Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Job

13

1Narito, nakita ang lahat na ito ng aking mata, ang aking tainga ay nakarinig at nakaunawa.
1הן כל ראתה עיני שמעה אזני ותבן לה׃
2Kung ano ang iyong nalalaman, ay nalalaman ko rin naman: hindi ako huli sa inyo.
2כדעתכם ידעתי גם אני לא נפל אנכי מכם׃
3Walang pagsalang ako'y magsasalita sa Makapangyarihan sa lahat, at nagnanasa akong makipagmatuwiranan sa Dios.
3אולם אני אל שדי אדבר והוכח אל אל אחפץ׃
4Nguni't kayo'y mapagkatha ng mga kabulaanan. Kayong lahat ay mga manggagamot na walang kabuluhan.
4ואולם אתם טפלי שקר רפאי אלל כלכם׃
5Mano nawa ay magsitahimik kayong lahat! At magiging inyong karunungan.
5מי יתן החרש תחרישון ותהי לכם לחכמה׃
6Dinggin ninyo ngayon ang aking pangangatuwiran, at inyong dinggin ang mga pagsasanggalang ng aking mga labi.
6שמעו נא תוכחתי ורבות שפתי הקשיבו׃
7Kayo ba'y mangagsasalita ng kalikuan dahil sa Dios, at mangungusap ng karayaan dahil sa kaniya?
7הלאל תדברו עולה ולו תדברו רמיה׃
8Inyo bang lilingapin ang kaniyang pagka Dios? Inyo bang ipakikipagtalo ang Dios?
8הפניו תשאון אם לאל תריבון׃
9Mabuti ba na kayo'y siyasatin niya? O kung paanong dinadaya ang isang tao ay inyo bang dadayain siya?
9הטוב כי יחקר אתכם אם כהתל באנוש תהתלו בו׃
10Walang pagsalang sasawayin niya kayo, kung lihim na kayo'y tatangi ng pagkatao.
10הוכח יוכיח אתכם אם בסתר פנים תשאון׃
11Hindi ba kayo tatakutin ng kaniyang karilagan, at ang gulat sa kaniya ay sasa inyo?
11הלא שאתו תבעת אתכם ופחדו יפל עליכם׃
12Ang inyong mga alaalang sabi ay kawikaang abo, ang inyong mga pagsasanggalang ay mga pagsasanggalang na putik.
12זכרניכם משלי אפר לגבי חמר גביכם׃
13Magsitahimik kayo, bayaan ninyo ako, na ako'y makapagsalita, at paratingin sa akin ang darating.
13החרישו ממני ואדברה אני ויעבר עלי מה׃
14Bakit kakagatin ng aking mga ngipin ang aking laman, at aking ilalagay ang aking buhay sa aking kamay?
14על מה אשא בשרי בשני ונפשי אשים בכפי׃
15Bagaman ako'y patayin niya, akin ding hihintayin siya: gayon ma'y aking aalalayan ang aking mga lakad sa harap niya.
15הן יקטלני לא איחל אך דרכי אל פניו אוכיח׃
16Ito man ay magiging aking kaligtasan; sapagka't ang isang di banal ay hindi makahaharap sa kaniya.
16גם הוא לי לישועה כי לא לפניו חנף יבוא׃
17Pakinggan ninyong masikap ang aking pananalita, at ang aking pahayag ay sumainyong mga pakinig.
17שמעו שמוע מלתי ואחותי באזניכם׃
18Narito, ngayon, aking inayos ang aking usap; talastas ko na ako'y matuwid.
18הנה נא ערכתי משפט ידעתי כי אני אצדק׃
19Sino ang makikipagtalo sa akin? Sapagka't ngayo'y tatahimik ako at malalagot ang aking hininga.
19מי הוא יריב עמדי כי עתה אחריש ואגוע׃
20Dalawang bagay lamang ang huwag mong gawin sa akin, kung magkagayo'y hindi ako magkukubli sa iyong mukha:
20אך שתים אל תעש עמדי אז מפניך לא אסתר׃
21Iurong mo ng malayo ang iyong kamay sa akin; at huwag akong takutin ng pangingilabot sa iyo.
21כפך מעלי הרחק ואמתך אל תבעתני׃
22Kung magkagayo'y tumawag ka, at ako'y sasagot; o papagsalitain mo ako, at sumagot ka sa akin.
22וקרא ואנכי אענה או אדבר והשיבני׃
23Ilan ang aking mga kasamaan at mga kasalanan? Ipakilala mo sa akin ang aking pagsalangsang at ang aking kasalanan.
23כמה לי עונות וחטאות פשעי וחטאתי הדיעני׃
24Bakit ikinukubli mo ang iyong mukha, at inaari mo akong iyong kaaway?
24למה פניך תסתיר ותחשבני לאויב לך׃
25Iyo bang pangingilabutin ang isang dahong pinapaspas ng hangin? At iyo bang hahabulin ang dayaming tuyo?
25העלה נדף תערוץ ואת קש יבש תרדף׃
26Sapagka't ikaw ay sumusulat ng mga mabigat na bagay laban sa akin, at ipinamamana mo sa akin ang mga kasamaan ng aking kabataan:
26כי תכתב עלי מררות ותורישני עונות נעורי׃
27Iyo ring inilalagay ang aking mga paa sa pangawan, at pinupuna mo ang lahat kong landas: ikaw ay gumuguhit ng isang guhit sa palibot ng mga talampakan ng aking mga paa:
27ותשם בסד רגלי ותשמור כל ארחותי על שרשי רגלי תתחקה׃
28Bagaman ako'y parang bagay na bulok na natutunaw, na parang damit na kinain ng tanga.
28והוא כרקב יבלה כבגד אכלו עש׃