1Ganito nagpakita sa akin ang Panginoong Dios: at, narito, siya'y lumikha ng mga balang sa pasimula ng huling pagsibol ng suwi; at, narito, na siyang huling suwi pagkatapos ng mga gapas para sa hari.
1כה הראני אדני יהוה והנה יוצר גבי בתחלת עלות הלקש והנה לקש אחר גזי המלך׃
2At nangyari, na nang kanilang matapos makain ang pananim sa lupain, akin ngang sinabi, Oh Panginoong Dios, isinasamo ko sa iyo, na magpatawad ka: paanong tatayo ang Jacob? sapagka't siya'y maliit.
2והיה אם כלה לאכול את עשב הארץ ואמר אדני יהוה סלח נא מי יקום יעקב כי קטן הוא׃
3Ang Panginoo'y nagsisi tungkol dito, Hindi mangyayari, sabi ng Panginoon.
3נחם יהוה על זאת לא תהיה אמר יהוה׃
4Ganito nagpakita sa akin ang Panginoong Dios: at, narito, ang Panginoong Dios ay tumawag, upang humatol sa pamamagitan ng apoy; at sinupok ang malaking kalaliman, at susupukin sana ang lupain.
4כה הראני אדני יהוה והנה קרא לרב באש אדני יהוה ותאכל את תהום רבה ואכלה את החלק׃
5Nang magkagayo'y sinabi ko, Oh Panginoong Dios, itigil mo, isinasamo ko sa iyo: paanong makatatayo ang Jacob? sapagka't siya'y maliit.
5ואמר אדני יהוה חדל נא מי יקום יעקב כי קטן הוא׃
6Ang Panginoo'y nagsisi tungkol dito: Ito'y hindi rin mangyayari, sabi ng Panginoong Dios.
6נחם יהוה על זאת גם היא לא תהיה אמר אדני יהוה׃
7Ganito siya nagpakita sa akin: at, narito, ang Panginoon ay nakatayo sa tabi ng isang kuta na ang pagkayari ay ayon sa pabatong tingga, na may pabatong tingga sa kaniyang kamay.
7כה הראני והנה אדני נצב על חומת אנך ובידו אנך׃
8At sinabi ng Panginoon sa akin, Amos, anong iyong nakikita? At aking sinabi, Isang pabatong tingga. Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon, Narito, ako'y maglalagay ng pabatong tingga sa gitna ng aking bayang Israel; hindi na ako magdadaan pa sa kanila;
8ויאמר יהוה אלי מה אתה ראה עמוס ואמר אנך ויאמר אדני הנני שם אנך בקרב עמי ישראל לא אוסיף עוד עבור לו׃
9At ang mga mataas na dako ng Isaac ay magiging sira, at ang mga santuario ng Israel ay mangahahandusay na wasak; at ako'y babangon na may tabak laban sa sangbahayan ni Jeroboam.
9ונשמו במות ישחק ומקדשי ישראל יחרבו וקמתי על בית ירבעם בחרב׃
10Nang magkagayo'y nagsugo si Amasias na saserdote sa Beth-el kay Jeroboam na hari sa Israel, na nagsasabi, Si Amos ay nagbanta laban sa iyo sa gitna ng sangbahayan ni Israel: hindi mababata ng lupain ang lahat niyang mga salita.
10וישלח אמציה כהן בית אל אל ירבעם מלך ישראל לאמר קשר עליך עמוס בקרב בית ישראל לא תוכל הארץ להכיל את כל דבריו׃
11Sapagka't ganito ang sabi ni Amos, Si Jeroboam ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak, at ang Israel ay walang pagsalang dadalhing bihag mula sa kaniyang lupain.
11כי כה אמר עמוס בחרב ימות ירבעם וישראל גלה יגלה מעל אדמתו׃
12Sinabi rin ni Amasias kay Amos, Oh ikaw na tagakita, yumaon ka, at tumakas ka sa lupain ng Juda, at doo'y kumain ka ng tinapay, at manghula ka roon:
12ויאמר אמציה אל עמוס חזה לך ברח לך אל ארץ יהודה ואכל שם לחם ושם תנבא׃
13Nguni't huwag ka nang manghula pa sa Beth-el: sapagka't siyang santuario ng hari, at siyang bahay-hari.
13ובית אל לא תוסיף עוד להנבא כי מקדש מלך הוא ובית ממלכה הוא׃
14Nang magkagayo'y sumagot si Amos, at nagsabi kay Amasias, Ako'y hindi propeta, o anak man ng propeta; kundi ako'y pastor, at manggagawa sa mga puno ng sikomoro:
14ויען עמוס ויאמר אל אמציה לא נביא אנכי ולא בן נביא אנכי כי בוקר אנכי ובולס שקמים׃
15At kinuha ako ng Panginoon mula sa pagsunod sa kawan, at sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay yumaon, manghula ka sa aking bayang Israel.
15ויקחני יהוה מאחרי הצאן ויאמר אלי יהוה לך הנבא אל עמי ישראל׃
16Kaya't ngayo'y dinggin mo ang salita ng Panginoon, Iyong sinasabi, Huwag kang manghula laban sa Israel, at huwag mong ihulog ang iyong salita laban sa sangbahayan ni Isaac:
16ועתה שמע דבר יהוה אתה אמר לא תנבא על ישראל ולא תטיף על בית ישחק׃
17Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Ang iyong asawa ay magiging patutot sa bayan, at ang iyong mga anak na lalake at babae ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at ang iyong lupain ay mababahagi sa pamamagitan ng pising panukat; at ikaw ay mamamatay sa isang lupaing marumi, at ang Israel ay walang pagsalang dadalhing bihag mula sa kaniyang lupain.
17לכן כה אמר יהוה אשתך בעיר תזנה ובניך ובנתיך בחרב יפלו ואדמתך בחבל תחלק ואתה על אדמה טמאה תמות וישראל גלה יגלה מעל אדמתו׃