Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Proverbs

13

1Dinidinig ng pantas na anak ang turo ng kaniyang ama: nguni't hindi dinidinig ng mangduduwahagi ang saway.
1בן חכם מוסר אב ולץ לא שמע גערה׃
2Ang tao ay kakain ng mabuti ayon sa bunga ng kaniyang bibig: nguni't ang magdaraya ay kakain ng karahasan,
2מפרי פי איש יאכל טוב ונפש בגדים חמס׃
3Siyang nagiingat ng kaniyang bibig, nagiingat ng kaniyang buhay: nguni't siyang nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi ay magkakaroon ng kapahamakan.
3נצר פיו שמר נפשו פשק שפתיו מחתה לו׃
4Ang tamad ay nagnanasa, at walang anoman: nguni't ang kaluluwa ng masipag ay tataba.
4מתאוה ואין נפשו עצל ונפש חרצים תדשן׃
5Ang matuwid ay nagtatanim sa pagsisinungaling: nguni't ang masama ay kasuklamsuklam, at napapahiya.
5דבר שקר ישנא צדיק ורשע יבאיש ויחפיר׃
6Bumabantay ang katuwiran sa matuwid na lakad; nguni't inilulugmok ng kasamaan ang makasalanan.
6צדקה תצר תם דרך ורשעה תסלף חטאת׃
7May nagpapakayaman, gayon ma'y walang anoman: may nagpapakadukha, gayon ma'y may malaking kayamanan.
7יש מתעשר ואין כל מתרושש והון רב׃
8Ang katubusan sa buhay ng tao ay siyang kaniyang mga kayamanan: nguni't ang dukha ay hindi nakikinig sa banta.
8כפר נפש איש עשרו ורש לא שמע גערה׃
9Ang ilaw ng matuwid ay nagagalak: nguni't ang ilawan ng masama ay papatayin.
9אור צדיקים ישמח ונר רשעים ידעך׃
10Sa kapalaluan, ang dumarating ay pagtatalo lamang: nguni't ang karunungan ay nangasa nangaturuang maigi.
10רק בזדון יתן מצה ואת נועצים חכמה׃
11Ang kayamanang tinangkilik sa walang kabuluhan ay huhupa: nguni't siyang nagpipisan sa paggawa ay mararagdagan.
11הון מהבל ימעט וקבץ על יד ירבה׃
12Ang pagasa na nagluluwat ay nagpapasakit ng puso: nguni't pagka ang nasa ay dumarating ay punong kahoy ng buhay.
12תוחלת ממשכה מחלה לב ועץ חיים תאוה באה׃
13Sinomang humamak sa salita ay nagdadala ng kapahamakan sa sarili: nguni't siyang natatakot sa utos ay gagantihin.
13בז לדבר יחבל לו וירא מצוה הוא ישלם׃
14Ang kautusan ng pantas ay bukal ng buhay, upang lumayo sa mga silo ng kamatayan.
14תורת חכם מקור חיים לסור ממקשי מות׃
15Ang mabuting kaunawaan ay nagbibigay lingap: nguni't ang lakad ng mananalangsang ay mahirap.
15שכל טוב יתן חן ודרך בגדים איתן׃
16Bawa't mabait na tao ay gumagawang may kaalaman: nguni't ang mangmang ay nagkakalat ng kamangmangan.
16כל ערום יעשה בדעת וכסיל יפרש אולת׃
17Ang masamang sugo ay nahuhulog sa kasamaan: nguni't ang tapat na sugo ay kagalingan.
17מלאך רשע יפל ברע וציר אמונים מרפא׃
18Karalitaan at kahihiyan ang tatamuhin ng nagtatakuwil ng saway: nguni't siyang nakikinig ng saway ay magkakapuri.
18ריש וקלון פורע מוסר ושומר תוכחת יכבד׃
19Ang nasa na natupad ay matamis sa kaluluwa: nguni't kasuklamsuklam sa mga mangmang na humiwalay sa kasamaan.
19תאוה נהיה תערב לנפש ותועבת כסילים סור מרע׃
20Lumalakad ka na kasama ng mga pantas na tao, at ikaw ay magiging pantas; nguni't ang kasama ng mga mangmang ay mapapariwara.
20הלוך את חכמים וחכם ורעה כסילים ירוע׃
21Ang kasamaan ay humahabol sa mga makasalanan; nguni't ang matuwid ay gagantihan ng mabuti.
21חטאים תרדף רעה ואת צדיקים ישלם טוב׃
22Ang mabuti ay nagiiwan ng mana sa mga anak ng kaniyang mga anak; at ang kayamanan ng makasalanan ay nalalagay na ukol sa matuwid.
22טוב ינחיל בני בנים וצפון לצדיק חיל חוטא׃
23Maraming pagkain ang nasa pagsasaka ng dukha: nguni't may napapahamak dahil sa kawalan ng kaganapan.
23רב אכל ניר ראשים ויש נספה בלא משפט׃
24Siyang naguurong ng kaniyang pamalo ay napopoot sa kaniyang anak: nguni't siyang umiibig ay nagpaparusang maminsan-minsan.
24חושך שבטו שונא בנו ואהבו שחרו מוסר׃
25Ang matuwid ay kumakain hanggang sa kabusugan ng kaniyang kaluluwa; nguni't ang tiyan ng masama ay mangangailangan.
25צדיק אכל לשבע נפשו ובטן רשעים תחסר׃