1Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon mula sa mga langit: purihin ninyo siya sa mga kaitaasan.
1הללו יה הללו את יהוה מן השמים הללוהו במרומים׃
2Purihin ninyo siya, ninyong lahat niyang mga anghel: purihin ninyo siya, buo niyang hukbo.
2הללוהו כל מלאכיו הללוהו כל צבאו׃
3Purihin ninyo siya, araw at buwan: purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bituing maliwanag.
3הללוהו שמש וירח הללוהו כל כוכבי אור׃
4Purihin ninyo siya, ninyong mga langit ng mga langit, at ninyong tubig na nasa itaas ng mga langit.
4הללוהו שמי השמים והמים אשר מעל השמים׃
5Purihin nila ang pangalan ng Panginoon: sapagka't siya'y nagutos, at sila'y nangalikha.
5יהללו את שם יהוה כי הוא צוה ונבראו׃
6Kaniya rin namang ipinagtatatag magpakailan-kailan man: siya'y gumawa ng pasiya na hindi mapapawi.
6ויעמידם לעד לעולם חק נתן ולא יעבור׃
7Purihin ninyo ang Panginoon mula sa lupa, Ninyong mga buwaya, at lahat ng mga kalaliman:
7הללו את יהוה מן הארץ תנינים וכל תהמות׃
8Apoy at granizo, nieve at singaw; unos na hangin, na gumaganap ng kaniyang salita:
8אש וברד שלג וקיטור רוח סערה עשה דברו׃
9Mga bundok at lahat ng mga gulod; mga mabungang kahoy at lahat ng mga cedro:
9ההרים וכל גבעות עץ פרי וכל ארזים׃
10Mga hayop at buong kawan; nagsisiusad na bagay at ibong lumilipad:
10החיה וכל בהמה רמש וצפור כנף׃
11Mga hari sa lupa at lahat ng mga bayan; mga pangulo at lahat ng mga hukom sa lupa:
11מלכי ארץ וכל לאמים שרים וכל שפטי ארץ׃
12Mga binata at gayon din ng mga dalaga; mga matanda at mga bata:
12בחורים וגם בתולות זקנים עם נערים׃
13Purihin nila ang pangalan ng Panginoon; sapagka't ang kaniyang pangalan magisa ay nabunyi: ang kaniyang kaluwalhatian ay nasa itaas ng lupa at mga langit.
13יהללו את שם יהוה כי נשגב שמו לבדו הודו על ארץ ושמים׃
14At itinaas niya ang sungay ng kaniyang bayan, ang papuri ng lahat niyang mga banal; sa makatuwid baga'y ng mga anak ni Israel, na bayang malapit sa kaniya. Purihin ninyo ang Panginoon.
14וירם קרן לעמו תהלה לכל חסידיו לבני ישראל עם קרבו הללו יה׃