Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Hebrews

5

1Sapagka't ang bawa't dakilang saserdote palibhasa'y hinugot sa mga tao, ay inilagay dahil sa mga tao sa mga bagay na nauukol sa Dios, upang siya'y makapaghandog ng mga kaloob at mga hain namang patungkol sa mga kasalanan:
1כי כל כהן גדול הלקוח מתוך בני אדם מפקד הוא בעבור בני אדם בעניני אלהים להקריב מנחה וזבח על החטאים׃
2Na makapagtitiis na may kaamuan sa mga di nakaaalam at nangamamali, yamang siya rin naman ay nalilibid ng kahinaan;
2והוא יכול לחמל על השגגים והתעים בהיותו גם הוא ידוע חלי׃
3At dahil dito'y nararapat siyang maghandog dahil sa mga kasalanan, at hindi lamang patungkol sa mga tao, kundi naman sa kaniyang sarili.
3אשר על כן חיב להקריב על החטאים גם בעד העם גם בעד נפשו׃
4At sinoman ay hindi tumatanggap sa kaniyang sarili ng karangalang ito, liban na kung tawagin siya ng Dios, na gaya ni Aaron.
4ואת הגדלה הזאת לא יקח איש לעצמו רק הקרוא לה מאת האלהים כמו אהרן׃
5Gayon din si Cristo man ay hindi nagmapuri sa kaniyang sarili upang maging dakilang saserdote, kundi yaong sa kaniya ay nagsabi, Ikaw ay aking Anak. Ikaw ay aking naging anak ngayon:
5כן גם המשיח לא כבד את עצמו להיות כהן גדול כי אם האמר אליו בני אתה אני היום ילדתיך׃
6Gaya rin naman ng sinasabi niya sa ibang dako, Ikaw ay saserdote magpakailan man Ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.
6כמו שאמר גם במקום אחר אתה כהן לעולם על דברתי מלכי צדק׃
7Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot,
7אשר בימי היותו בבשר הקריב תפלות ותחנונים בצעקה גדולה ובדעות לפני מי שיכול להושיעו ממות ויעתר לו מפני יראתו׃
8Bagama't siya'y Anak, gayon may natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis;
8ואף כי היה הבן למד מענותו לשמוע׃
9At nang siya'y mapaging sakdal, ay siya ang gumawa ng walang hanggang kaligtasan ng lahat na mga nagsisitalima sa kaniya;
9ואחרי אשר השלם היה ממציא תשועת עולמים לכל שמעיו׃
10Pinanganlan ng Dios na dakilang saserdote ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.
10והאלהים קרא לו כהן גדול על דברתי מלכי צדק׃
11Tungkol sa kaniya'y marami kaming sasabihin, at mahirap na saysayin, palibhasa'y nagsipurol kayo sa pakikinig.
11על זאת יש לנו לדבר הרבה וקשות לבאר לכם במלין יען כי כבדו אזניכם׃
12Sapagka't nang kayo'y nangararapat nang maging mga guro dahil sa kaluwatan, ay muling kayo'y nangangailangan na kayo'y turuan ninoman ng mga unang simulain ng aral ng Dios; at naging tulad sa mga nangangailangan ng gatas, at hindi ng pagkaing matigas.
12כי תחת אשר היה ראוי לכם לפי ארך הזמן להיות מלמדים עתה מן הצרך לשוב וללמד אתכם עקרי ראשית דברי אלהים ונצרכתם לחלב ולא למאכל בריא׃
13Sapagka't bawa't tumatanggap ng gatas ay walang karanasan sa salita ng katuwiran; sapagka't siya'y isang sanggol.
13כי כל אשר מאכלו חלב איננו מבין בדבר צדק כי עודנו עולל׃
14Nguni't ang pagkaing matigas ay sa mga may gulang, sa makatuwid ay doon sa mga sa pamamagitan ng pamimihasa ay nangasanay ang kanilang mga pakiramdam, upang makilala ang mabuti at ang masama.
14אך לשלמים המאכל הבריא אשר על פי ההרגל יש להם חושים מנסים להבדיל בין טוב לרע׃