1At nang mabalitaan ni Is-boseth, na anak ni Saul, na si Abner ay patay na sa Hebron, ang kaniyang mga kamay ay nanghina, at ang lahat na taga Israel ay nabagabag.
1Kui Sauli poeg kuulis, et Abner oli Hebronis surnud, siis läksid ta käed lõdvaks ja kogu Iisrael tundis hirmu.
2At si Is-boseth, na anak ni Saul, ay may dalawang lalake na mga punong kawal sa mga pulutong: ang pangalan ng isa ay Baana, at ang pangalan ng isa ay Rechab, na mga anak ni Rimmon na Beerothita sa mga anak ni Benjamin: (sapagka't ang Beeroth din naman ay ibinilang sa Benjamin:
2Ja Sauli pojal oli kaks meest röövjõukude pealikuiks: ühe nimi oli Baana ja teise nimi Reekab, beerotlase Rimmoni pojad benjaminlaste seast; sest ka Beerot loetakse Benjaminile kuuluvaks.
3At ang mga Beerothita ay nagsitakas sa Githaim, at nangakipamayan doon hanggang sa araw na ito.)
3Beerotlased olid aga põgenenud Gittaimisse ja nad elavad seal võõrastena tänapäevani.
4Si Jonathan nga na anak ni Saul, ay may isang anak na pilay sa kaniyang mga paa. Siya'y may limang taon nang dumating ang balita tungkol kay Saul at kay Jonathan na mula sa Jezreel, at kinalong siya ng kaniyang yaya at tumakas: at nangyari, habang siya'y nagmamadali ng pagtakas, na siya'y nabagsak, at naging pilay. At ang kaniyang pangalan ay Mephiboseth.
4Joonatanil, Sauli pojal, oli jalust vigane poeg, kes oli viieaastane, kui Jisreelist tuli sõnum Sauli ja Joonatani kohta; siis võttis ta hoidja tema sülle ja põgenes, aga rutulisel põgenemisel juhtus, et laps kukkus maha ja jäi lonkama; ta nimi oli Mefiboset.
5At ang mga anak ni Rimmon na Beerothita, na si Rechab at si Baana, ay nagsiyaon at nagsiparoon ng may kainitan ang araw sa bahay ni Is-boseth, na doon siya nagpahinga sa katanghalian tapat.
5Ja beerotlase Rimmoni pojad Reekab ja Baana läksid teele ja tulid Iisboseti kotta, kui päev oli palavaim ja ta magas oma lõunauinakut.
6At sila'y nagsipasok doon sa gitna ng bahay, na parang sila'y kukuha ng trigo; at kanilang sinaktan siya sa tiyan; at si Rechab at si Baana na kaniyang kapatid ay nangagtanan.
6Ja nad tulid sinna kotta sisse nagu nisu võtma, ja nad pistsid temale kõhtu; Reekab ja ta vend Baana ise pääsesid pakku.
7Sapagka't nang sila nga'y magsipasok sa bahay habang siya'y nahihiga sa kaniyang higaan sa kaniyang silid, kanilang sinaktan siya, at pinatay siya, at pinugutan siya ng ulo, at dinala ang kaniyang ulo at nagpatuloy ng lakad sa Araba buong gabi.
7Olles tulnud kotta, kui Iisboset magas voodis oma magamiskambris, lõid nad tema surnuks ja raiusid tal pea maha; siis nad võtsid ta pea ja käisid kogu öö lagendiku teed.
8At kanilang dinala ang ulo ni Is-boseth kay David sa Hebron, at sinabi nila sa hari, Tingnan mo ang ulo ni Is-boseth na anak ni Saul na iyong kaaway na umuusig ng iyong buhay; at ipinanghiganti ng Panginoon ang aking panginoon na hari sa araw na ito kay Saul, at sa kaniyang binhi.
8Ja nad tõid Iisboseti pea Taaveti juurde Hebronisse ning ütlesid kuningale: 'Vaata, siin on su vaenlase, Sauli poja Iisboseti pea. Tema püüdis su hinge. Issand on täna Saulile ja tema järglastele kätte maksnud mu isanda kuninga pärast.'
9At sinagot ni David si Rechab at si Baana na kaniyang kapatid, na mga anak ni Rimmon na Beerothita, at sinabi sa kanila, Buhay ang Panginoon na siyang tumubos ng aking kaluluwa sa buong kahirapan.
9Aga Taavet vastas Reekabile ja tema vennale Baanale, beerotlase Rimmoni poegadele, ja ütles neile: 'Nii tõesti kui elab Issand, kes on päästnud mu hinge igast hädast:
10Nang saysayin sa akin ng isa, na sinasabi, Narito, si Saul ay namatay, na inakala niyang nagdala siya ng mabuting balita, ay aking hinawakan siya, at pinatay ko siya sa Siclag na siyang kagantihang ibinigay ko sa kaniya dahil sa kaniyang balita.
10selle, kes mulle kuulutas ja ütles: Vaata, Saul on surnud - ta oli enese silmis rõõmusõnumi tooja -, selle ma võtsin kinni ja tapsin Siklagis, tema, kellele oleksin pidanud andma teatetooja tasu,
11Gaano pa kaya kung pinatay ng masasamang lalake ang isang matuwid na tao sa kaniyang sariling bahay, sa kaniyang higaan, hindi ko ba sisiyasatin ngayon ang kaniyang dugo sa inyong kamay, at aalisin kayo sa lupa?
11saati siis nüüd, kui õelad mehed on tapnud süütu mehe tema voodis ta oma kojas. Eks ma pea nüüd nõudma tema verd teie käest ja hävitama teid maa pealt?'
12At iniutos ni David sa kaniyang mga bataan, at pinatay nila sila, at pinutol ang kanilang mga kamay at ang kanilang mga paa, at mga ibinitin sa tabi ng tangke sa Hebron. Nguni't kanilang kinuha ang ulo ni Is-boseth, at inilibing sa libingan ni Abner sa Hebron.
12Ja Taavet andis käsu noortele meestele ja need tapsid nad ära, raiusid neilt käed ja jalad ja poosid nad Hebroni tiigi äärde; aga Iisboseti pea nad võtsid ja matsid Hebronisse Abneri hauda.