Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Proverbs

4

1Dinggin ninyo, mga anak ko, ang turo ng ama, at makinig kayo upang matuto ng kaunawaan:
1שמעו בנים מוסר אב והקשיבו לדעת בינה׃
2Sapagka't bibigyan ko kayo ng mabuting aral; huwag ninyong bayaan ang aking kautusan.
2כי לקח טוב נתתי לכם תורתי אל תעזבו׃
3Sapagka't ako'y anak sa aking ama, malumanay at bugtong sa paningin ng aking ina.
3כי בן הייתי לאבי רך ויחיד לפני אמי׃
4At tinuruan niya ako, at nagsabi sa akin: Pigilan ng iyong puso ang aking mga salita; ingatan mo ang aking mga utos, at mabuhay ka:
4וירני ויאמר לי יתמך דברי לבך שמר מצותי וחיה׃
5Magtamo ka ng karunungan, magtamo ka ng kaunawaan; huwag mong kalimutan, ni humiwalay man sa mga salita ng aking bibig:
5קנה חכמה קנה בינה אל תשכח ואל תט מאמרי פי׃
6Huwag mo siyang pabayaan at iingatan ka niya; ibigin mo siya at iingatan ka niya.
6אל תעזבה ותשמרך אהבה ותצרך׃
7Karunungan ay pinaka pangulong bagay; kaya't kunin mo ang karunungan: Oo, sa lahat mong kukunin ay kunin mo ang unawa.
7ראשית חכמה קנה חכמה ובכל קנינך קנה בינה׃
8Iyong ibunyi siya, at kaniyang itataas ka: kaniyang dadalhin ka sa karangalan, pagka iyong niyakap siya.
8סלסלה ותרוממך תכבדך כי תחבקנה׃
9Siya'y magbibigay sa iyong ulo ng pugong na biyaya: isang putong ng kagandahan ay kaniyang ibibigay sa iyo.
9תתן לראשך לוית חן עטרת תפארת תמגנך׃
10Dinggin mo, Oh anak ko, at iyong tanggapin ang aking mga sinasabi; at ang mga taon ng iyong buhay ay magiging marami.
10שמע בני וקח אמרי וירבו לך שנות חיים׃
11Aking itinuro ka sa daan ng karunungan; aking pinatnubayan ka sa landas ng katuwiran.
11בדרך חכמה הרתיך הדרכתיך במעגלי ישר׃
12Pagka ikaw ay yumayaon hindi magigipit ang iyong mga hakbang; at kung ikaw ay tumatakbo, hindi ka matitisod.
12בלכתך לא יצר צעדך ואם תרוץ לא תכשל׃
13Hawakan mong mahigpit ang turo; huwag mong bitawan: iyong ingatan; sapagka't siya'y iyong buhay.
13החזק במוסר אל תרף נצרה כי היא חייך׃
14Huwag kang pumasok sa landas ng masama, at huwag kang lumakad ng lakad ng mga masasamang tao.
14בארח רשעים אל תבא ואל תאשר בדרך רעים׃
15Ilagan mo, huwag mong daanan; likuan mo, at magpatuloy ka.
15פרעהו אל תעבר בו שטה מעליו ועבור׃
16Sapagka't hindi sila nangatutulog, malibang sila'y nakagawa ng kasamaan; at ang kanilang tulog ay napapawi, malibang sila'y makapagpabuwal.
16כי לא ישנו אם לא ירעו ונגזלה שנתם אם לא יכשולו׃
17Sapagka't sila'y nagsisikain ng tinapay ng kasamaan, at nagsisiinom ng alak ng karahasan.
17כי לחמו לחם רשע ויין חמסים ישתו׃
18Nguni't ang landas ng matuwid ay parang maliyab na liwanag, na sumisilang ng higit at higit sa sakdal na araw.
18וארח צדיקים כאור נגה הולך ואור עד נכון היום׃
19Ang lakad ng masama ay parang kadiliman: Hindi nila nalalaman kung ano ang kanilang kinatitisuran.
19דרך רשעים כאפלה לא ידעו במה יכשלו׃
20Anak ko, makinig ka sa aking mga salita; ikiling mo ang iyong pakinig sa aking mga sabi.
20בני לדברי הקשיבה לאמרי הט אזנך׃
21Huwag mangahiwalay sa iyong mga mata; Ingatan mo sa kaibuturan ng iyong puso.
21אל יליזו מעיניך שמרם בתוך לבבך׃
22Sapagka't buhay sa nangakakasumpong, at kagalingan sa buo nilang katawan.
22כי חיים הם למצאיהם ולכל בשרו מרפא׃
23Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap; sapagka't dinadaluyan ng buhay,
23מכל משמר נצר לבך כי ממנו תוצאות חיים׃
24Ihiwalay mo sa iyo ang masamang bibig, at ang mga suwail na labi ay ilayo mo sa iyo.
24הסר ממך עקשות פה ולזות שפתים הרחק ממך׃
25Tuminging matuwid ang iyong mga mata, at ang iyong mga talukap-mata ay tuminging matuwid sa harap mo.
25עיניך לנכח יביטו ועפעפיך יישרו נגדך׃
26Papanatagin mo ang landas ng iyong mga paa, at mangatatag ang lahat ng iyong lakad.
26פלס מעגל רגלך וכל דרכיך יכנו׃
27Huwag kang lumiko sa kanan o sa kaliwa man: ihiwalay mo ang iyong paa sa kasamaan.
27אל תט ימין ושמאול הסר רגלך מרע׃