1At ang Moab ay nanghimagsik laban sa Israel pagkamatay ni Achab.
1ויפשע מואב בישראל אחרי מות אחאב׃
2At si Ochozias ay nahulog sa silahia sa kaniyang silid sa itaas na nasa Samaria, at nagkasakit: at siya'y nagsugo ng mga sugo, at nagsabi sa kanila, Kayo ay magsiyaon, usisain ninyo kay Baal-zebub, na dios sa Ecron, kung ako'y gagaling sa sakit na ito.
2ויפל אחזיה בעד השבכה בעליתו אשר בשמרון ויחל וישלח מלאכים ויאמר אלהם לכו דרשו בבעל זבוב אלהי עקרון אם אחיה מחלי זה׃
3Nguni't sinabi ng anghel ng Panginoon kay Elias na Thisbita, Ikaw ay bumangon, umahon ka na salubungin mo ang mga sugo ng hari ng Samaria, at sabihin mo sa kanila, Dahil ba sa walang Dios sa Israel, na kaya kayo'y nagsisiyaon upang magsipagusisa kay Baal-zebub na dios sa Ecron?
3ומלאך יהוה דבר אל אליה התשבי קום עלה לקראת מלאכי מלך שמרון ודבר אלהם המבלי אין אלהים בישראל אתם הלכים לדרש בבעל זבוב אלהי עקרון׃
4Ngayon nga'y ganito ang sabi ng Panginoon, Ikaw ay hindi bababa sa higaan na iyong sinampahan, kundi walang pagsalang ikaw ay mamamatay. At si Elias ay umalis.
4ולכן כה אמר יהוה המטה אשר עלית שם לא תרד ממנה כי מות תמות וילך אליה׃
5At ang mga sugo ay nagsibalik sa kaniya, at sinabi niya sa kanila. Bakit kayo'y nagsibalik?
5וישובו המלאכים אליו ויאמר אליהם מה זה שבתם׃
6At sinabi nila sa kaniya, May umahong isang lalake na sinalubong kami, at sinabi sa amin, Kayo'y magsiyaon, magsibalik kayo sa hari na nagsugo sa inyo, at sabihin ninyo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Dahil ba sa walang Dios sa Israel na kaya ikaw ay nagsusugo upang magusisa kay Baal-zebub na dios sa Ecron? Kaya't hindi ka bababa sa higaan na iyong sinampahan, kundi walang pagsalang ikaw ay mamamatay.
6ויאמרו אליו איש עלה לקראתנו ויאמר אלינו לכו שובו אל המלך אשר שלח אתכם ודברתם אליו כה אמר יהוה המבלי אין אלהים בישראל אתה שלח לדרש בבעל זבוב אלהי עקרון לכן המטה אשר עלית שם לא תרד ממנה כי מות תמות׃
7At sinabi niya sa kanila, Anong anyo ng lalaking yaong umahon na sumalubong sa inyo, at nagsaysay sa inyo ng mga salitang ito?
7וידבר אלהם מה משפט האיש אשר עלה לקראתכם וידבר אליכם את הדברים האלה׃
8At sila'y nagsisagot sa kaniya: Siya'y lalaking mabalahibo at nakabigkis ng bigkis na balat ng hayop sa kaniyang mga balakang. At kaniyang sinabi, Siya'y si Elias na Thisbita.
8ויאמרו אליו איש בעל שער ואזור עור אזור במתניו ויאמר אליה התשבי הוא׃
9Nang magkagayo'y nagsugo ang hari sa kaniya ng isang punong kawal ng lilimangpuin na kasama ang kaniyang limangpu. At inahon niya siya: at, narito, siya'y nakaupo sa taluktok ng burol. At siya'y nagsalita sa kaniya: Oh lalake ng Dios, sinabi ng hari: Bumaba ka.
9וישלח אליו שר חמשים וחמשיו ויעל אליו והנה ישב על ראש ההר וידבר אליו איש האלהים המלך דבר רדה׃
10At si Elias ay sumagot, at nagsabi sa punong kawal ng lilimangpuin: Kung ako'y lalake ng Dios, bumaba ang apoy na mula sa langit, at sakupin ka at ang iyong limangpu. At bumaba ang apoy na mula sa langit, at sinupok siya at ang kaniyang limangpu.
