na aking narinig.
6Aga ma ei uskunud neid jutte mitte enne, kui ma tulin ja nägin oma silmaga; ja vaata, mulle ei olnud räägitud pooltki sinu suurest tarkusest. Sa ületasid kuulduse, mida ma olin kuulnud.
7Mapapalad ang iyong mga tao, at mapapalad itong iyong mga lingkod, na nagsisitayong palagi sa harap mo, at nangakakarinig ng iyong karunungan.
7Õnnelikud on su mehed ja õnnelikud on need su sulased, kes seisavad alati su ees ja kuulevad su tarkust!
8Purihin ang Panginoon mong Dios, na nalulugod sa iyo, na inilagay ka sa kaniyang luklukan, upang maging hari na ukol sa Panginoon mong Dios: sapagka't minamahal ng iyong Dios ang Israel, upang itatag magpakailan man, kaya't ginawa ka niyang hari sa kanila, upang magsagawa ng kahatulan at ng katuwiran.
8Kiidetud olgu Issand, su Jumal, kellele sa nõnda meeldisid, et ta pani su oma aujärjele kuningaks Issanda, su Jumala ees! Sellepärast, et su Jumal armastab Iisraeli ja tahab temale anda igavest püsi, on ta sind pannud neile kuningaks, et sa teeksid, mis on kohus ja õige.'
9At siya'y nagbigay sa hari ng isang daan at dalawangpung talentong ginto, at mga espesia na totoong sagana, at mga mahalagang bato: ni nagkaroon pa man ng gayong espesia na gaya ng ibinigay ng reina sa Seba sa haring Salomon.
9Ja ta andis kuningale sada kakskümmend talenti kulda ja väga palju palsameid ja kalliskive; iialgi enam ei ole olnud seesuguseid palsameid kui need, mis Seeba kuninganna andis kuningas Saalomonile.
10At ang mga bataan naman ni Hiram, at ang mga bataan ni Salomon, na nagsipagdala ng ginto mula sa Ophir, nagsipagdala ng mga kahoy na algum at mga mahalagang bato.
10Aga ka Huurami sulased ja Saalomoni sulased, kes tõid kulda Oofirist, tõid algumipuid ja kalliskive.
11At ginawang mga hagdanan ng hari ang mga kahoy na algum sa bahay ng Panginoon, at sa bahay ng hari, at mga alpa, at mga salterio na ukol sa mga mangaawit: at wala nang nakita pang gaya niyaon sa lupain ng Juda.
11Ja kuningas tegi algumipuust trepid Issanda kojale ja kuningakojale, samuti kandleid ja naableid lauljaile; seesuguseid ei olnud Juudamaal enne nähtud.
12At ang haring Salomon ay nagbigay sa reina sa Seba ng lahat niyang nasa, anomang hiningi niya, bukod sa timbang ng kaniyang dinala sa hari. Sa gayo'y siya'y bumalik, at umuwi sa kaniyang sariling lupain, siya at ang kaniyang mga lingkod.
12Ja kuningas Saalomon andis Seeba kuningannale kõike, mida ta soovis ja palus, aga mitte seda, mis ta kuningale oli toonud; siis kuninganna pöördus ümber ja läks tagasi oma maale, tema ja ta sulased.
13Ang timbang nga ng ginto na dumating kay Salomon sa isang taon ay anim na raan at anim na pu't anim na talentong ginto,
13Ja kulla kaal, mis tuli Saalomoni kätte ühe aasta jooksul, oli kuussada kuuskümmend kuus talenti kulda,
14Bukod doon sa dinala ng mga manglalako at mga mangangalakal; at ang lahat na hari sa Arabia at ang mga tagapamahala sa lupain ay nagsipagdala ng ginto at pilak kay Salomon.
14lisaks see, mida tõid suurkaupmehed ja kaubitsejad; ka kõik Araabia kuningad ja maa asevalitsejad tõid Saalomonile kulda ja hõbedat.
15At ang haring Salomon ay gumawa ng dalawang daang kalasag na pinukpok na ginto: anim na raang siklo na pinukpok na ginto ang ginamit sa bawa't kalasag.
15Ja kuningas Saalomon valmistas kakssada kilpi taotud kullast, tarvitades kuussada seeklit taotud kulda üheks kilbiks;
16At siya'y gumawa ng tatlong daang kalasag na pinukpok na ginto; tatlong daang siklo na ginto ang ginamit sa bawa't kalasag: at inilagay ng hari sa bahay na kahoy sa gubat ng Libano.
16ja kolmsada väiksemat kilpi taotud kullast, tarvitades kolmsada seeklit kulda üheks kilbiks; ja kuningas pani need Liibanonimetsakotta.
17Bukod dito'y gumawa ang hari ng isang malaking luklukang garing, at binalot ng taganas na ginto.
17Ja kuningas valmistas suure elevandiluust aujärje ning kattis selle puhta kullaga.
18At may anim na baytang sa luklukan, at isang gintong tungtungan, na mga nakakapit sa luklukan, at may mga pinakakamay sa bawa't tagiliran sa siping ng dako ng upuan, at dalawang leon ang nakatayo sa siping ng mga pinakakamay.
