1Bukod dito'y itinaas ako ng Espiritu, at dinala ako sa pintuang-daang silanganan ng bahay ng Panginoon, na nakaharap sa dakong silanganan: at narito, nasa pinto ng pintuang-daan ang dalawang pu't limang lalake; at nakita ko sa gitna nila si Jaazanias na anak ni Azur, at si Pelatias na anak ni Benaias, na mga prinsipe ng bayan.
1ותשא אתי רוח ותבא אתי אל שער בית יהוה הקדמוני הפונה קדימה והנה בפתח השער עשרים וחמשה איש ואראה בתוכם את יאזניה בן עזר ואת פלטיהו בן בניהו שרי העם׃
2At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, ito ang mga lalake na nagsisikatha ng kasamaan, at nagbibigay ng masamang payo sa bayang ito;
2ויאמר אלי בן אדם אלה האנשים החשבים און והיעצים עצת רע בעיר הזאת׃
3Na nagsasabi, Hindi malapit ang panahon ng pagtatayo ng mga bahay; ang bayang ito ang caldera, at tayo ang karne.
3האמרים לא בקרוב בנות בתים היא הסיר ואנחנו הבשר׃
4Kaya't manghula ka laban sa kanila, manghula ka, Oh anak ng tao.
4לכן הנבא עליהם הנבא בן אדם׃
5At ang Espiritu ng Panginoon ay dumating sa akin, at sinabi niya sa akin, Salitain mo, Ganito ang sabi ng Panginoon: Ganito ang inyong sinabi, Oh sangbahayan ni Israel; sapagka't nalalaman ko ang mga bagay na pumasok sa inyong pag-iisip.
5ותפל עלי רוח יהוה ויאמר אלי אמר כה אמר יהוה כן אמרתם בית ישראל ומעלות רוחכם אני ידעתיה׃
6Inyong pinarami ang inyong pinatay sa bayang ito, at inyong pinuno ang mga lansangan nito ng mga patay.
6הרביתם חלליכם בעיר הזאת ומלאתם חוצתיה חלל׃
7Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ang inyong mga patay na inyong ibinulagta sa gitna nito, ay karne, at ang bayang ito ay siyang caldera: nguni't kayo'y ilalabas sa gitna nito.
7לכן כה אמר אדני יהוה חלליכם אשר שמתם בתוכה המה הבשר והיא הסיר ואתכם הוציא מתוכה׃
8Kayo'y nangatakot sa tabak; at aking pararatingin ang tabak sa inyo, sabi ng Panginoong Dios.
8חרב יראתם וחרב אביא עליכם נאם אדני יהוה׃
9At aking ilalabas kayo sa gitna nito, at ibibigay ko kayo sa mga kamay ng mga taga ibang lupa, at maglalapat ako ng mga kahatulan sa inyo.
9והוצאתי אתכם מתוכה ונתתי אתכם ביד זרים ועשיתי בכם שפטים׃
10Kayo'y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak; aking hahatulan kayo sa hangganan ng Israel; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
10בחרב תפלו על גבול ישראל אשפוט אתכם וידעתם כי אני יהוה׃
11Ang bayang ito ay hindi magiging inyong caldera, o kayo man ay magiging karne sa gitna nito, aking hahatulan kayo sa hangganan ng Israel;
11היא לא תהיה לכם לסיר ואתם תהיו בתוכה לבשר אל גבול ישראל אשפט אתכם׃
12At inyong malalaman na ako ang Panginoon: sapagka't kayo'y hindi nagsilakad ng ayon sa aking mga palatuntunan, o inyo mang isinagawa ang aking mga kahatulan, kundi kayo'y nagsigawa ng ayon sa mga kaugalian ng mga bansa na nangasa palibot ninyo.
12וידעתם כי אני יהוה אשר בחקי לא הלכתם ומשפטי לא עשיתם וכמשפטי הגוים אשר סביבותיכם עשיתם׃
13At nangyari, nang ako'y nanghuhula, na si Pelatias na anak ni Benaias ay namatay. Nang magkagayo'y nasubasob ako, at ako'y sumigaw ng malakas, at aking sinabi, Ah Panginoong Dios! gagawa ka baga ng lubos na wakas sa nalabi sa Israel?
