Tagalog 1905

Estonian

2 Kings

4

1Sumigaw nga kay Eliseo ang isang babae na isa sa mga asawa ng mga anak ng mga propeta, na nagsasabi, Ang iyong lingkod na aking asawa ay patay na: at iyong talastas na ang iyong lingkod ay natakot sa Panginoon: at ang pinagkautangan ay naparito upang kuning alipinin niya ang aking dalawang anak.
1Kord hüüdis Eliisale keegi naine, üks prohvetijüngrite naisi, öeldes: 'Su sulane, minu mees, on surnud. Ja sa tead, et su sulane kartis Issandat. Nüüd tuleb võlausaldaja mu kahte poega enesele orjaks võtma.'
2At sinabi ni Eliseo sa kaniya, Anong gagawin ko sa iyo? saysayin mo sa akin; anong mayroon ka sa bahay? At sinabi niya, Ang iyong lingkod ay walang anomang bagay sa bahay liban sa isang palyok na langis.
2Ja Eliisa ütles temale: 'Mis ma pean sulle tegema? Ütle mulle, mis sul kojas on.' Ja ta vastas: 'Su teenijal ei ole kojas midagi muud kui kruus õli.'
3Nang magkagayo'y sinabi niya, Ikaw ay yumaon, manghiram ka ng mga sisidlan sa labas sa lahat ng iyong mga kapitbahay, sa makatuwid baga'y ng mga walang lamang sisidlan; huwag kang manghiram ng kaunti.
3Siis ta ütles: 'Mine palu enesele külast astjaid, kõigilt oma naabreilt, tühje astjaid ja mitte liiga vähe!
4At ikaw ay papasok, at ikaw at ang iyong mga anak ay magsasara ng pintuan, at iyong ibubuhos ang langis sa lahat ng sisidlang yaon; at iyong itatabi ang mapuno.
4Siis mine ja sule uks enese ja oma poegade järelt ja vala kõigisse neisse astjaisse; ja mis saab täis, pane kõrvale!'
5Sa gayo'y nilisan niya siya, at siya at ang kaniyang mga anak ay nagsara ng pintuan; kanilang dinala ang mga sisidlan sa kaniya, at kaniyang pinagbuhusan.
5Ja naine läks ta juurest ära ja sulges ukse enese ja oma poegade järelt; nemad tõid temale astjaid ja tema valas õli sisse.
6At nangyari, nang mapuno ang mga sisidlan, na kaniyang sinabi sa kaniyang anak, Dalhan mo pa ako ng isang sisidlan. At sinabi niya sa kaniya: Wala pang sisidlan. At ang langis ay tumigil.
6Ja kui astjad said täis, siis ta ütles oma pojale: 'Too mulle veel üks astja!' Aga poeg vastas temale: 'Astjat ei ole enam.' Ja õlivool lakkas.
7Nang magkagayo'y naparoon siya, at kaniyang isinaysay sa lalake ng Dios. At kaniyang sinabi, ikaw ay yumaon, ipagbili mo ang langis, at bayaran mo ang iyong utang, at mabuhay ka at ang iyong mga anak sa nalabi.
7Siis ta tuli ja kuulutas seda jumalamehele; ja see ütles: 'Mine müü õli ära ja tasu oma võlg! Sina ja su pojad aga elage ülejäägist!'
8At nangyari, isang araw na si Eliseo ay nagdaan sa Sunem, na kinaroroonan ng isang dakilang babae; at pinilit siya niya na kumain ng tinapay. At nagkagayon, na sa tuwing siya'y daraan doon ay lumiliko roon upang kumain ng tinapay.
8Ja ühel päeval juhtus, et Eliisa läks Suunemisse; seal oli keegi rikas naine ja see peatas teda leiba võtma; nõnda iga kord, kui ta sealt läbi läks, põikas ta sinna leiba võtma.
9At sinabi niya sa kaniyang asawa, Narito ngayon, aking nahahalata na ito'y isang banal na lalake ng Dios na nagdadaan sa ating palagi.
9Ja naine ütles oma mehele: 'Vaata, ma tean, et see, kes alati meilt mööda läheb, on püha jumalamees.
10Isinasamo ko sa iyo na tayo'y gumawa ng isang maliit na silid sa pader; at ating ipaglagay siya roon ng isang higaan, at ng isang dulang, at ng isang upuan, at ng isang kandelero: at mangyayari, pagka siya'y dumarating sa atin, na siya'y papasok doon.
10Tehkem ometi pisike müürikamber ja pangem temale sinna ase, laud, iste ja lambijalg; ja kui ta tuleb meie juurde, siis ta võib minna sinna.'
11At nangyari, isang araw, na siya'y dumating doon, at siya'y lumiko na pumasok sa silid, at nahiga roon.
