1Nalalaman mo ba ang panahong ipinanganganak ng mga kambing bundok? O matatandaan mo ba ang mga pagdaramdam ng mga usa?
1הידעת עת לדת יעלי סלע חלל אילות תשמר׃
2Mabibilang mo ba ang mga buwan ng kanilang kagampanan? O nalalaman mo ba ang panahong kanilang ipinanganak?
2תספר ירחים תמלאנה וידעת עת לדתנה׃
3Sila'y nagsisiyuko, kanilang inilalabas ang kanilang mga anak, kaniyang iniwawaksi ang kanilang kapanglawan.
3תכרענה ילדיהן תפלחנה חבליהם תשלחנה׃
4Ang kanilang mga anak ay nagiging malakas, sila'y nagsisilaki sa kaparangan; sila'y nagsisiyao at hindi na nagsisibalik.
4יחלמו בניהם ירבו בבר יצאו ולא שבו למו׃
5Sinong nagpakawala sa mabangis na asno? O sinong nagkalag ng mga tali ng mailap na asno?
5מי שלח פרא חפשי ומסרות ערוד מי פתח׃
6Na ginawa kong bahay niya ang ilang, at ang lupaing maasin na kaniyang tahanan.
6אשר שמתי ערבה ביתו ומשכנותיו מלחה׃
7Kaniyang nililibak ang kaguluhan ng bayan. Ni hindi niya dinidinig ang sigaw ng nagpapatakbo ng hayop.
7ישחק להמון קריה תשאות נוגש לא ישמע׃
8Ang libot ng mga bundok ay kaniyang pastulan, at kaniyang sinasaliksik ang bawa't sariwang bagay.
8יתור הרים מרעהו ואחר כל ירוק ידרוש׃
9Matutuwa ba ang bakang gubat na maglingkod sa iyo? O matitira ba sa siping ng iyong pasabsaban?
9היאבה רים עבדך אם ילין על אבוסך׃
10Matatalian mo ba ang bakang gubat ng iyong panali sa pangbukid? O magbubusagsag ba ng mga libis sa likuran mo?
10התקשר רים בתלם עבתו אם ישדד עמקים אחריך׃
11Aasa ka ba sa kaniya, dahil sa siya'y totoong malakas? O iiwan mo ba ang iyong gawain sa kaniya?
11התבטח בו כי רב כחו ותעזב אליו יגיעך׃
12Ipagkakatiwala mo ba sa kaniya na iuuwi sa bahay ang iyong binhi, at pipisanin ang mga butil sa iyong giikan?
12התאמין בו כי ישוב זרעך וגרנך יאסף׃
13Ang pakpak ng avestruz ay nagagalak; nguni't may kagandahang loob ba ang kanilang mga pakpak at mga balahibo?
13כנף רננים נעלסה אם אברה חסידה ונצה׃
14Sapagka't nagiiwan ng kaniyang mga itlog sa lupa, at pinaiinit ang mga yaon sa alabok,
14כי תעזב לארץ בציה ועל עפר תחמם׃
15At kinalilimutang mangapipisa ng paa, o mangayuyurakan ng mabangis na hayop.
15ותשכח כי רגל תזורה וחית השדה תדושה׃
16Siya'y nagmamatigas laban sa kaniyang mga sisiw na tila hindi kaniya: bagaman ang kaniyang gawa ay mawalang kabuluhan, hindi niya ikinatatakot;
16הקשיח בניה ללא לה לריק יגיעה בלי פחד׃
17Sapagka't binawian siya ng Dios ng karunungan, ni hindi siya binahaginan ng unawa.
17כי השה אלוה חכמה ולא חלק לה בבינה׃
18Anomang panahon na siya'y napaiitaas, hinahamak niya ang kabayo at ang sakay nito.
18כעת במרום תמריא תשחק לסוס ולרכבו׃
19Nagbigay ka ba sa kabayo ng kalakasan? Binihisan mo ba ang kaniyang leeg ng buhok na gumagalaw?
19התתן לסוס גבורה התלביש צוארו רעמה׃
20Pinalulukso mo ba siya na parang balang? Ang kaluwalhatian ng kaniyang bahin ay kakilakilabot.
20התרעישנו כארבה הוד נחרו אימה׃
21Siya'y kumukutkot sa libis, at nagagalak sa kaniyang kalakasan, siya'y sumasagupa sa mga taong may sandata.
21יחפרו בעמק וישיש בכח יצא לקראת נשק׃
22Tinutuya niya ang takot at hindi nanglulupaypay: ni hindi tinatalikuran ang tabak.
22ישחק לפחד ולא יחת ולא ישוב מפני חרב׃
23Ang suksukan ng pana ay tumutunog laban sa kaniya, ang makintab na sibat at ang kalasag.
23עליו תרנה אשפה להב חנית וכידון׃
24Kaniyang sinasakmal ang lupa na may kabangisan at poot; ni hindi siya naniniwala na yao'y tunog ng pakakak.
24ברעש ורגז יגמא ארץ ולא יאמין כי קול שופר׃
25Kaniyang sinasabi sa tuwing tutunog ang mga pakakak: Aha! At kaniyang naaamoy ang pagbabaka sa malayo, ang sigaw ng mga kapitan at ang hiyaw.
25בדי שפר יאמר האח ומרחוק יריח מלחמה רעם שרים ותרועה׃
26Lumilipad ba ang uwak sa pamamagitan ng inyong karunungan, at iniuunat ba ang kaniyang mga pakpak sa dakong timugan?
26המבינתך יאבר נץ יפרש כנפו לתימן׃
27Napaiilanglang ba ang agila sa iyong utos, at gumagawa ba ng kaniyang pugad sa itaas?
27אם על פיך יגביה נשר וכי ירים קנו׃
28Sila'y nananahan sa malaking bato, at doon tumitira, sa taluktok ng burol at sa katibayan,
28סלע ישכן ויתלנן על שן סלע ומצודה׃
29Mula roo'y tumitingin siya ng madadagit; ang kaniyang mga mata ay tumatanaw sa malayo.
29משם חפר אכל למרחוק עיניו יביטו׃
30Ang mga anak naman niya ay nagsisihitit ng dugo: at kung saan naroon ang pinatay ay naroon siya.
30ואפרחו יעלעו דם ובאשר חללים שם הוא׃