1Nang magkagayo'y pumihit ako, at aking nakita ang lahat na kapighatian na nagawa sa ilalim ng araw: at, narito, ang mga luha ng mga yaon, na napipighati, at wala silang mangaaliw: at sa siping ng mga mamimighati sa kanila ay may kapangyarihan, nguni't wala silang mangaaliw.
1ושבתי אני ואראה את כל העשקים אשר נעשים תחת השמש והנה דמעת העשקים ואין להם מנחם ומיד עשקיהם כח ואין להם מנחם׃
2Kaya't aking pinuri ang patay na namatay na, ng higit kay sa may buhay na nabubuhay pa;
2ושבח אני את המתים שכבר מתו מן החיים אשר המה חיים עדנה׃
3Oo, maigi kay sa kanila kapuwa ang hindi ipinanganganak, na hindi nakakita ng masamang gawa na nagawa sa ilalim ng araw.
3וטוב משניהם את אשר עדן לא היה אשר לא ראה את המעשה הרע אשר נעשה תחת השמש׃
4Nang magkagayo'y nakita ko ang lahat na gawa, at bawa't gawang mainam na dahil dito ay pinananaghilian ang tao ng kaniyang kapuwa. Ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.
4וראיתי אני את כל עמל ואת כל כשרון המעשה כי היא קנאת איש מרעהו גם זה הבל ורעות רוח׃
5Inihahalukipkip ng mangmang ang kaniyang mga kamay, at kumakain ng kaniyang sariling laman.
5הכסיל חבק את ידיו ואכל את בשרו׃
6Maigi ang isang dakot na may katahimikan, kay sa dalawang dakot na may kahirapan at walang kabuluhan.
6טוב מלא כף נחת ממלא חפנים עמל ורעות רוח׃
7Nang magkagayo'y bumalik ako at aking nakita ang walang kabuluhan sa ilalim ng araw.
7ושבתי אני ואראה הבל תחת השמש׃
8May isa na nagiisa, at siya'y walang pangalawa; oo, siya'y walang anak o kapatid man; gayon ma'y walang wakas sa lahat niyang gawa, ni nasisiyahan man ang kaniyang mga mata sa mga kayamanan. Dahil kanino nga, sabi niya, nagpapagal ako, at binabawahan ko ang aking kaluluwa ng mabuti? Ito man ay walang kabuluhan, oo, mahirap na damdam.
8יש אחד ואין שני גם בן ואח אין לו ואין קץ לכל עמלו גם עיניו לא תשבע עשר ולמי אני עמל ומחסר את נפשי מטובה גם זה הבל וענין רע הוא׃
9Dalawa ay maigi kay sa isa; sapagka't sila'y may mabuting kagantihan sa kanilang gawa.
9טובים השנים מן האחד אשר יש להם שכר טוב בעמלם׃
10Sapagka't kung sila'y mabuwal, ibabangon ng isa ang kaniyang kasama; nguni't sa aba niya, na nagiisa pagka siya'y nabuwal, at walang iba na magbangon sa kaniya.
10כי אם יפלו האחד יקים את חברו ואילו האחד שיפול ואין שני להקימו׃
11Muli, kung ang dalawa ay mahigang magkasama, may init nga sila: nguni't paanong makapagpapainit ang isa na nagiisa?
11גם אם ישכבו שנים וחם להם ולאחד איך יחם׃
12At kung ang isang tao ay manaig laban sa kaniya na nagiisa, ang dalawa ay makalalaban sa kaniya; at ang panaling tatlong ikid ay hindi napapatid na madali.
12ואם יתקפו האחד השנים יעמדו נגדו והחוט המשלש לא במהרה ינתק׃
13Maigi ang dukha at pantas na bata kay sa matanda at mangmang na hari, na hindi nakakaalam ng pagtanggap ng payo pa.
13טוב ילד מסכן וחכם ממלך זקן וכסיל אשר לא ידע להזהר עוד׃
14Sapagka't mula sa bilangguan ay lumabas siya upang maghari; oo, sa kaniyang kaharian nga ay ipinanganak siyang dukha.
14כי מבית הסורים יצא למלך כי גם במלכותו נולד רש׃
15Aking nakita ang lahat na may buhay, na nagsisilakad sa ilalim ng araw, na sila'y kasama ng bata, ng ikalawa, na tumatayo na kahalili niya.
15ראיתי את כל החיים המהלכים תחת השמש עם הילד השני אשר יעמד תחתיו׃
16Walang wakas sa lahat ng bayan, sa makatuwid baga'y sa lahat na pinaghaharian niya: gayon ma'y silang darating pagkatapos ay hindi mangagagalak sa kaniya.Tunay na ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.
16אין קץ לכל העם לכל אשר היה לפניהם גם האחרונים לא ישמחו בו כי גם זה הבל ורעיון רוח׃