1Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
1ויהי דבר יהוה אלי לאמר׃
2At ikaw, anak ng tao, ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa lupain ng Israel, May wakas: ang wakas ay dumating sa apat na sulok ng lupain.
2ואתה בן אדם כה אמר אדני יהוה לאדמת ישראל קץ בא הקץ על ארבעת כנפות הארץ׃
3Ngayon ang wakas ay sumasaiyo at aking pararatingin ang aking galit sa iyo, at hahatulan ka ayon sa iyong mga lakad; at ipadadanas ko sa iyo ang lahat ng iyong kasuklamsuklam.
3עתה הקץ עליך ושלחתי אפי בך ושפטתיך כדרכיך ונתתי עליך את כל תועבתיך׃
4At hindi ka patatawarin ng aking mata, o kahahabagan man kita; kundi aking parurusahan ang iyong mga lakad, at ang iyong mga kasuklamsuklam na gawa ay malilitaw; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
4ולא תחוס עיני עליך ולא אחמול כי דרכיך עליך אתן ותועבותיך בתוכך תהיין וידעתם כי אני יהוה׃
5Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ang kasamaan, ang tanging kasamaan; narito, dumarating.
5כה אמר אדני יהוה רעה אחת רעה הנה באה׃
6Ang wakas ay dumating, ang wakas ay dumating; ito'y gumigising laban sa iyo; narito, dumarating.
6קץ בא בא הקץ הקיץ אליך הנה באה׃
7Ang parusa sa iyo ay dumarating, Oh mananahan sa lupain: ang panahon ay dumarating, ang kaarawan ay malapit na, kaarawan ng pagkakagulo, at hindi ng kagalakang may hiyawan, sa ibabaw ng mga bundok.
7באה הצפירה אליך יושב הארץ בא העת קרוב היום מהומה ולא הד הרים׃
8Bigla ko ngang ibubugso sa iyo ang aking kapusukan, at aking gaganapin ang aking galit laban sa iyo, at hahatulan kita ayon sa iyong mga lakad; at ipadadanas ko sa iyo ang lahat ng iyong kasuklamsuklam.
8עתה מקרוב אשפוך חמתי עליך וכליתי אפי בך ושפטתיך כדרכיך ונתתי עליך את כל תועבותיך׃
9At ang aking mata ay hindi magpapatawad, o mahahabag man ako: padadatnin ko sa iyo ang ayon sa iyong mga lakad; at ang iyong mga kasuklamsuklam ay dadanasin mo; at inyong malalaman na ako ang Panginoon na nananakit.
9ולא תחוס עיני ולא אחמול כדרכיך עליך אתן ותועבותיך בתוכך תהיין וידעתם כי אני יהוה מכה׃
10Narito, ang kaarawan, narito, dumarating; ang hatol sa iyo ay ipinasiya; ang tungkod ay namulaklak, ang kapalaluan ay namuko.
10הנה היום הנה באה יצאה הצפרה צץ המטה פרח הזדון׃
11Pangdadahas ay bumangon na naging pamalo ng kasamaan; walang malalabi sa kanila, o sa kanilang karamihan man, o sa kanilang kayamanan man: at hindi magkakaroon ng kahit karangalan sa kanila.
11החמס קם למטה רשע לא מהם ולא מהמונם ולא מהמהם ולא נה בהם׃
12Ang panahon ay dumarating, ang kaarawan ay nalalapit: huwag magalak ang mamimili, o tumangis man ang manininda: sapagka't ang poot ay nasa lahat ng karamihan niyaon.
12בא העת הגיע היום הקונה אל ישמח והמוכר אל יתאבל כי חרון אל כל המונה׃
13Sapagka't hindi na pagbabalikan ng manininda ang ipinagbili, bagaman sila'y buhay pa: sapagka't ang pangitain ay tungkol sa buong karamihan niyaon, walang babalik; at sinoman ay hindi magpapakalakas pa sa kasamaan ng kaniyang buhay.
13כי המוכר אל הממכר לא ישוב ועוד בחיים חיתם כי חזון אל כל המונה לא ישוב ואיש בעונו חיתו לא יתחזקו׃
14Nagsihihip sila ng pakakak, at nagsihanda; nguni't walang naparoroon sa pagbabaka; sapagka't ang aking poot ay nasa buong karamihan niyaon.
14תקעו בתקוע והכין הכל ואין הלך למלחמה כי חרוני אל כל המונה׃
15Ang tabak ay nasa labas, at ang salot at ang kagutom ay nasa loob: siyang nasa parang ay mamamatay sa tabak; at siyang nasa bayan, kagutom at salot ay lalamon sa kaniya.
