1At si Josue na anak ni Nun ay nagsugong lihim mula sa Sittim ng dalawang lalake na pinakatiktik, na sinasabi, Yumaon kayo na inyong kilalanin ang lupain, at ang Jerico. At sila'y yumaon at pumasok sa isang bahay ng isang patutot na ang pangalan ay Rahab, at nakituloy doon.
1Ja Joosua, Nuuni poeg, läkitas salaja Sittimist kaks meest maakuulajaiks, öeldes: 'Minge vaadake maad ja Jeerikot!' Ja nad läksid ning tulid Raahabi-nimelise hoora kotta; ja nad jäid sinna.
2At ito'y nasaysay sa hari sa Jerico, na sinasabi, Narito, may mga lalake, sa mga anak ni Israel na pumasok dito ngayong gabi upang kilalanin ang lupain.
2Aga Jeeriko kuningale räägiti ja öeldi: 'Vaata, mehed Iisraeli laste hulgast on öösel tulnud siia maad kuulama!'
3At ang hari sa Jerico ay nagsugo kay Rahab, na sinasabi, Ilabas mo ang mga lalake na naparito sa iyo, na pumasok sa iyong bahay; sapagka't sila'y naparito upang kilalanin ang buong lupain.
3Ja Jeeriko kuningas läkitas Raahabile ütlema: 'Too välja need mehed, kes su juurde tulid, kes tulid su kotta, sest nad on tulnud läbi uurima kogu maad!'
4At ipinagsama ng babae ang dalawang lalake at ikinubli, at sinabi niya, Oo, ang mga lalake ay naparito sa akin, nguni't hindi ko talastas kung sila'y taga saan:
4Aga naine võttis need kaks meest ja peitis ära ning ütles nõnda: 'Mehed tulid küll minu juurde: ega mina teadnud, kust nad pärit olid.
5At nangyari, sa may oras ng pagsasara ng pintuang-bayan, nang madilim na, na ang mga lalake ay lumabas; hindi ko talastas kung saan naparoon ang mga lalaking yaon; habulin ninyong madali sila; sapagka't inyo silang aabutan.
5Kui värav pimeduse tulles pidi suletama, siis läksid mehed välja. Mina ei tea, kuhu nad läksid. Ajage usinasti neid taga, küllap te saate nad kätte!'
6Nguni't kaniyang isinampa sila sa bubungan, at ikinubli sa mga puno ng lino, na kaniyang inilagay na maayos sa bubungan.
6Tema aga oli viinud nad üles katusele ja peitnud linavarte alla, mis tal katusele olid laotatud.
7At hinabol ng mga tao sila sa daan na patungo sa Jordan hanggang sa mga tawiran: at pagkalabas ng humabol sa kanila, ay kanilang sinarhan ang pintuang-bayan.
7Siis ajasid mehed neid taga mööda Jordani teed kuni koolmeteni; ja kui nende tagaajajad olid välja läinud, suleti värav.
8At bago sila nahiga, ay sinampa niya sila sa bubungan.
8Aga enne kui nad olid magama heitnud, läks Raahab nende juurde üles katusele
9At sinabi niya sa mga lalake, Talastas ko na ibinigay sa inyo ng Panginoon ang lupain, at dinatnan kami ng pangingilabot sa inyo at ang lahat na nananahan sa lupain ay nauupos sa harap ninyo.
9ja ütles meestele: 'Ma tean, et Issand on andnud selle maa teile ja et meid on vallanud hirm teie ees, ja teie ees värisevad kõik maa elanikud.
10Sapagka't aming nabalitaan kung paanong tinuyo ng Panginoon ang tubig sa Dagat na Mapula sa harap ninyo, nang kayo'y lumabas sa Egipto; at kung ano ang inyong ginawa sa dalawang hari ng mga Amorrheo, na nangasa dako roon ng Jordan, kay Sehon at kay Og, na inyong lubos na pinuksa.
10Sest me oleme kuulnud, kuidas Issand kuivatas teie eest Kõrkjamere vee, kui te Egiptusest lahkusite, ja mida te tegite kahe emorlaste kuningaga teisel pool Jordanit, Siihoni ja Oogiga, kelle te hävitasite sootuks.
11At pagkabalita namin, ay nanglumo ang aming puso, ni walang diwa na naiwan sa kanino mang tao, dahil sa inyo; sapagka't ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios sa langit sa itaas, at sa lupa sa ibaba.
11Kui me seda kuulsime, siis läksid meie südamed araks ja kelleski pole enam vastupanuvaimu teie ees, sest Issand, teie Jumal, on Jumal ülal taevas ja all maa peal.
12Ngayon nga, isinasamo ko sa inyo, sumumpa kayo sa akin sa pangalan ng Panginoon, na kung paanong ako'y nagmagandang loob sa inyo ay magmamagandang loob naman kayo sa sangbahayan ng aking magulang, at bibigyan ninyo ako ng tunay na tanda;
12Ja nüüd vanduge mulle Issanda juures, sest ma olen teile head teinud, et ka teie teete head mu isa perele; ja andke mulle kindel märk,
13At inyong ililigtas na buhay ang aking ama, at ang aking ina, at ang aking mga kapatid na lalake at babae, at ang lahat nilang tinatangkilik, at inyong ililigtas ang aming mga buhay sa kamatayan.
