1Maigi ang isang tuyong subo at may katahimikan, kay sa bahay na may laging pistahan na may kaalitan.
1טוב פת חרבה ושלוה בה מבית מלא זבחי ריב׃
2Ang lingkod na gumagawang may kapantasan ay nagpupuno sa anak na nakahihiya, at siya'y makakabahagi sa mana ng magkakapatid.
2עבד משכיל ימשל בבן מביש ובתוך אחים יחלק נחלה׃
3Ang dalisayan ay sa pilak, at ang hurno ay sa ginto: nguni't sinusubok ng Panginoon ang mga puso.
3מצרף לכסף וכור לזהב ובחן לבות יהוה׃
4Ang manggagawa ng kasamaan ay nakikinig sa masasamang labi; at ang sinungaling ay nakikinig sa masamang dila.
4מרע מקשיב על שפת און שקר מזין על לשון הות׃
5Sinomang tumutuya sa dukha ay dumudusta sa Maylalang sa kaniya: at ang natutuwa sa kasakunaan ay walang pagsalang parurusahan.
5לעג לרש חרף עשהו שמח לאיד לא ינקה׃
6Ang mga anak ng mga anak ay putong ng mga matatandang tao; at ang kaluwalhatian ng mga anak ay ang kanilang mga magulang.
6עטרת זקנים בני בנים ותפארת בנים אבותם׃
7Ang marilag na pananalita ay hindi nagiging mabuti sa mangmang: lalo na ang magdarayang mga labi, sa isang pangulo.
7לא נאוה לנבל שפת יתר אף כי לנדיב שפת שקר׃
8Ang suhol ay parang mahalagang bato sa mga mata ng nagtatamo: saan man pumihit ay gumiginhawa.
8אבן חן השחד בעיני בעליו אל כל אשר יפנה ישכיל׃
9Ang nagtatakip ng pagsalangsang ay humahanap ng pagibig: nguni't ang nagdadadaldal tungkol sa anoman ay naghihiwalay ng magkakaibigang matalik.
9מכסה פשע מבקש אהבה ושנה בדבר מפריד אלוף׃
10Ang saway ay nanasok na taimtim sa isang naguunawa, kay sa isang daang hampas sa mangmang.
10תחת גערה במבין מהכות כסיל מאה׃
11Ang hinahanap lamang ng masamang tao ay panghihimagsik; kaya't isang mabagsik na sugo ay susuguin laban sa kaniya.
11אך מרי יבקש רע ומלאך אכזרי ישלח בו׃
12Masalubong ang tao ng oso na nanakawan ng kaniyang mga anak, maigi kay sa mangmang sa kaniyang kamangmangan.
12פגוש דב שכול באיש ואל כסיל באולתו׃
13Sinomang gumaganti ng kasamaan sa mabuti, kasamaan ay hindi hihiwalay sa kaniyang bahay.
13משיב רעה תחת טובה לא תמיש רעה מביתו׃
14Ang pasimula ng pagkakaalit ay gaya ng pagbuga ng tubig: kaya't iwan ninyo ang pagtatalo, bago maginit sa pagkakaalit.
14פוטר מים ראשית מדון ולפני התגלע הריב נטוש׃
15Siya na umaaring ganap sa masama, at siya na nagpaparusa sa matuwid, kapuwa sila kasuklamsuklam sa Panginoon.
15מצדיק רשע ומרשיע צדיק תועבת יהוה גם שניהם׃
16Bakit may halaga sa kamay ng mangmang upang ibili ng karunungan, gayong wala siyang pagkaunawa?
16למה זה מחיר ביד כסיל לקנות חכמה ולב אין׃
17Ang kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon, at ang kapatid ay ipinanganak na ukol sa kasakunaan.
17בכל עת אהב הרע ואח לצרה יולד׃
18Ang taong walang unawa ay nakikikamay, at nagiging mananagot sa harapan ng kaniyang kapuwa.
18אדם חסר לב תוקע כף ערב ערבה לפני רעהו׃
19Ang umiibig sa pagsalangsang ay umiibig sa pagkakaalit: ang nagtataas ng kaniyang pintuan ay humahanap ng kapahamakan.
19אהב פשע אהב מצה מגביה פתחו מבקש שבר׃
20Siyang may magdarayang puso ay hindi nakakasumpong ng mabuti: at siyang may suwail na dila ay nahuhulog sa karalitaan.
20עקש לב לא ימצא טוב ונהפך בלשונו יפול ברעה׃
21Ang nanganganak ng mangmang ay sa kaniyang kapanglawan: at ang ama ng mangmang ay walang kagalakan.
21ילד כסיל לתוגה לו ולא ישמח אבי נבל׃
22Ang masayang puso ay mabuting kagamutan: nguni't ang bagbag na diwa ay tumutuyo ng mga buto.
22לב שמח ייטב גהה ורוח נכאה תיבש גרם׃
23Ang masama ay tumatanggap ng suhol mula sa sinapupunan, upang ipahamak ang daan ng kahatulan.
23שחד מחיק רשע יקח להטות ארחות משפט׃
24Karunungan ay nasa harap ng mukha ng naguunawa: nguni't ang mga mata ng mangmang ay nasa mga wakas ng lupa.
24את פני מבין חכמה ועיני כסיל בקצה ארץ׃
25Ang mangmang na anak ay hirap sa kaniyang ama, at kapaitan sa nanganak sa kaniya.
25כעס לאביו בן כסיל וממר ליולדתו׃
26Parusahan naman ang matuwid ay hindi mabuti, ni saktan man ang mahal na tao dahil sa kanilang katuwiran.
26גם ענוש לצדיק לא טוב להכות נדיבים על ישר׃
27Siyang nagtitipid ng kaniyang mga salita ay may kaalaman: at siyang may diwang malamig ay taong naguunawa.
27חושך אמריו יודע דעת וקר רוח איש תבונה׃
28Ang mangmang man, pagka siya'y tumatahimik, ay nabibilang na pantas: pagka kaniyang tinitikom ang kaniyang mga labi, ay inaari siyang mabait.
28גם אויל מחריש חכם יחשב אטם שפתיו נבון׃