1At si Josaphat ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David: at si Joram na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
1וישכב יהושפט עם אבתיו ויקבר עם אבתיו בעיר דויד וימלך יהורם בנו תחתיו׃
2At siya'y nagkaroon ng mga kapatid, na mga anak ni Josaphat, na si Azarias, at si Jehiel, at si Zacharias, at si Azarias, at si Michael, at si Sephatias: lahat ng ito ay mga anak ni Josaphat na hari sa Israel.
2ולו אחים בני יהושפט עזריה ויחיאל וזכריהו ועזריהו ומיכאל ושפטיהו כל אלה בני יהושפט מלך ישראל׃
3At binigyan sila ng kanilang ama ng mga dakilang kaloob, na pilak, at ginto, at mga mahalagang bagay, pati ng mga bayang nakukutaan ng Juda: nguni't ang kaharian ay ibinigay niya kay Joram, sapagka't siya ang panganay.
3ויתן להם אביהם מתנות רבות לכסף ולזהב ולמגדנות עם ערי מצרות ביהודה ואת הממלכה נתן ליהורם כי הוא הבכור׃
4Nang si Joram nga ay bumangon sa kaharian ng kaniyang ama, at lumakas, ay kaniyang pinatay ng tabak ang lahat niyang mga kapatid, at gayon din ang iba sa mga prinsipe ng Israel.
4ויקם יהורם על ממלכת אביו ויתחזק ויהרג את כל אחיו בחרב וגם משרי ישראל׃
5Si Joram ay tatlongpu't dalawang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing walong taon sa Jerusalem.
5בן שלשים ושתים שנה יהורם במלכו ושמונה שנים מלך בירושלם׃
6At siya'y lumakad ng lakad ng mga hari sa Israel, gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab; sapagka't siya'y nagasawa sa anak ni Achab: at siya'y gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon.
6וילך בדרך מלכי ישראל כאשר עשו בית אחאב כי בת אחאב היתה לו אשה ויעש הרע בעיני יהוה׃
7Gayon ma'y hindi nilipol ng Panginoon ang sangbahayan ni David, dahil sa tipan na kaniyang ginawa kay David, at yamang siya'y nangako na bibigyan siya ng ilawan at ang kaniyang mga anak magpakailan man.
7ולא אבה יהוה להשחית את בית דויד למען הברית אשר כרת לדויד וכאשר אמר לתת לו ניר ולבניו כל הימים׃
8Sa kaniyang mga kaarawan ay nanghimagsik ang Edom na mula sa kapangyarihan ng Juda, at naghalal ng hari sa kanilang sarili.
8בימיו פשע אדום מתחת יד יהודה וימליכו עליהם מלך׃
9Nang magkagayo'y nagdaan si Joram na kasama ang kaniyang mga punong kawal, at dala ang lahat niyang mga karo: at siya'y bumangon ng kinagabihan at sinaktan ang mga Idumeo na kumubkob sa kaniya, at ang mga pinunong kawal sa mga karo.
9ויעבר יהורם עם שריו וכל הרכב עמו ויהי קם לילה ויך את אדום הסובב אליו ואת שרי הרכב׃
10Sa gayo'y nanghimagsik ang Edom na mula sa kapangyarihan ng Juda, hanggang sa araw na ito: nang magkagayo'y nanghimagsik ang Libna nang panahong yaon na mula sa kaniyang kapangyarihan: sapagka't kaniyang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kaniyang mga magulang.
10ויפשע אדום מתחת יד יהודה עד היום הזה אז תפשע לבנה בעת ההיא מתחת ידו כי עזב את יהוה אלהי אבתיו׃
11Bukod dito'y kaniyang ginawa ang mga mataas na dako sa mga bundok ng Juda, at pinasamba sa diosdiosan ang mga taga Jerusalem, at iniligaw ang Juda.
11גם הוא עשה במות בהרי יהודה ויזן את ישבי ירושלם וידח את יהודה׃
12At dumating ang isang sulat sa kaniya na mula kay Elias na propeta, na sinasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ni David na iyong ama, sapagka't hindi ka lumakad ng mga lakad ni Josaphat na iyong ama, o ng mga lakad man ni Asa na hari sa Juda:
12ויבא אליו מכתב מאליהו הנביא לאמר כה אמר יהוה אלהי דויד אביך תחת אשר לא הלכת בדרכי יהושפט אביך ובדרכי אסא מלך יהודה׃
13Kundi ikaw ay lumakad ng mga lakad ng mga hari sa Israel, at iyong pinasamba sa diosdiosan ang Juda at ang mga nananahan sa Jerusalem, gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab; at iyo rin namang pinatay ang iyong mga kapatid sa sangbahayan ng iyong ama, na lalong mabuti kay sa iyo:
13ותלך בדרך מלכי ישראל ותזנה את יהודה ואת ישבי ירושלם כהזנות בית אחאב וגם את אחיך בית אביך הטובים ממך הרגת׃
14Narito, ang Panginoon ay mananalot ng malaki sa iyong bayan, at sa iyong mga anak, at sa iyong mga asawa, at sa lahat ng iyong pag-aari:
14הנה יהוה נגף מגפה גדולה בעמך ובבניך ובנשיך ובכל רכושך׃
15At ikaw ay magkakasakit ng mabigat, na sakit ng iyong tiyan, hanggang sa lumabas ang loob ng iyong tiyan dahil sa sakit araw-araw.
15ואתה בחליים רבים במחלה מעיך עד יצאו מעיך מן החלי ימים על ימים׃
16At inudyukan ng Panginoon laban kay Joram ang diwa ng mga Filisteo, at ng mga taga Arabia na nangasa siping ng mga taga Etiopia:
16ויער יהוה על יהורם את רוח הפלשתים והערבים אשר על יד כושים׃
17At sila'y nagsiahon laban sa Juda, at nagpumilit doon, at dinala ang lahat na pag-aari na nasumpungan sa bahay ng hari, at pati ang mga anak niya, at ang mga asawa niya; na anopa't walang naiwang anak sa kaniya, liban si Joachaz na bunso sa kaniyang mga anak.
17ויעלו ביהודה ויבקעוה וישבו את כל הרכוש הנמצא לבית המלך וגם בניו ונשיו ולא נשאר לו בן כי אם יהואחז קטן בניו׃
18At pagkatapos ng lahat na ito ay sinaktan siya ng Panginoon sa kaniyang tiyan ng walang kagamutang sakit.
18ואחרי כל זאת נגפו יהוה במעיו לחלי לאין מרפא׃
19At nangyari, sa lakad ng panahon sa katapusan ng dalawang taon, na ang loob ng kaniyang tiyan ay lumabas dahil sa kaniyang sakit, at siya'y namatay sa mabigat na sakit. At hindi ipinagsunog siya ng kaniyang bayan, na gaya ng pagsusunog sa kaniyang mga magulang.
19ויהי לימים מימים וכעת צאת הקץ לימים שנים יצאו מעיו עם חליו וימת בתחלאים רעים ולא עשו לו עמו שרפה כשרפת אבתיו׃
20May tatlongpu't dalawang taon siya nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y naghari sa Jerusalem na walong taon: at siya'y nanaw na walang nagnasang pumigil; at inilibing nila siya sa bayan ni David, nguni't hindi sa mga libingan ng mga hari.
20בן שלשים ושתים היה במלכו ושמונה שנים מלך בירושלם וילך בלא חמדה ויקברהו בעיר דויד ולא בקברות המלכים׃