11Ja ühel päeval juhtus, et ta tuli sinna, läks müürikambrisse ja magas seal.
12At sinabi niya kay Giezi na kaniyang lingkod, Tawagin mo ang Sunamitang ito. At nang matawag niya, siya'y tumayo sa harap niya.
12Ja ta ütles oma teenrile Geehasile: 'Kutsu see suunemlanna!' Ja see kutsus tema ning naine astus ta ette.
13At sinabi niya sa kaniya, Sabihin mo ngayon sa kaniya, Narito, ikaw ay naging maingat sa amin ng buong pagiingat na ito; ano nga ang magagawa sa iyo? ibig mo bang ipakiusap kita sa hari, o sa punong kawal ng hukbo? At siya'y sumagot, Ako'y tumatahan sa gitna ng aking sariling bayan.
13Siis ta ütles teenrile: 'Ütle ometi temale: Vaata, sa oled meie pärast kõike seda vaeva näinud. Mida saaks teha sinu heaks? Kas on tarvis su eest midagi rääkida kuninga või väepealikuga?' Aga naine vastas: 'Ma elan ju oma rahva keskel.'
14At kaniyang sinabi, Ano nga ang magagawa sa kaniya? At sumagot si Giezi. Katotohanang siya'y walang anak, at ang kaniyang asawa ay matanda na.
14Eliisa küsis: 'Mida siis saaks teha tema heaks?' Ja Geehasi vastas: 'Vaata, tal pole poega ja ta mees on vana.'
15At kaniyang sinabi, Tawagin siya. At nang kaniyang tawagin siya, siya'y tumayo sa pintuan.
15Siis ta ütles: 'Kutsu tema!' Ja Geehasi kutsus ta, ja naine astus uksele.
16At kaniyang sinabi, Sa panahong ito, pagpihit ng panahon, ikaw ang kakalong ng isang anak na lalake. At kaniyang sinabi, Hindi panginoon ko, ikaw na lalake ng Dios huwag kang magsinungaling sa iyong lingkod.
16Ja Eliisa ütles: 'Aasta pärast selsamal ajal sa kaisutad poega.' Aga ta vastas: 'Ei, mu isand! Sina, jumalamees, ära peta oma teenijat!'
17At ang babae ay naglihi, at nanganak ng isang lalake nang panahong yaon, nang ang panahon ay makapihit gaya ng sinabi ni Eliseo sa kaniya.
17Ent naine jäi lapseootele ja tõi aasta pärast selsamal ajal poja ilmale, nagu Eliisa temale oli öelnud.
18At nang lumaki ang bata ay nangyari, isang araw, nang siya'y umalis na patungo sa kaniyang ama, sa mga manggagapas.
18Ja kui laps oli suuremaks kasvanud, siis juhtus ühel päeval, et ta läks välja oma isa juurde, kes oli viljalõikajate juures,
19At kaniyang sinabi sa kaniyang ama, Ulo ko, ulo ko. At sinabi niya sa kaniyang bataan, Dalhin mo siya sa kaniyang ina.
19ja ütles oma isale: 'Mu pea! Mu pea!' Ja isa ütles oma teenrile: 'Kanna ta tema ema juurde!'
20At nang kaniyang makuha siya at dalhin siya sa kaniyang ina, siya'y umupo sa kaniyang tuhod hanggang sa katanghaliang tapat, at nang magkagayo'y namatay.
20Ja see kandis teda ning viis ta tema ema juurde; ja poeg istus ema põlvil kuni keskpäevani, siis ta suri.
21At siya'y pumanhik at inihiga siya sa higaan ng lalake ng Dios, at pinagsarhan niya ng pintuan siya, at lumabas.
21Ja ema läks üles ja pani ta jumalamehe voodisse, sulges ukse tema järelt ja läks välja.
22At kaniyang dinaingan ang kaniyang asawa, at nagsabi, Isinasamo ko sa iyo na iyong suguin sa akin ang isa sa iyong mga bataan, at ang isa sa mga asno, upang aking takbuhin ang lalake ng Dios, at bumalik uli.
22Siis kutsus ta oma mehe ja ütles: 'Läkita mulle nüüd keegi poistest ja üks emaeesel, siis ma ruttan jumalamehe juurde ja tulen kohe tagasi!'
23At kaniyang sinabi, Bakit paroroon ka sa kaniya ngayon? hindi bagong buwan o sabbath man. At kaniyang sinabi, Magiging mabuti.
23Aga mees ütles: 'Miks sa täna lähed tema juurde? Ei ole ju noorkuu ega hingamispäev.' Kuid ta vastas: 'Ole mureta!'