13et jätate ellu mu isa ja ema, vennad ja õed ja kõik, kes neil on, ja päästate meie hinged surmast!'
14At sinabi ng mga lalake sa kaniya, Ang aming buhay ay ilalagak namin sa inyo, kung hindi ninyo ihahayag itong aming pakay; at mangyayari, na pagka ibinigay sa amin ng Panginoon ang lupain, kami ay magmamagandang loob at magtatapat sa inyo.
14Ja mehed ütlesid temale: 'Me ise sureme teie asemel! Kui teie ei tee teatavaks seda meie asja ja Issand annab selle maa meile, siis oleme su vastu head ja ustavad.'
15Nang magkagayo'y kaniyang pinababa sila sa pamamagitan ng isang lubid sa dungawan: sapagka't ang kaniyang bahay ay nasa kuta ng bayan, at siya'y tumatahan sa kuta.
15Seepeale laskis ta nad läbi akna nööriga alla, sest ta koda oli linnamüüri sees ja seetõttu ta elaski linnamüüri sees.
16At sinabi niya sa kanila, Pumaroon kayo sa bundok, baka kayo'y abutan ng manghahabol sa inyo; at kayo'y magkubli roon na tatlong araw, hanggang sa magsibalik ang mga manghahabol: at pagkatapos ay makayayaon kayo ng inyong lakad.
16Ja ta ütles neile: 'Minge mäestikku, et tagaajajad teid ei kohtaks, ja varjake endid seal kolm päeva, kuni tagaajajad tagasi tulevad; pärast seda minge oma teed!'
17At sinabi ng mga lalake sa kaniya, Kami ay hindi magpapakasala sa sumpang ito, na iyong ipinasumpa sa amin.
17Ja mehed ütlesid temale: 'Vandest, mida sa meid oled lasknud vanduda, me vabaneme nõnda:
18Narito, pagka kami ay pumasok sa lupain, ay iyong itatali itong panaling pula sa dungawan na iyong pinagpababaan sa amin: at iyong pipisanin sa iyo sa loob ng bahay ang iyong ama, at ang iyong ina, at ang iyong mga kapatid, at ang buong sangbahayan ng iyong ama.
18vaata, kui me tuleme maale, siis seo see punasest lõngast nöör akna külge, millest sa meid alla lasksid, ja kogu enese juurde kotta oma isa, ema, vennad ja kõik oma isa pere!
19At mangyayari, na sinomang lalabas sa mga pintuan ng iyong bahay sa lansangan, ay mabububo sa kaniyang ulo ang kaniyang dugo at hindi namin magiging kasalanan: at sinomang kasama mo sa bahay ay mahuhulog sa aming ulo ang dugo niya, kung may magbuhat sa kaniya ng kamay.
19Igaühe veri, kes siis su koja uksest välja läheb, tulgu tema enese pea peale, ja igaühe veri, kes sinuga kojas on, tulgu meie pea peale, kui kellegi käsi teda puudutab!
20Nguni't kung iyong ihayag itong aming pakay, ay hindi namin ipagkakasala ang pagkapanumpa sa iyo, na iyong ipinapanumpa sa amin.
20Aga kui sa sellest meie asjast teatad, siis oleme vabad su vandest, mida sa meid oled lasknud vanduda.'
21At kaniyang sinabi, Ayon sa inyong mga salita, ay siya nawang mangyari. At kaniyang pinapagpaalam sila at sila'y yumaon: at kaniyang itinali ang panaling pula sa dungawan.
21Ja tema vastas: 'Olgu nõnda, nagu on teie sõnad!' Ja ta saatis nad minema ning nad läksid ära; ja ta sidus punase nööri akna külge.
22At sila'y yumaon at naparoon sa bundok, at tumahan doon na tatlong araw, hanggang sa nagsibalik ang mga manghahabol; at hinanap sila ng mga manghahabol sa lahat ng daan, nguni't hindi sila nasumpungan.
22Siis nad läksid ja tulid mäestikku ning jäid sinna kolmeks päevaks, kuni tagaajajad olid läinud tagasi; ja tagaajajad otsisid neid teel kõikjalt, aga ei leidnud.
23Nang magkagayo'y nagsibalik ang dalawang lalake at bumaba sa bundok, at tumawid at naparoon kay Josue na anak ni Nun; at kanilang isinaysay sa kaniya ang lahat na nangyari sa kanila.
23Ja need kaks meest, kui nad mäestikust olid alla tulnud, pöördusid tagasi ja läksid üle jõe ning tulid Nuuni poja Joosua juurde ja jutustasid temale kõik, mis neile oli juhtunud.
24At kanilang sinabi kay Josue, Tunay na ibinigay ng Panginoon sa ating mga kamay ang buong lupain; at bukod dito'y nangliliit ang lahat na nananahan sa lupain sa harap natin.
24Ja nad ütlesid Joosuale: 'Tõesti, Issand on andnud meie kätte kogu maa, kõik maa elanikud juba värisevad meie ees.'