Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Psalms

16

1Ingatan mo ako, Oh Dios; sapagka't sa iyo nanganganlong ako.
1מכתם לדוד שמרני אל כי חסיתי בך׃
2Oh kaluluwa ko, iyong sinabi sa Panginoon, ikaw ay aking Panginoon: ako'y walang kabutihan liban sa iyo.
2אמרת ליהוה אדני אתה טובתי בל עליך׃
3Tungkol sa mga banal na nangasa lupa, sila ang maririlag na mga kinalulugdan kong lubos.
3לקדושים אשר בארץ המה ואדירי כל חפצי בם׃
4Ang mga kalumbayan nila ay dadami, na nangaghahandog sa ibang dios: ang kanilang inuming handog na dugo ay hindi ko ihahandog, ni sasambitin man ang kanilang mga pangalan sa aking mga labi.
4ירבו עצבותם אחר מהרו בל אסיך נסכיהם מדם ובל אשא את שמותם על שפתי׃
5Ang Panginoon ay siyang bahagi ng aking mana at ng aking saro: iyong inaalalayan ang aking kapalaran.
5יהוה מנת חלקי וכוסי אתה תומיך גורלי׃
6Ang pising panukat ay nangahulog sa akin sa mga maligayang dako; Oo, ako'y may mainam na mana.
6חבלים נפלו לי בנעמים אף נחלת שפרה עלי׃
7Aking pupurihin ang Panginoon na nagbibigay sa akin ng payo: Oo, tinuturuan ako sa gabi ng aking puso.
7אברך את יהוה אשר יעצני אף לילות יסרוני כליותי׃
8Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko: sapagka't kung siya ay nasa aking kanan, hindi ako makikilos.
8שויתי יהוה לנגדי תמיד כי מימיני בל אמוט׃
9Kaya't ang aking puso ay masaya, at ang aking kaluwalhatian ay nagagalak: ang akin namang katawan ay tatahang tiwasay.
9לכן שמח לבי ויגל כבודי אף בשרי ישכן לבטח׃
10Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol; ni hindi mo man titiisin ang iyong banal ay makakita ng kabulukan.
10כי לא תעזב נפשי לשאול לא תתן חסידך לראות שחת׃
11Iyong ituturo sa akin ang landas ng buhay: nasa iyong harapan ang kapuspusan ng kagalakan; sa iyong kanan ay may mga kasayahan magpakailan man.
11תודיעני ארח חיים שבע שמחות את פניך נעמות בימינך נצח׃