1Purihin ninyo ang Panginoon. Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso, sa kapulungan ng matuwid, at sa kapisanan.
1[] Αινειτε τον Κυριον. Θελω εξυμνει τον Κυριον εν ολη καρδια, εν βουλη ευθεων και εν συναξει.
2Ang mga gawa ng Panginoon ay dakila, siyasat ng lahat na nagtatamo ng kaligayahan diyan.
2Μεγαλα τα εργα του Κυριου, εξηκριβωμενα υπο παντων των ηδυνομενων εις αυτα.
3Ang kaniyang gawa ay karangalan at kamahalan: at ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
3Ενδοξον και μεγαλοπρεπες το εργον αυτου, και η δικαιοσυνη αυτου μενει εις τον αιωνα.
4Kaniyang ginawa ang kaniyang mga kababalaghang gawa upang alalahanin: ang Panginoon ay mapagbiyaya at puspos ng kahabagan.
4Αξιομνημονευτα εκαμε τα θαυμασια αυτου· ελεημων και οικτιρμων ειναι ο Κυριος.
5Siya'y nagbigay ng pagkain sa nangatatakot sa kaniya: kaniyang aalalahaning lagi ang kaniyang tipan.
5Εδωκε τροφην εις τους φοβουμενους αυτον· θελει ενθυμεισθαι διαπαντος την διαθηκην αυτου.
6Kaniyang ipinakilala sa kaniyang bayan ang kapangyarihan ng kaniyang mga gawa, sa pagbibigay niya sa kanila ng mana ng mga bansa.
6[] Ανηγγειλε προς τον λαον αυτου την δυναμιν των εργων αυτου, δια να δωση εις αυτους κληρονομιαν εθνων.
7Ang mga gawa ng kaniyang mga kamay ay katotohanan at kahatulan: lahat niyang mga tuntunin ay tunay.
7Τα εργα των χειρων αυτου ειναι αληθεια και κρισις· αληθιναι πασαι αι εντολαι αυτου·
8Nangatatatag magpakailan-kailan man, mga yari sa katotohanan at katuwiran.
8εστερεωμεναι εις τον αιωνα του αιωνος, πεποιημεναι εν αληθεια και ευθυτητι.
9Siya'y nagsugo ng katubusan sa kaniyang bayan; kaniyang iniutos ang kaniyang tipan magpakailan man: banal at kagalanggalang ang kaniyang pangalan.
9Απεστειλε λυτρωσιν προς τον λαον αυτου· διωρισε την διαθηκην αυτου εις τον αιωνα· αγιον και φοβερον το ονομα αυτου.
10Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan; may mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos. Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man.
10Αρχη σοφιας φοβος Κυριου· παντες οι πραττοντες αυτας εχουσι συνεσιν καλην· η αινεσις αυτου μενει εις τον αιωνα.