1Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
1ויהי דבר יהוה אלי לאמר׃
2Anak ng tao, ititig mo ang iyong mukha sa bundok ng Seir, at manghula ka laban doon,
2בן אדם שים פניך על הר שעיר והנבא עליו׃
3At sabihin mo roon, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban sa iyo, Oh bundok ng Seir, at aking iniunat ang aking kamay laban sa iyo, at gagawin kitang sira at katigilan.
3ואמרת לו כה אמר אדני יהוה הנני אליך הר שעיר ונטיתי ידי עליך ונתתיך שממה ומשמה׃
4Aking ilalagay na giba ang iyong mga bayan, at ikaw ay magiging sira; at iyong malalaman na ako ang Panginoon.
4עריך חרבה אשים ואתה שממה תהיה וידעת כי אני יהוה׃
5Sapagka't ikaw ay nagkaroon ng laging pakikipagkaalit, at ibinigay mo ang mga anak ni Israel sa kapangyarihan ng tabak sa kapanahunan ng kanilang kasakunaan, sa kapanahunan ng parusang pinaka wakas;
5יען היות לך איבת עולם ותגר את בני ישראל על ידי חרב בעת אידם בעת עון קץ׃
6Kaya't buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, aking itatalaga ka sa dugo, at ang dugo ay hahabol sa iyo: yamang hindi mo kinapootan ang dugo, kaya't matatalaga ka sa dugo.
6לכן חי אני נאם אדני יהוה כי לדם אעשך ודם ירדפך אם לא דם שנאת ודם ירדפך׃
7Ganito ko gagawin ang bundok ng Seir na isang katigilan at kasiraan; at aking ihihiwalay sa kaniya siya na nagdaraan at siyang nagbabalik.
7ונתתי את הר שעיר לשממה ושממה והכרתי ממנו עבר ושב׃
8At aking pupunuin ang kaniyang mga bundok ng kaniyang mga nangapatay: sa iyong mga burol at sa iyong mga libis at sa lahat mong mga daan ng tubig ay mangabubuwal sila na nangapatay ng tabak.
8ומלאתי את הריו חלליו גבעותיך וגיאותיך וכל אפיקיך חללי חרב יפלו בהם׃
9Ikaw ay gagawin kong pangpalaging kasiraan, at ang iyong mga bayan ay hindi tatahanan; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
9שממות עולם אתנך ועריך לא תישבנה וידעתם כי אני יהוה׃
10Sapagka't iyong sinabi, Ang dalawang bansang ito, at ang dalawang lupaing ito ay magiging akin, at aming aariin; bagaman kinaroroonan ng Panginoon:
10יען אמרך את שני הגוים ואת שתי הארצות לי תהיינה וירשנוה ויהוה שם היה׃
11Kaya't buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, aking gagawin ayon sa iyong galit, at ayon sa iyong pananaghili na iyong ipinakilala sa iyong pagtatanim laban sa kanila: at ako'y pakikilala sa gitna nila pagka aking hahatulan ka.
11לכן חי אני נאם אדני יהוה ועשיתי כאפך וכקנאתך אשר עשיתה משנאתיך בם ונודעתי בם כאשר אשפטך׃
12At iyong malalaman na akong Panginoon ay nakarinig ng lahat mong panunungayaw na iyong sinalita laban sa mga bundok ng Israel, na sinasabi, Nangalagay na sira ang mga yaon, nangabigay sa atin upang lamunin.
12וידעת כי אני יהוה שמעתי את כל נאצותיך אשר אמרת על הרי ישראל לאמר שממה לנו נתנו לאכלה׃
13At kayo'y nangagmalaki laban sa akin ng inyong bibig, at inyong pinarami ang inyong mga salita laban sa akin: aking narinig yaon.
13ותגדילו עלי בפיכם והעתרתם עלי דבריכם אני שמעתי׃
14Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Pagka ang buong lupa ay nagagalak, akin gagawin kang sira.
14כה אמר אדני יהוה כשמח כל הארץ שממה אעשה לך׃
15Kung paanong ikaw ay nagalak sa mana ng sangbahayan ni Israel, dahil sa sira, gayon ang gagawin ko sa iyo: ikaw ay magiging sira, Oh bundok ng Seir, at buong Edom, oo, lahat ng ito; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
15כשמחתך לנחלת בית ישראל על אשר שממה כן אעשה לך שממה תהיה הר שעיר וכל אדום כלה וידעו כי אני יהוה׃