Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Job

5

1Tumawag ka ngayon; may sasagot ba sa iyo? At sa kanino sa mga banal babalik ka?
1קרא נא היש עונך ואל מי מקדשים תפנה׃
2Sapagka't ang bigat ng loob ay pumapatay sa taong hangal, at ang paninibugho ay pumapatay sa mangmang.
2כי לאויל יהרג כעש ופתה תמית קנאה׃
3Aking nakita ang hangal na umuunlad: nguni't agad kong sinumpa ang kaniyang tahanan.
3אני ראיתי אויל משריש ואקוב נוהו פתאם׃
4Ang kaniyang mga anak ay malayo sa katiwasayan, at sila'y mangapipisa sa pintuang-bayan, na wala mang magligtas sa kanila.
4ירחקו בניו מישע וידכאו בשער ואין מציל׃
5Na ang kaniyang ani ay kinakain ng gutom, at kinukuha na mula sa mga tinik, at ang silo ay nakabuka sa kanilang pag-aari.
5אשר קצירו רעב יאכל ואל מצנים יקחהו ושאף צמים חילם׃
6Sapagka't ang kadalamhatian ay hindi lumalabas sa alabok, ni bumubukal man sa lupa ang kabagabagan;
6כי לא יצא מעפר און ומאדמה לא יצמח עמל׃
7Kundi ang tao ay ipinanganak sa kabagabagan. Gaya ng alipato na umiilanglang sa itaas.
7כי אדם לעמל יולד ובני רשף יגביהו עוף׃
8Nguni't sa ganang akin, ay hahanapin ko ang Dios, at sa Dios ay aking ihahabilin ang aking usap:
8אולם אני אדרש אל אל ואל אלהים אשים דברתי׃
9Na siyang gumagawa ng mga dakilang bagay at ng mga hindi magunita; ng mga kamanghamanghang bagay na walang bilang:
9עשה גדלות ואין חקר נפלאות עד אין מספר׃
10Na siyang nagbibigay ng ulan sa lupa, at nagpapahatid ng tubig sa mga bukid;
10הנתן מטר על פני ארץ ושלח מים על פני חוצות׃
11Na anopa't kaniyang iniuupo sa mataas yaong nangasa mababa; at yaong nagsisitangis ay itinataas sa katiwasayan.
11לשום שפלים למרום וקדרים שגבו ישע׃
12Kaniyang sinasayang ang mga katha-katha ng mapagkatha, na anopa't hindi maisagawa ng kanilang mga kamay ang kanilang panukala.
12מפר מחשבות ערומים ולא תעשינה ידיהם תושיה׃
13Kaniyang hinuhuli ang pantas sa kanilang sariling katha: at ang payo ng suwail ay napapariwara.
13לכד חכמים בערמם ועצת נפתלים נמהרה׃
14Kanilang nasasalunuan ang kadiliman sa araw, at nagsisikapa sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi.
14יומם יפגשו חשך וכלילה ימששו בצהרים׃
15Nguni't kaniyang inililigtas sa tabak ng kanilang bibig, sa makatuwid baga'y ang maralita sa kamay ng malakas.
15וישע מחרב מפיהם ומיד חזק אביון׃
16Na anopa't ang dukha ay may pagasa, at ang kasamaan ay nagtitikom ng kaniyang bibig.
16ותהי לדל תקוה ועלתה קפצה פיה׃
17Narito, maginhawa ang tao na sinasaway ng Dios: kaya't huwag mong waling kabuluhan ang pagsaway ng Makapangyarihan sa lahat.
17הנה אשרי אנוש יוכחנו אלוה ומוסר שדי אל תמאס׃
18Sapagka't siya'y sumusugat, at nagtatapal; siya'y sumusugat, at pinagagaling ng kaniyang mga kamay.
18כי הוא יכאיב ויחבש ימחץ וידו תרפינה׃
19Kaniyang ililigtas ka sa anim na kabagabagan. Oo, sa pito, ay walang kasamaang kikilos sa iyo.
19בשש צרות יצילך ובשבע לא יגע בך רע׃
20Sa kagutom ay tutubusin ka niya sa kamatayan; at sa pagdidigma ay sa kapangyarihan ng tabak.
20ברעב פדך ממות ובמלחמה מידי חרב׃
21Ikaw ay makukubli sa talas ng dila; na hindi ka man matatakot sa paggiba pagka dumarating.
21בשוט לשון תחבא ולא תירא משד כי יבוא׃
22Sa kagibaan at sa kasalatan ay tatawa ka; ni hindi ka matatakot sa mga ganid sa lupa.
22לשד ולכפן תשחק ומחית הארץ אל תירא׃
23Sapagka't ikaw ay makakasundo ng mga bato sa parang; at ang mga ganid sa parang ay makikipagpayapaan sa iyo.
23כי עם אבני השדה בריתך וחית השדה השלמה לך׃
24At iyong makikilala na ang iyong tolda ay nasa kapayapaan; at iyong dadalawin ang iyong kulungan, at walang mawawala na anoman.
24וידעת כי שלום אהלך ופקדת נוך ולא תחטא׃
25Iyo rin namang makikilala na ang iyong binhi ay magiging dakila, at ang iyong lahi ay gaya ng damo sa lupa.
25וידעת כי רב זרעך וצאצאיך כעשב הארץ׃
26Ikaw ay darating sa iyong libingan sa lubos na katandaan. Gaya ng bigkis ng trigo na dumarating sa kaniyang kapanahunan.
26תבוא בכלח אלי קבר כעלות גדיש בעתו׃
27Narito, aming siniyasat, at gayon nga; dinggin mo, at talastasin mo sa iyong ikabubuti.
27הנה זאת חקרנוה כן היא שמענה ואתה דע לך׃