13ויהי כהנבאי ופלטיהו בן בניה מת ואפל על פני ואזעק קול גדול ואמר אהה אדני יהוה כלה אתה עשה את שארית ישראל׃
14At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,
14ויהי דבר יהוה אלי לאמר׃
15Anak ng tao, ang iyong mga kapatid, sa makatuwid baga'y ang iyong mga kapatid, na mga lalake sa iyong kamaganakan, at ang buong sangbahayan ni Israel, silang lahat, siyang mga pinagsabihan ng mga nananahan sa Jerusalem. Magsilayo kayo sa Panginoon; sa amin ay ibinigay ang lupaing ito na pinakaari.
15בן אדם אחיך אחיך אנשי גאלתך וכל בית ישראל כלה אשר אמרו להם ישבי ירושלם רחקו מעל יהוה לנו היא נתנה הארץ למורשה׃
16Kaya't iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Bagaman sila'y aking inilayo sa gitna ng mga bansa, at bagaman aking pinangalat sila sa gitna ng mga lupain, gayon ma'y ako'y magiging pinaka santuario sa kanila sa sandaling panahon sa mga lupain na kanilang kapaparunan.
16לכן אמר כה אמר אדני יהוה כי הרחקתים בגוים וכי הפיצותים בארצות ואהי להם למקדש מעט בארצות אשר באו שם׃
17Kaya't iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Aking pipisanin kayo mula sa mga bayan, at titipunin ko kayo sa mga lupain na inyong pinangalatan, at aking ibibigay sa inyo ang lupain ng Israel.
17לכן אמר כה אמר אדני יהוה וקבצתי אתכם מן העמים ואספתי אתכם מן הארצות אשר נפצותם בהם ונתתי לכם את אדמת ישראל׃
18At sila'y magsisiparoon, at kanilang aalisin ang lahat na karumaldumal na bagay niyaon, at ang lahat ng kasuklamsuklam niyaon, mula roon.
18ובאו שמה והסירו את כל שקוציה ואת כל תועבתיה ממנה׃
19At aking bibigyan sila ng isang puso, at aking lalagyan ng bagong diwa ang loob ninyo; at aking aalisin ang batong puso sa kanilang laman, at aking bibigyan sila ng pusong laman;
19וננתי להם לב אחד ורוח חדשה אתן בקרבכם והסרתי לב האבן מבשרם ונתתי להם לב בשר׃
20Upang sila'y magsilakad sa aking mga palatuntunan, at ganapin ang aking mga kahatulan at isagawa: at sila'y magiging aking bayan, at ako'y magiging kanilang Dios.
20למען בחקתי ילכו ואת משפטי ישמרו ועשו אתם והיו לי לעם ואני אהיה להם לאלהים׃
21Nguni't tungkol sa kanila na ang puso ay nagsisunod ayon sa kanilang mga karumaldumal na bagay, at sa kanilang mga kasuklamsuklam, aking pararatingin ang kanilang lakad sa kanilang sariling mga ulo, sabi ng Panginoong Dios.
21ואל לב שקוציהם ותועבותיהם לבם הלך דרכם בראשם נתתי נאם אדני יהוה׃
22Nang magkagayo'y itinaas ng mga kerubin ang kanilang mga pakpak, at ang mga gulong ay nangasa siping nila; at ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nasa itaas ng mga yaon.
22וישאו הכרובים את כנפיהם והאופנים לעמתם וכבוד אלהי ישראל עליהם מלמעלה׃
23At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay napailanglang mula sa pinakaloob ng bayan, lumagay sa ibabaw ng bundok na nasa dakong silanganan ng bayan.
23ויעל כבוד יהוה מעל תוך העיר ויעמד על ההר אשר מקדם לעיר׃
24At itinaas ako ng Espiritu, at dinala ako sa pangitain sa Caldea sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios, sa kanila na mga bihag. Sa gayo'y ang pangitain na aking nakita ay napaitaas mula sa akin.
24ורוח נשאתני ותבאני כשדימה אל הגולה במראה ברוח אלהים ויעל מעלי המראה אשר ראיתי׃
25Nang magkagayo'y sinalita ko sa kanila na mga bihag ang lahat na bagay na ipinakita sa akin ng Panginoon.
25ואדבר אל הגולה את כל דברי יהוה אשר הראני׃