Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Psalms

115

1Huwag sa amin, Oh Panginoon, huwag sa amin, kundi sa iyong pangalan ay magbigay kang karangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob, at dahil sa iyong katotohanan.
1לא לנו יהוה לא לנו כי לשמך תן כבוד על חסדך על אמתך׃
2Bakit sasabihin ng mga bansa, Saan nandoon ngayon ang kanilang Dios?
2למה יאמרו הגוים איה נא אלהיהם׃
3Nguni't ang aming Dios ay nasa mga langit: kaniyang ginagawa ang kaniyang ibigin.
3ואלהינו בשמים כל אשר חפץ עשה׃
4Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto, yari ng mga kamay ng mga tao.
4עצביהם כסף וזהב מעשה ידי אדם׃
5Sila'y may mga bibig, nguni't sila'y hindi nangagsasalita; mga mata'y mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakakita;
5פה להם ולא ידברו עינים להם ולא יראו׃
6Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig; mga ilong ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakaamoy;
6אזנים להם ולא ישמעו אף להם ולא יריחון׃
7Mayroon silang mga kamay, nguni't hindi sila nangakatatangan; mga paa ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakalalakad; ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala.
7ידיהם ולא ימישון רגליהם ולא יהלכו לא יהגו בגרונם׃
8Ang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila; Oo, bawa't tumitiwala sa kanila.
8כמוהם יהיו עשיהם כל אשר בטח בהם׃
9Oh Israel, tumiwala ka sa Panginoon: siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.
9ישראל בטח ביהוה עזרם ומגנם הוא׃
10Oh sangbahayan ni Aaron, magsitiwala kayo sa Panginoon: siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.
10בית אהרן בטחו ביהוה עזרם ומגנם הוא׃
11Kayong nangatatakot sa Panginoon, magsitiwala kayo sa Panginoon; siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.
11יראי יהוה בטחו ביהוה עזרם ומגנם הוא׃
12Inalaala tayo ng Panginoon; kaniyang pagpapalain tayo: kaniyang pagpapalain ang sangbahayan ni Israel, kaniyang pagpapalain ang sangbahayan ni Aaron.
12יהוה זכרנו יברך יברך את בית ישראל יברך את בית אהרן׃
13Kaniyang pagpapalain ang nangatatakot sa Panginoon, ang mababa at gayon ang mataas.
13יברך יראי יהוה הקטנים עם הגדלים׃
14Palalaguin kayo ng Panginoon ng higit at higit, kayo at ang inyong mga anak.
14יסף יהוה עליכם עליכם ועל בניכם׃
15Pinagpala kayo ng Panginoon, na gumawa ng langit at lupa.
15ברוכים אתם ליהוה עשה שמים וארץ׃
16Ang mga langit ay mga langit ng Panginoon; nguni't ang lupa ay kaniyang ibinigay sa mga anak ng mga tao.
16השמים שמים ליהוה והארץ נתן לבני אדם׃
17Ang patay ay hindi pumupuri sa Panginoon, ni sinomang nabababa sa katahimikan;
17לא המתים יהללו יה ולא כל ירדי דומה׃
18Nguni't aming pupurihin ang Panginoon mula sa panahong ito hanggang sa walang hanggan. Purihin ninyo ang Panginoon.
18ואנחנו נברך יה מעתה ועד עולם הללו יה׃