Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Psalms

102

1Dinggin mo ang dalangin ko, Oh Panginoon, at dumating nawa ang daing ko sa iyo.
1תפלה לעני כי יעטף ולפני יהוה ישפך שיחו יהוה שמעה תפלתי ושועתי אליך תבוא׃
2Huwag mong ikubli ang mukha mo sa akin sa kaarawan ng aking kahirapan: ikiling mo ang iyong pakinig sa akin; sa araw na ako'y tumawag, ay sagutin mo akong madali.
2אל תסתר פניך ממני ביום צר לי הטה אלי אזנך ביום אקרא מהר ענני׃
3Sapagka't ang mga kaarawan ko'y nangapapawi na parang usok, at ang mga buto ko'y nangasusunog na parang panggatong.
3כי כלו בעשן ימי ועצמותי כמו קד נחרו׃
4Ang puso ko'y nasaktan na parang damo, at natuyo; sapagka't nalimutan kong kanin ang aking tinapay.
4הוכה כעשב ויבש לבי כי שכחתי מאכל לחמי׃
5Dahil sa tinig ng aking daing ang mga buto ko'y nagsisidikit sa aking laman.
5מקול אנחתי דבקה עצמי לבשרי׃
6Ako'y parang pelikano sa ilang; ako'y naging parang kuwago sa kaparangan.
6דמיתי לקאת מדבר הייתי ככוס חרבות׃
7Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya na nagiisa sa bubungan.
7שקדתי ואהיה כצפור בודד על גג׃
8Dinudusta ako ng aking mga kaaway buong araw; silang nangauulol laban sa akin ay nagsisisumpa sa akin.
8כל היום חרפוני אויבי מהוללי בי נשבעו׃
9Sapagka't kinain ko ang mga abo na parang tinapay, at hinaluan ko ang aking inumin ng iyak.
9כי אפר כלחם אכלתי ושקוי בבכי מסכתי׃
10Dahil sa iyong galit at iyong poot: sapagka't ako'y iyong itinaas, at inihagis.
10מפני זעמך וקצפך כי נשאתני ותשליכני׃
11Ang aking mga kaarawan ay parang lilim na kumikiling; at ako'y natuyo na parang damo.
11ימי כצל נטוי ואני כעשב איבש׃
12Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay mamamalagi magpakailan man; at ang alaala sa iyo ay sa lahat ng sali't saling lahi.
12ואתה יהוה לעולם תשב וזכרך לדר ודר׃
13Ikaw ay babangon at maaawa sa Sion: sapagka't kapanahunan ng pagkaawa sa kaniya, Oo, ang takdang panahon ay dumating.
13אתה תקום תרחם ציון כי עת לחננה כי בא מועד׃
14Sapagka't nililigaya ang iyong mga lingkod sa kaniyang mga bato, at nanghihinayang sa kaniyang alabok.
14כי רצו עבדיך את אבניה ואת עפרה יחננו׃
15Sa gayo'y katatakutan ng mga bansa ang pangalan ng Panginoon. At ng lahat ng hari sa lupa ang iyong kaluwalhatian;
15וייראו גוים את שם יהוה וכל מלכי הארץ את כבודך׃
16Sapagka't itinayo ng Panginoon ang Sion, siya'y napakita sa kaniyang kaluwalhatian;
16כי בנה יהוה ציון נראה בכבודו׃
17Kaniyang dininig ang dalangin ng tapon, at hindi hinamak ang kanilang dalangin.
17פנה אל תפלת הערער ולא בזה את תפלתם׃
18Ito'y isusulat na ukol sa lahing susunod: at ang bayang lalalangin ay pupuri sa Panginoon.
18תכתב זאת לדור אחרון ועם נברא יהלל יה׃
19Sapagka't siya'y tumungo mula sa kaitaasan ng kaniyang santuario; tumingin ang Panginoon sa lupa mula sa langit;
19כי השקיף ממרום קדשו יהוה משמים אל ארץ הביט׃
20Upang dinggin ang buntong hininga ng bilanggo: upang kalagan yaong nangaitakdang patayin;
20לשמע אנקת אסיר לפתח בני תמותה׃
21Upang maipahayag ng mga tao ang pangalan ng Panginoon sa Sion, at ang kaniyang kapurihan sa Jerusalem;
21לספר בציון שם יהוה ותהלתו בירושלם׃
22Nang ang mga bayan ay mapisan, at ang mga kaharian, upang maglingkod sa Panginoon.
22בהקבץ עמים יחדו וממלכות לעבד את יהוה׃
23Kaniyang pinahina ang aking kalakasan sa daan; kaniyang pinaikli ang mga kaarawan ko.
23ענה בדרך כחו קצר ימי׃
24Aking sinabi, Oh Dios ko, huwag mo akong kunin sa kalagitnaan ng aking mga kaarawan; ang mga taon mo'y lampas sa mga sali't saling lahi.
24אמר אלי אל תעלני בחצי ימי בדור דורים שנותיך׃
25Nang una ay inilagay mo ang patibayan ng lupa; at ang mga langit ay gawa ng iyong mga kamay.
25לפנים הארץ יסדת ומעשה ידיך שמים׃
26Sila'y uuwi sa wala, nguni't ikaw ay mananatili: Oo, silang lahat ay maluluma na parang bihisan; parang isang kasuutan na iyong mga papalitan, at sila'y mga mapapalitan:
26המה יאבדו ואתה תעמד וכלם כבגד יבלו כלבוש תחליפם ויחלפו׃
27Nguni't ikaw rin, at ang mga taon mo'y hindi magkakawakas.
27ואתה הוא ושנותיך לא יתמו׃
28Ang mga anak ng iyong mga lingkod ay mangamamalagi, at ang kanilang binhi ay matatatag sa harap mo.
28בני עבדיך ישכונו וזרעם לפניך יכון׃