Tagalog 1905

Hebrew: Modern

2 Chronicles

3

1Nang magkagayo'y pinasimulan ni Salomon na itayo ang bahay ng Panginoon, sa Jerusalem sa bundok ng Moria, na pinagkakitaan ng Panginoon kay David na kaniyang ama, sa dakong kaniyang pinaghandaan na pinagtakdaan ni David sa giikan ni Ornan na Jebuseo.
1ויחל שלמה לבנות את בית יהוה בירושלם בהר המוריה אשר נראה לדויד אביהו אשר הכין במקום דויד בגרן ארנן היבוסי׃
2At siya'y nagpasimulang magtayo nang ikalawang araw ng ikalawang buwan ng ikaapat na taon ng kaniyang paghahari.
2ויחל לבנות בחדש השני בשני בשנת ארבע למלכותו׃
3Ang mga ito nga ay ang mga tatagangbaon na inilagay ni Salomon na ukol sa pagtatayo ng bahay ng Dios. Ang haba sa mga siko ayon sa panukat ng una ay anim na pung siko, at ang luwang ay dalawangpung siko.
3ואלה הוסד שלמה לבנות את בית האלהים הארך אמות במדה הראשונה אמות ששים ורחב אמות עשרים׃
4At ang portiko na nasa harap ng bahay, ang haba niyao'y ayon sa luwang ng bahay ay dalawang pung siko, at ang taas ay isang daang at dalawangpu: at kaniyang binalutan sa loob ng taganas na ginto.
4והאולם אשר על פני הארך על פני רחב הבית אמות עשרים והגבה מאה ועשרים ויצפהו מפנימה זהב טהור׃
5At ang lalong malaking bahay ay kaniyang kinisamihan ng kahoy na abeto, na kaniyang binalot ng dalisay na ginto, at ginawan niya ng mga palma at mga tanikala.
5ואת הבית הגדול חפה עץ ברושים ויחפהו זהב טוב ויעל עליו תמרים ושרשרות׃
6At kaniyang ginayakan ang bahay ng mga mahalagang bato na pinakapangpaganda: at ang ginto, ay ginto sa Parvaim.
6ויצף את הבית אבן יקרה לתפארת והזהב זהב פרוים׃
7Kaniyang binalutan din naman ng ginto ang bahay, ang mga sikang, ang mga pintuan, at ang mga panig niyaon at ang mga pinto; at inukitan ng mga querubin sa mga panig niyaon.
7ויחף את הבית הקרות הספים וקירותיו ודלתותיו זהב ופתח כרובים על הקירות׃
8At kaniyang ginawa ang kabanalbanalang bahay; ang haba niyaon, ayon sa luwang ng bahay, ay dalawangpung siko, at ang luwang niyaon ay dalawangpung siko; at kaniyang binalutan ng dalisay na ginto, na may timbang na anim na raang talento.
8ויעש את בית קדש הקדשים ארכו על פני רחב הבית אמות עשרים ורחבו אמות עשרים ויחפהו זהב טוב לככרים שש מאות׃
9At ang bigat ng mga pako ay limangpung siklong ginto. At kaniyang binalot ng ginto ang pinakamataas na silid.
9ומשקל למסמרות לשקלים חמשים זהב והעליות חפה זהב׃
10At sa kabanalbanalang bahay ay gumawa siya ng dalawang querubin na gawang nilarawan; at binalot nila ng ginto.
10ויעש בבית קדש הקדשים כרובים שנים מעשה צעצעים ויצפו אתם זהב׃
11At ang mga pakpak ng mga querubin ay dalawangpung siko ang haba; ang pakpak ng isang querubin ay limang siko, na abot sa panig ng bahay; at ang kabilang pakpak ay gayon din na limang siko na abot sa pakpak ng isang querubin.
11וכנפי הכרובים ארכם אמות עשרים כנף האחד לאמות חמש מגעת לקיר הבית והכנף האחרת אמות חמש מגיע לכנף הכרוב האחר׃
12At ang pakpak ng isang querubin ay limang siko, na abot sa panig ng bahay: at ang kabilang pakpak ay limang siko rin, na nakadaiti sa pakpak ng isang querubin.
12וכנף הכרוב האחד אמות חמש מגיע לקיר הבית והכנף האחרת אמות חמש דבקה לכנף הכרוב האחר׃
13Ang mga pakpak ng mga querubing ito ay nangakaladlad ng dalawangpung siko: at sila'y nangakatayo ng kanilang mga paa, at ang kanilang mga mukha ay paharap sa dako ng bahay.
13כנפי הכרובים האלה פרשים אמות עשרים והם עמדים על רגליהם ופניהם לבית׃
14At kaniyang ginawa ang lambong na bughaw, at kulay ube, at matingkad na pula, at mainam na kayong lino, at ginawan ng mga querubin.
14ויעש את הפרכת תכלת וארגמן וכרמיל ובוץ ויעל עליו כרובים׃
15Siya'y gumawa rin sa harap ng bahay ng dalawang haligi na may tatlongpu't limang siko ang taas, at ang kapitel na nasa ibabaw ng bawa't isa sa mga yaon ay limang siko.
15ויעש לפני הבית עמודים שנים אמות שלשים וחמש ארך והצפת אשר על ראשו אמות חמש׃
16At kaniyang ginawan ng mga tanikala ang sanggunian at inilagay sa ibabaw ng mga haligi; at siya'y gumawa ng isang daang granada, at inilagay sa mga tanikala.
16ויעש שרשרות בדביר ויתן על ראש העמדים ויעש רמונים מאה ויתן בשרשרות׃
17At kaniyang itinayo ang mga haligi sa harap ng templo, ang isa'y sa kanan, at ang isa'y sa kaliwa; at tinawag ang pangalan niyaong nasa kanan ay Jachin, at ang pangalan niyaong nasa kaliwa ay Boaz.
17ויקם את העמודים על פני ההיכל אחד מימין ואחד מהשמאול ויקרא שם הימיני יכין ושם השמאלי בעז׃