1Ganito ang sabi ng Panginoon, Saan nandoon ang sulat ng pagkakahiwalay ng iyong ina, na aking ipinaghiwalay sa kaniya? o sa kanino sa mga nagpapautang sa akin ipinagbili kita? Narito, dahil sa inyong mga kasamaan ay naipagbili kayo, at dahil sa inyong mga pagsalangsang ay nahiwalay ang inyong ina.
1Nõnda ütleb Issand: Kus on teie ema lahutuskiri, millega ma tema olen ära saatnud? Või kellele oma võlausaldajaist ma olen teid müünud? Vaata, te olete müüdud oma süütegude pärast, ja teie üleastumiste pärast on teie ema ära saadetud.
2Bakit, nang ako'y parito, ay walang tao? nang ako'y tumawag, ay walang sumagot? naging maiksi na baga ang aking kamay na hindi makatubos? o wala akong kapangyarihang makapagligtas? Narito, sa saway ko ay aking tinutuyo ang dagat, aking pinapaging ilang ang mga ilog: ang kanilang isda ay bumabaho, sapagka't walang tubig, at namamatay dahil sa uhaw.
2Miks ei olnud kedagi, kui ma tulin, ei vastanud keegi, kui ma hüüdsin? Ons mu käsi liiga lühike lunastamiseks või ei ole mul jõudu päästmiseks? Vaata, oma sõitlusega ma kuivatan mere, teen jõed kõrbeks, vee puudusel hakkavad kalad haisema ja nad surevad janusse.
3Aking binibihisan ng kaitiman ang langit at aking ginagawang kayong magaspang ang kaniyang takip.
3Ma riietan taevad pimedusega ja annan neile kotiriide katteks.
4Binigyan ako ng Panginoong Dios ng dila ng nangaturuan, upang aking maalaman kung paanong aaliwin ng mga salita siyang nanglulupaypay. Siya'y nagigising tuwing umaga, ginigising niya ang aking pakinig upang makinig na gaya ng mga natuturuan.
4Issand Jumal on mulle andnud õpetatud keele, et ma oskaksin vastata väsinule, virgutada teda sõnaga. Ta äratab igal hommikul, ta äratab mu kõrva, et ma kuuleksin õpilaste kombel.
5Binuksan ng Panginoong Dios ang aking pakinig, at ako'y hindi naging mapanghimagsik, o tumalikod man.
5Issand Jumal avas mu kõrva ja ma ei ole vastu pannud, ma ei ole taganenud.
6Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit, at ang aking mga pisngi sa mga bumabaltak ng balbas; hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura.
6Ma andsin oma selja peksjaile ja põsed neile, kes katkusid karvu, ma ei peitnud oma palet teotuse ja sülje eest.
7Sapagka't tutulungan ako ng Panginoong Dios; kaya't hindi ako nalito: kaya't inilagay ko ang aking mukha na parang batong pingkian, at talastas ko na hindi ako mapapahiya.
7Issand Jumal aitab mind: seepärast ma ei jäänud häbisse, seepärast ma muutsin oma näo otsekui ränikiviks, sest ma teadsin, et ma ei jää häbisse,
8Siya'y malapit na nagpapatotoo sa akin; sinong makikipaglaban sa akin? tayo'y magsitayong magkakasama: sino ang aking kaaway? bayaang lumapit siya sa akin.
8et mu õigusemõistja on ligidal. Kes tahab minuga riielda? Astugem üheskoos ette! Kes on mu vastane? Tulgu ta mu juurde!
9Narito, tutulungan ako ng Panginoong Dios; sino siya na hahatol sa akin? narito, silang lahat ay mangalulumang parang bihisan; lalamunin sila ng tanga.
9Vaata, Issand Jumal aitab mind! Kes võib mind süüdi mõista? Vaata, nad kõik kuluvad nagu rüü, koi sööb nad.
10Sino sa inyo ang natatakot sa Panginoon, na sumusunod sa tinig ng kaniyang lingkod? Siyang lumalakad sa kadiliman, at walang liwanag, tumiwala siya sa pangalan ng Panginoon, at umasa sa kaniyang Dios.
10Kes teist kardab Issandat, see kuulgu tema sulase häält; kes käib pimeduses ja kel puudub valgusekuma, see lootku Issanda nime peale ja toetugu oma Jumalale.
11Narito, kayong lahat na nangagsusulsol ng apoy, na kumukubkob ng mga sulo: magsilakad kayo sa liyab ng inyong apoy, at sa gitna ng mga sulo na inyong pinagalab. Ito ang tatamuhin ninyo sa aking kamay; kayo'y hihiga sa kapanglawan.
11Aga vaata, teie kõik, kes läidate tule, süütate tuliseid nooli, minge oma tule leekidesse ja tuliste noolte keskele, mis te olete süüdanud. Minu käest tuleb see teile, et peate lamama piinades.