10ויענה אליהו וידבר אל שר החמשים ואם איש אלהים אני תרד אש מן השמים ותאכל אתך ואת חמשיך ותרד אש מן השמים ותאכל אתו ואת חמשיו׃
11At muli siyang nagsugo sa kaniya ng ibang punong kawal ng limangpuin na kasama ang kaniyang limangpu. At siya'y sumagot, at nagsabi sa kaniya: Oh lalake ng Dios, ganito ang sabi ng hari, Bumaba kang madali.
11וישב וישלח אליו שר חמשים אחר וחמשיו ויען וידבר אליו איש האלהים כה אמר המלך מהרה רדה׃
12At si Elias ay sumagot, at nagsabi sa kanila, Kung ako'y lalake ng Dios, bumaba ang apoy na mula sa langit, at supukin ka at ang iyong limangpu. At ang apoy ng Dios ay bumaba na mula sa langit, at sinupok siya at ang kaniyang limangpu.
12ויען אליה וידבר אליהם אם איש האלהים אני תרד אש מן השמים ותאכל אתך ואת חמשיך ותרד אש אלהים מן השמים ותאכל אתו ואת חמשיו׃
13At muling siya'y nagsugo ng punong kawal ng ikatlong lilimangpuin na kasama ng kaniyang limangpu. At ang ikatlong punong kawal ng lilimangpuin ay umahon, at naparoon at lumuhod sa harap ni Elias, at namanhik sa kaniya at nagsabi sa kaniya, Oh lalake ng Dios, isinasamo ko sa iyo na ang aking buhay, at ang buhay ng limangpung ito na iyong mga lingkod ay maging mahalaga nawa sa iyong paningin.
13וישב וישלח שר חמשים שלשים וחמשיו ויעל ויבא שר החמשים השלישי ויכרע על ברכיו לנגד אליהו ויתחנן אליו וידבר אליו איש האלהים תיקר נא נפשי ונפש עבדיך אלה חמשים בעיניך׃
14Narito, bumaba ang apoy na mula sa langit, at sinupok ang dalawang unang punong kawal ng lilimangpuin sangpu ng kanilang limalimangpu; nguni't ang aking buhay nga'y maging mahalaga nawa sa iyong paningin.
14הנה ירדה אש מן השמים ותאכל את שני שרי החמשים הראשנים ואת חמשיהם ועתה תיקר נפשי בעיניך׃
15At sinabi ng anghel ng Panginoon kay Elias, Bumaba kang kasama niya: huwag kang matakot sa kaniya. At siya'y tumindig, at bumabang kasama niya hanggang sa hari.
15וידבר מלאך יהוה אל אליהו רד אותו אל תירא מפניו ויקם וירד אותו אל המלך׃
16At sinabi niya sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon: Yamang ikaw ay nagsugo ng mga sugo upang magusisa kay Baal-zebub na dios sa Ecron, dahil ba sa walang Dios sa Israel na mapaguusisaan ng kaniyang salita? kaya't hindi ka bababa sa higaan na iyong sinampahan, kundi walang pagsalang mamamatay ka.
16וידבר אליו כה אמר יהוה יען אשר שלחת מלאכים לדרש בבעל זבוב אלהי עקרון המבלי אין אלהים בישראל לדרש בדברו לכן המטה אשר עלית שם לא תרד ממנה כי מות תמות׃
17Sa gayo'y namatay siya, ayon sa salita ng Panginoon na sinalita ni Elias. At si Joram ay nagpasimulang maghari na kahalili niya nang ikalawang taon ni Joram na anak ni Josaphat na hari sa Juda; sapagka't wala siyang anak.
17וימת כדבר יהוה אשר דבר אליהו וימלך יהורם תחתיו בשנת שתים ליהורם בן יהושפט מלך יהודה כי לא היה לו בן׃
18Ang iba nga sa mga gawa ni Ochozias na kaniyang ginawa, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel?
18ויתר דברי אחזיהו אשר עשה הלוא המה כתובים על ספר דברי הימים למלכי ישראל׃