24Nang magkagayo'y siniyahan niya ang isang asno, at nagsabi sa kaniyang bataan, Ikaw ay magpatakbo, at magpatuloy; huwag mong pahinain ang pagpapatakbo sa akin, malibang sabihin ko sa iyo.
24Ja ta saduldas emaeesli ning ütles oma teenrile: 'Aja ühtesoodu ja ära peata mu sõitu muidu, kui ma sulle ütlen!'
25Sa gayo'y yumaon siya at naparoon sa lalake ng Dios sa bundok ng Carmelo. At nangyari, nang makita siya ng lalake ng Dios sa malayo, na kaniyang sinabi kay Giezi na kaniyang lingkod, Narito, nandoon ang Sunamita:
25Ja ta läks ning tuli jumalamehe juurde Karmeli mäele; ja kui jumalamees teda eemalt nägi, siis ta ütles Geehasile, oma teenrile: 'Näe, see on suunemlanna!
26Tumakbo ka, isinasamo ko sa iyo ngayon, na salubungin siya, at iyong sabihin sa kaniya, Mabuti ka ba? mabuti ba ang iyong asawa? mabuti ba ang bata? At siya'y sumagot, Mabuti.
26Jookse nüüd temale vastu ja küsi temalt: Kas sinu ja su mehe ja su poja käsi käib hästi?' Ja naine vastas: 'Hästi.'
27At nang siya'y dumating sa lalake ng Dios sa burol, siya'y humawak sa kaniyang mga paa. At lumapit si Giezi upang ihiwalay siya; nguni't sinabi ng lalake ng Dios: Bayaan siya; sapagka't siya'y namamanglaw; at inilihim ng Panginoon sa akin, at hindi isinaysay sa akin.
27Ja kui ta tuli jumalamehe juurde mäele, siis ta võttis tema jalgade ümbert kinni; aga Geehasi astus ligi, et teda eemale tõugata, kuid jumalamees ütles: 'Jäta ta rahule, sest ta hing on meeleheitel! Issand on seda varjanud minu eest ega ole mulle avaldanud.'
28Nang magkagayo'y sinabi niya, Ako ba'y humiling ng isang anak sa aking panginoon? di ba sinabi ko, Huwag mo akong dayain?
28Ja naine ütles: 'Kas ma palusin oma isandalt poega? Kas ma ei öelnud, et ära mind peta?'
29Nang magkagayo'y sinabi niya kay Giezi, Bigkisan mo ang iyong mga balakang, at tangnan mo ang aking tungkod sa iyong kamay, at yumaon ka ng iyong lakad: kung ikaw ay makasasalubong ng sinomang tao, huwag mo siyang batiin; at kung ang sinoman ay bumati sa iyo, huwag mo siyang sagutin: at ipatong mo ang aking tungkod sa mukha ng bata.
29Siis Eliisa ütles Geehasile: 'Pane vöö vööle, võta minu sau kätte ja mine! Kui sa kohtad kedagi, siis ära tereta teda, ja kui keegi teretab sind, siis ära vasta temale! Ja pane mu sau poisikese silmade peale!'
30At sinabi ng ina ng bata, Buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, hindi kita iiwan. At siya'y tumindig, at sumunod sa kaniya.
30Aga poisikese ema ütles: 'Nii tõesti kui Issand elab, ja nii tõesti kui su hing elab, ma ei jäta sind!' Siis Eliisa tõusis ja läks tema järele.
31At si Giezi ay nagpauna sa kanila, at ipinatong ang tungkod sa mukha ng bata; nguni't wala kahit tinig, o pakinig man. Kaya't siya'y bumalik na sinalubong siya, at nagsaysay sa kaniya, na nagsabi, Ang bata'y hindi magising.
31Aga Geehasi oli läinud nende ees ja oli pannud saua poisikese silmade peale: kuid ei häält ega märkamist! Ja ta tuli tagasi Eliisale vastu ja jutustas talle, öeldes: 'Poisike ei ärganud.'
32At nang si Eliseo ay dumating sa bahay, narito, ang bata'y patay, at nakahiga sa kaniyang higaan.
32Ja Eliisa tuli sinna kotta, ja vaata, poisike oli surnud ja pandud tema voodisse.
33Siya'y pumasok nga at sinarhan ang pintuan sa kanilang dalawa, at dumalangin sa Panginoon.
33Ta läks sisse ning sulges ukse nende mõlema järelt ja palus Issandat.
34At siya'y sumampa, at dumapa sa ibabaw ng bata, at idinikit ang kaniyang bibig sa bibig niya, at ang kaniyang mga mata sa mga mata niya, at ang kaniyang mga kamay sa mga kamay niya: at siya'y dumapa sa kaniya; at ang laman ng bata ay uminit.