15החרב בחוץ והדבר והרעב מבית אשר בשדה בחרב ימות ואשר בעיר רעב ודבר יאכלנו׃
16Nguni't silang nagsisitanan sa mga yaon ay tatanan, at mangapapasa mga bundok, na parang mga kalapati sa mga libis, silang lahat ay nagsisitangis, bawa't isa'y dahil sa kaniyang kasamaan.
16ופלטו פליטיהם והיו אל ההרים כיוני הגאיות כלם המות איש בעונו׃
17Lahat ng kamay ay manghihina, at lahat ng tuhod ay manglalata na gaya ng tubig.
17כל הידים תרפינה וכל ברכים תלכנה מים׃
18Sila'y mangagbibigkis din naman ng kayong magaspang, at pangingilabot ay sasa kanila; at kahihiyan ay sasa lahat ng mukha, at pagkakalbo sa lahat nilang ulo.
18וחגרו שקים וכסתה אותם פלצות ואל כל פנים בושה ובכל ראשיהם קרחה׃
19Kanilang ihahagis ang kanilang pilak sa mga lansangan, at ang kanilang ginto ay magiging parang isang maruming bagay; ang kanilang pilak at ang kanilang ginto ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng poot ng Panginoon: hindi nila maaaliw ang kanilang mga kaluluwa, o mabubusog man ang kanilang mga tiyan; sapagka't naging katitisuran ng kanilang kasamaan.
19כספם בחוצות ישליכו וזהבם לנדה יהיה כספם וזהבם לא יוכל להצילם ביום עברת יהוה נפשם לא ישבעו ומעיהם לא ימלאו כי מכשול עונם היה׃
20Tungkol sa ganda ng kaniyang gayak, inilagay niya sa kamahalan; nguni't kanilang ginawang mga larawan ang kanilang mga kasuklamsuklam at karumaldumal na mga bagay: kaya't ginawa ko sa kanila na parang maruming bagay.
20וצבי עדיו לגאון שמהו וצלמי תועבתם שקוציהם עשו בו על כן נתתיו להם לנדה׃
21At aking ibibigay sa mga kamay ng mga taga ibang lupa na pinakahuli, at sa mga masama sa lupa na pinakasamsam; at kanilang lalapastanganin.
21ונתתיו ביד הזרים לבז ולרשעי הארץ לשלל וחללה׃
22Ang aking mukha ay aking itatalikod naman sa kanila, at kanilang lalapastanganin ang aking lihim na dako: at mga magnanakaw ay magsisipasok doon, at lalapastangan.
22והסבותי פני מהם וחללו את צפוני ובאו בה פריצים וחללוה׃
23Gumawa ka ng tanikala; sapagka't ang lupain ay puno ng mga sala sa pagbububo ng dugo, at ang bayan ay puno ng pangdadahas.
23עשה הרתוק כי הארץ מלאה משפט דמים והעיר מלאה חמס׃
24Kaya't aking dadalhin ang mga pinakamasama ng mga bansa, at aariin nila ang kanilang mga bahay: akin namang patitigilin ang kapalaluan ng malakas, at ang kanilang mga dakong banal ay lalapastanganin.
24והבאתי רעי גוים וירשו את בתיהם והשבתי גאון עזים ונחלו מקדשיהם׃
25Kagibaan ay dumarating; at sila'y magsisihanap ng kapayapaan, at wala doon.
25קפדה בא ובקשו שלום ואין׃
26Kapanglawan at kapanglawan ay darating, at balita at balita ay darating; at sila'y magsisihanap ng pangitain ng propeta; nguni't ang kautusa'y mawawala sa saserdote, at ang payo'y mawawala sa mga matanda.
26הוה על הוה תבוא ושמעה אל שמועה תהיה ובקשו חזון מנביא ותורה תאבד מכהן ועצה מזקנים׃
27Ang hari ay tatangis, at ang prinsipe ay mananamit ng kapahamakan, at ang mga kamay ng mga tao ng lupain ay mababagbag: aking gagawin sa kanila ang ayon sa kanilang lakad, at ayon sa kanilang kaugalian ay hahatulan ko sila; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
27המלך יתאבל ונשיא ילבש שממה וידי עם הארץ תבהלנה מדרכם אעשה אותם ובמשפטיהם אשפטם וידעו כי אני יהוה׃