18Aujärjel oli kuus astet ja kullast jalajäri, mis oli kinnitatud aujärje külge; kummalgi pool istepaika olid käetoed ja kaks lõvi seisis käetugede kõrval.
19At labing dalawang leon ang nakatayo roon sa isang dako at sa kabilang dako sa ibabaw ng anim na baytang: walang nagawang gayon sa alinmang kaharian.
19Ja seal seisis kaksteist lõvi kuuel astmel kummalgi pool; seesugust pole valmistatud mitte üheski muus kuningriigis.
20At ang lahat na sisidlang inuman ni Salomon ay ginto, at ang lahat ng sisidlan sa bahay na kahoy sa gubat ng Libano ay taganas na ginto; ang pilak ay hindi mahalaga sa mga kaarawan ni Salomon.
20Ja kuningas Saalomoni kõik joogiriistad olid kullast, samuti olid Liibanonimetsakoja riistad puhtast kullast; hõbedat ei peetud Saalomoni ajal mikski,
21Sapagka't ang hari ay may mga sasakyan na nagsisiparoon sa Tharsis na kasama ng mga bataan ni Hiram: minsan sa bawa't tatlong taon ay dumarating ang mga sasakyang dagat ng Tharsis, na nagsisipagdala ng ginto, at pilak, garing, at mga ungoy, at mga pabo real.
21sest kuningal oli laevu, mis käisid Tarsises Huurami sulastega; igal kolmandal aastal tulid Tarsise laevad, tuues kulda ja hõbedat, elevandiluud, pärdikuid ja paabulinde.
22Sa gayo'y ang haring Salomon ay humihigit sa lahat ng hari sa lupa, sa kayamanan at sa karunungan.
22Ja kuningas Saalomon sai rikkuse ja tarkuse poolest suurimaks kõigist kuningaist maa peal.
23At hinanap ng lahat na hari sa lupa ang harapan ni Salomon, upang magsipakinig ng kaniyang karunungan, na inilagay ng Dios sa kaniyang puso.
23Ja kõik maailma kuningad püüdsid näha saada Saalomoni palet, et kuulda tema tarkust, mille Jumal oli pannud tema südamesse.
24At sila'y nagsipagdala bawa't isa ng kanikaniyang kaloob, na mga sisidlang pilak, at mga sisidlang ginto, at damit, sandata, at mga espesia, mga kabayo, at mga mula, isang takdang kayamanan sa taon-taon.
24Ja nad tõid igaüks oma anni: hõbe- ja kuldriistu, riideid, relvi, palsameid, hobuseid ja muulasid; nõnda aastast aastasse.
25At si Salomon ay may apat na libong silungan ng kabayo at mga karo, at labing dalawang libong mangangabayo, na kaniyang mga inilagay sa mga bayan ng mga karo, at kasama ng hari sa Jerusalem.
25Ja Saalomonil oli neli tuhat latrit hobuste ja vankrite tarvis, ja kaksteist tuhat ratsanikku; ta paigutas need vankrilinnadesse ja kuninga juurde Jeruusalemma.
26At siya'y nagpuno sa lahat ng mga hari mula sa Ilog hanggang sa lupain ng mga Filisteo, at sa hangganan ng Egipto.
26Ja ta valitses kõigi kuningate üle Frati jõest kuni vilistite maa ja Egiptuse piirini.
27At ginawa ng hari na maging parang mga bato ang pilak sa Jerusalem, at ang mga sedro ay ginawa niyang maging parang mga puno ng sikomoro na nasa mababang lupa, dahil sa kasaganaan.
27Ja kuningas hoolitses, et Jeruusalemmas oli hõbedat nagu kive, ja seedripuid nõnda palju nagu metsviigipuid Madalmaal.
28At sila'y nagsipagdala ng mga kabayo kay Salomon mula sa Egipto, at mula sa lahat ng mga lupain.
28Ja hobuseid toodi Saalomonile Egiptusest ja kõigist muudest maadest.
29Ang iba nga sa mga gawa ni Salomon, na una at huli, di ba nangasusulat sa kasaysayan ni Nathan na propeta, at sa panghuhula ni Ahias na Silonita, at sa mga pangitain ni Iddo na tagakita tungkol kay Jeroboam na anak ni Nabat?
29Ja muud Saalomoni lood, varasemad ja hilisemad, eks need ole kirja pandud prohvet Naatani 'Kõnedes', siilolase Ahija 'Kuulutuses' ja nägija Jeddo 'Nägemustes Jerobeami, Nebati poja kohta'?
30At si Salomon ay naghari sa Jerusalem sa buong Israel na apat na pung taon.
30Ja Saalomon valitses Jeruusalemmas kogu Iisraeli üle nelikümmend aastat.
31At natulog si Salomon na kasama ng kaniyang mga magulang, at siya'y nalibing sa bayan ni David na kaniyang ama: at si Roboam na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
31Siis Saalomon läks magama oma vanemate juurde ja ta maeti oma isa Taaveti linna. Ja tema poeg Rehabeam sai tema asemel kuningaks.