34Siis ta astus voodisse, heitis lapse peale, pani oma suu tema suu peale, oma silmad tema silmade peale ja oma käed tema käte peale; ja kui ta tema peal lamas, siis soojenes lapse ihu.
35Nang magkagayo'y bumalik siya, at lumakad sa bahay na paroo't parito na minsan; at sumampa, at dumapa sa ibabaw niya: at ang bata'y nagbahing makapito, at idinilat ng bata ang kaniyang mga mata.
35Siis ta tuli ja kõndis kojas korra sinna ja tänna, läks üles ja heitis poisi peale; siis aevastas poisike seitse korda ja avas silmad.
36At tinawag niya si Giezi, at sinabi, Tawagin mo ang Sunamitang ito. Sa gayo'y tinawag niya siya. At nang siya'y pumaroon sa kaniya, sinabi niya, Kalungin mo ang iyong anak.
36Ja ta kutsus Geehasi ning ütles: 'Kutsu see suunemlanna!' Ja Geehasi kutsus naise ning naine tuli tema juurde. Ja Eliisa ütles: 'Võta oma poeg!'
37Nang magkagayo'y pumasok siya at nagpatirapa sa kaniyang mga paa, at yumukod sa lupa; at kinalong niya ang kaniyang anak, at umalis.
37Ja naine tuli ja langes tema jalgade ette ning kummardas maani, võttis oma poja ja läks välja.
38At si Eliseo ay bumalik sa Gilgal: at may kagutom sa lupain; at ang mga anak ng mga propeta ay nangakaupo sa harap niya: at sinabi niya sa kaniyang lingkod: Isalang mo ang malaking palayok, at ipagluto mo ng lutuin ang mga anak ng mga propeta.
38Ja Eliisa läks tagasi Gilgali. Ja maal oli nälg. Ja kui prohvetijüngrid tema ees istusid, ütles ta oma teenrile: 'Pane suur pott tulele ja keeda prohvetijüngritele leent!'
39At ang isa ay lumabas sa bukid upang manguha ng mga gugulayin, at nakasumpong ng isang baging gubat, at namitas doon ng mga kalabasang gubat na ang kaniyang kandungan ay napuno, at bumalik at pinagputolputol sa palayok ng lutuin: sapagka't hindi nila nalalaman.
39Ja üks neist läks väljale noppima kassinaereid, leidis aga metsiku väänkasvu, noppis sellelt oma kuue täis marju ja tuli ning lõikas need leemepotti, sest nad ei tundnud neid.
40Sa gayo'y kanilang ibinuhos para sa mga tao upang kanin. At nangyari, samantalang sila'y nagsisikain ng lutuin, na sila'y nagsisigaw, at nagsipagsabi, Oh lalake ng Dios, may kamatayan sa palayok. At hindi nakain yaon.
40Ja meestele kallati süüa; aga kui nad leent sõid, siis kisendasid nad ja ütlesid: 'Jumalamees, surm on potis!' Ja nad ei võinud süüa.
41Nguni't kaniyang sinabi, Magdala nga rito ng harina. At kaniyang isinilid sa palayok; at kaniyang sinabi, Ibuhos ninyo para sa bayan, upang sila'y makakain. At wala nang makasasama sa palayok.
41Tema aga ütles: 'Tooge jahu!' Ja ta viskas selle potti ning ütles: 'Kallake rahvale ja nad söögu!' Siis ei olnud potis midagi halba.
42At dumating ang isang lalake na mula sa Baal-salisa, at nagdala sa lalake ng Dios ng tinapay ng mga unang bunga, na dalawang pung tinapay na sebada, at mga murang uhay ng trigo na nangasa kaniyang bayong. At kaniyang sinabi, Ibigay mo sa bayan, upang kanilang makain.
42Ja keegi mees tuli Baal-Saalisast ning tõi jumalamehele uudseleiba - kakskümmend odraleiba, ja tema leivakotis oli vastvalminud vilja. Eliisa ütles: 'Anna rahvale, et nad süüa saaksid!'
43At sinabi ng kaniyang lingkod: Ano, ilalapag ko ba ito sa harap ng isang daang tao? Nguni't kaniyang sinabi, Ibigay sa bayan upang kanilang makain; sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Sila'y kakain, at magtitira niyaon.
43Aga tema teener küsis: 'Kuidas ma seda sajale mehele ette annan?' Ja ta vastas: 'Anna rahvale ja nad söögu, sest nõnda ütleb Issand: Sellest saab süüa ja jääb ülegi!'
44Sa gayo'y inilapag niya sa harap nila, at sila'y nagsikain, at nagsipagtira niyaon, ayon sa salita ng Panginoon.
44Ja teener pani selle neile ette ja nad sõid ning jätsid ülegi, Issanda sõna peale.