Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Psalms

22

1Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan? Bakit ka napaka layo sa pagtulong sa akin, at sa mga salita ng aking pagangal?
1למנצח על אילת השחר מזמור לדוד אלי אלי למה עזבתני רחוק מישועתי דברי שאגתי׃
2Oh Dios ko, ako'y humihiyaw sa araw, nguni't hindi ka sumasagot: at sa gabi, at hindi ako tahimik.
2אלהי אקרא יומם ולא תענה ולילה ולא דומיה לי׃
3Nguni't ikaw ay banal, Oh ikaw na tumatahan sa mga pagpuri ng Israel.
3ואתה קדוש יושב תהלות ישראל׃
4Ang aming mga magulang ay nagsitiwala sa iyo: sila'y nagsitiwala, at iyong iniligtas sila.
4בך בטחו אבתינו בטחו ותפלטמו׃
5Sila'y nagsidaing sa iyo at nangaligtas: sila'y nagsitiwala sa iyo, at hindi nangapahiya.
5אליך זעקו ונמלטו בך בטחו ולא בושו׃
6Nguni't ako'y uod at hindi tao; duwahagi sa mga tao, at hinamak ng bayan.
6ואנכי תולעת ולא איש חרפת אדם ובזוי עם׃
7Silang lahat na nangakakita sa akin ay tinatawanang mainam ako: inilalawit nila ang labi, iginagalaw nila ang ulo, na sinasabi,
7כל ראי ילעגו לי יפטירו בשפה יניעו ראש׃
8Magpakatiwala ka sa Panginoon; iligtas niya siya: iligtas niya siya yamang kinaluluguran niya siya:
8גל אל יהוה יפלטהו יצילהו כי חפץ בו׃
9Nguni't ikaw ang naglabas sa akin sa bahay-bata: Pinatiwala mo ako nang ako'y nasa mga suso ng aking ina.
9כי אתה גחי מבטן מבטיחי על שדי אמי׃
10Ako'y nahagis sa iyo mula sa bahay-bata: ikaw ay aking Dios mulang dalhin ako sa tiyan ng aking ina.
10עליך השלכתי מרחם מבטן אמי אלי אתה׃
11Huwag mo akong layuan; sapagka't kabagabagan ay malapit; sapagka't walang tumulong.
11אל תרחק ממני כי צרה קרובה כי אין עוזר׃
12Niligid ako ng maraming toro; mga malakas na toro ng Basan ay kumulong sa akin.
12סבבוני פרים רבים אבירי בשן כתרוני׃
13Sila'y magbubuka sa akin ng kanilang bibig, na gaya ng sumasakmal at umuungal na leon.
13פצו עלי פיהם אריה טרף ושאג׃
14Ako'y nabuhos na parang tubig, at lahat ng aking mga buto ay nangapapalinsad: ang aking puso ay parang pagkit; natutunaw ito sa loob ko.
14כמים נשפכתי והתפרדו כל עצמותי היה לבי כדונג נמס בתוך מעי׃
15Ang aking kalakasan ay natuyo na parang bibinga; at ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala; at dinala mo ako sa alabok ng kamatayan.
15יבש כחרש כחי ולשוני מדבק מלקוחי ולעפר מות תשפתני׃
16Sapagka't niligid ako ng mga aso: kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama; binutasan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa.
16כי סבבוני כלבים עדת מרעים הקיפוני כארי ידי ורגלי׃
17Aking maisasaysay ang lahat ng aking mga buto; kanilang minamasdan, at pinapansin ako:
17אספר כל עצמותי המה יביטו יראו בי׃
18Hinapak nila ang aking mga kasuutan sa gitna nila, at kanilang pinagsapalaran ang aking kasuutan.
18יחלקו בגדי להם ועל לבושי יפילו גורל׃
19Nguni't huwag kang lumayo, Oh Panginoon: Oh ikaw na aking saklolo, magmadali kang tulungan mo ako.
19ואתה יהוה אל תרחק אילותי לעזרתי חושה׃
20Iligtas mo ang aking kaluluwa sa tabak; ang aking minamahal sa kapangyarihan ng aso.
20הצילה מחרב נפשי מיד כלב יחידתי׃
21Iligtas mo ako sa bibig ng leon; Oo, mula sa mga sungay ng torong gubat ay sinagot mo ako.
21הושיעני מפי אריה ומקרני רמים עניתני׃
22Aking ipahahayag ang iyong pangalan sa aking mga kapatid: sa gitna ng kapulungan ay pupurihin kita.
22אספרה שמך לאחי בתוך קהל אהללך׃
23Kayong nangatatakot sa Panginoon ay magsipuri sa kaniya: kayong lahat na binhi ni Jacob ay lumuwalhati sa kaniya; at magsitayong may takot sa kaniya, kayong lahat na binhi ni Israel.
23יראי יהוה הללוהו כל זרע יעקב כבדוהו וגורו ממנו כל זרע ישראל׃
24Sapagka't hindi niya hinamak o pinagtaniman man ang kadalamhatian ng nagdadalamhati; ni ikinubli man niya ang kaniyang mukha sa kaniya; kundi nang siya'y dumaing sa kaniya, ay kaniyang dininig.
24כי לא בזה ולא שקץ ענות עני ולא הסתיר פניו ממנו ובשועו אליו שמע׃
25Sa iyo nanggagaling ang pagpuri sa akin sa dakilang kapisanan: aking tutuparin ang aking mga panata sa harap nila na nangatatakot sa kaniya.
25מאתך תהלתי בקהל רב נדרי אשלם נגד יראיו׃
26Ang maamo ay kakain at mabubusog: kanilang pupurihin ang Panginoon na humanap sa kaniya; mabuhay nawa ang iyong puso magpakailan man.
26יאכלו ענוים וישבעו יהללו יהוה דרשיו יחי לבבכם לעד׃
27Lahat ng mga wakas ng lupa ay makakaalaala, at magsisipanumbalik sa Panginoon: at lahat ng mga angkan ng mga bansa ay magsisisamba sa harap mo.
27יזכרו וישבו אל יהוה כל אפסי ארץ וישתחוו לפניך כל משפחות גוים׃
28Sapagka't ang kaharian ay sa Panginoon: at siya ang puno sa mga bansa.
28כי ליהוה המלוכה ומשל בגוים׃
29Lahat na matataba sa lupa ay magsisikain, at magsisisamba: silang lahat na nagsisibaba sa alabok ay magsisiyukod sa harap niya, sa makatuwid baga'y ang hindi makapagingat na buhay ng kaniyang kaluluwa.
29אכלו וישתחוו כל דשני ארץ לפניו יכרעו כל יורדי עפר ונפשו לא חיה׃
30Isang binhi ay maglilingkod sa kaniya, sasaysayin ang Panginoon sa susunod na salin ng lahi,
30זרע יעבדנו יספר לאדני לדור׃
31Sila'y magsisiparoon at mangaghahayag ng kaniyang katuwiran, sa bayan na ipanganganak ay ibabalita, yaong kaniyang ginawa.
31יבאו ויגידו צדקתו לעם נולד כי עשה׃