Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Psalms

132

1Panginoon, alalahanin mo para kay David ang lahat niyang kadalamhatian;
1שיר המעלות זכור יהוה לדוד את כל ענותו׃
2Kung paanong sumumpa siya sa Panginoon, at nanata sa Makapangyarihan ni Jacob:
2אשר נשבע ליהוה נדר לאביר יעקב׃
3Tunay na hindi ako papasok sa tabernakulo ng aking bahay, ni sasampa man sa aking higaan,
3אם אבא באהל ביתי אם אעלה על ערש יצועי׃
4Hindi ako magbibigay ng pagkakatulog sa aking mga mata, o magpapaidlip man sa aking mga talukap-mata;
4אם אתן שנת לעיני לעפעפי תנומה׃
5Hanggang sa ako'y makasumpong ng dakong ukol sa Panginoon, ng tabernakulo ukol sa Makapangyarihan ni Jacob.
5עד אמצא מקום ליהוה משכנות לאביר יעקב׃
6Narito, narinig namin sa Ephrata: aming nasumpungan sa mga parang ng gubat.
6הנה שמענוה באפרתה מצאנוה בשדי יער׃
7Kami ay magsisipasok sa kaniyang tabernakulo; kami ay magsisisamba sa harap ng kaniyang tungtungan.
7נבואה למשכנותיו נשתחוה להדם רגליו׃
8Bumangon ka, Oh Panginoon, sa iyong pahingahang dako: ikaw, at ang kaban ng iyong kalakasan.
8קומה יהוה למנוחתך אתה וארון עזך׃
9Magsipagsuot ang iyong mga saserdote ng katuwiran; at magsihiyaw ang iyong mga banal dahil sa kagalakan.
9כהניך ילבשו צדק וחסידיך ירננו׃
10Dahil sa iyong lingkod na kay David huwag mong ipihit ang mukha ng iyong pinahiran ng langis.
10בעבור דוד עבדך אל תשב פני משיחך׃
11Ang Panginoon ay sumumpa kay David sa katotohanan; hindi niya babaligtarin: ang bunga ng iyong katawan ay aking ilalagay sa iyong luklukan.
11נשבע יהוה לדוד אמת לא ישוב ממנה מפרי בטנך אשית לכסא לך׃
12Kung iingatan ng iyong mga anak ang aking tipan. At ang aking patotoo na aking ituturo, magsisiupo naman ang kanilang mga anak sa iyong luklukan magpakailan man.
12אם ישמרו בניך בריתי ועדתי זו אלמדם גם בניהם עדי עד ישבו לכסא לך׃
13Sapagka't pinili ng Panginoon ang Sion; kaniyang ninasa na pinaka tahanan niya.
13כי בחר יהוה בציון אוה למושב לו׃
14Ito'y aking pahingahang dako magpakailan man. Dito ako tatahan; sapagka't aking ninasa.
14זאת מנוחתי עדי עד פה אשב כי אותיה׃
15Aking pagpapalain siyang sagana sa pagkain; aking bubusugin ng pagkain ang kaniyang dukha.
15צידה ברך אברך אביוניה אשביע לחם׃
16Ang kaniya namang mga saserdote ay susuutan ko ng kaligtasan: at ang kaniyang mga banal ay magsisihiyaw ng malakas sa kagalakan.
16וכהניה אלביש ישע וחסידיה רנן ירננו׃
17Doo'y aking pamumukuhin ang sungay ni David: aking ipinaghanda ng ilawan ang aking pinahiran ng langis.
17שם אצמיח קרן לדוד ערכתי נר למשיחי׃
18Ang kaniyang mga kaaway ay susuutan ko ng kahihiyan: nguni't sa kaniya'y mamumulaklak ang kaniyang putong.
18אויביו אלביש בשת ועליו יציץ נזרו׃