Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Psalms

141

1Panginoon, ako'y tumawag sa iyo: magmadali ka sa akin: pakinggan mo ang tinig ko, pagka ako'y tumatawag sa iyo.
1מזמור לדוד יהוה קראתיך חושה לי האזינה קולי בקראי לך׃
2Malagay ang aking dalangin na parang kamangyan sa harap mo; ang pagtataas ng aking mga kamay na parang hain sa kinahapunan.
2תכון תפלתי קטרת לפניך משאת כפי מנחת ערב׃
3Maglagay ka ng bantay, Oh Panginoon, sa harap ng aking bibig; ingatan mo ang pintuan ng aking mga labi.
3שיתה יהוה שמרה לפי נצרה על דל שפתי׃
4Huwag mong ikiling ang aking puso sa anomang masamang bagay, na gumawa sa mga gawa ng kasamaan na kasama ng mga taong nagsisigawa ng kasamaan: at huwag mo akong pakanin ng kanilang mga masarap na pagkain.
4אל תט לבי לדבר רע להתעולל עללות ברשע את אישים פעלי און ובל אלחם במנעמיהם׃
5Sugatan ako ng matuwid, magiging kagandahan pa ng loob; at sawayin niya ako, magiging parang langis sa ulo; huwag tanggihan ng aking ulo: sapagka't sa kanilang kasamaan ay mamamalagi ang dalangin ko.
5יהלמני צדיק חסד ויוכיחני שמן ראש אל יני ראשי כי עוד ותפלתי ברעותיהם׃
6Ang kanilang mga hukom ay nangahagis sa mga tabi ng malaking bato; at kanilang maririnig ang aking mga salita; sapagka't matatamis.
6נשמטו בידי סלע שפטיהם ושמעו אמרי כי נעמו׃
7Gaya ng kung inaararo at nabubungkal ang lupa, gayon ang aming mga buto ay nangangalat sa bibig ng Sheol.
7כמו פלח ובקע בארץ נפזרו עצמינו לפי שאול׃
8Sapagka't ang mga mata ko'y nangasa iyo, Oh Dios na Panginoon: sa iyo nanganganlong ako; huwag mong iwan ang aking kaluluwa sa walang magkandili.
8כי אליך יהוה אדני עיני בכה חסיתי אל תער נפשי׃
9Iligtas mo ako sa silo na kanilang inilagay na ukol sa akin, at sa mga silo ng mga manggagawa ng kasamaan.
9שמרני מידי פח יקשו לי ומקשות פעלי און׃
10Mahulog ang masama sa kanilang sariling mga bating. Habang ako'y nakatatanan.
10יפלו במכמריו רשעים יחד אנכי עד אעבור׃