1Sa iyo, Oh Panginoon, nanganganlong ako; huwag akong mapahiya kailan man; palayain mo ako sa iyong katuwiran.
1למנצח מזמור לדוד בך יהוה חסיתי אל אבושה לעולם בצדקתך פלטני׃
2Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin; iligtas mo akong madali: maging matibay na kanlungan ka nawa sa akin, bahay na sanggalangan upang iligtas ako.
2הטה אלי אזנך מהרה הצילני היה לי לצור מעוז לבית מצודות להושיעני׃
3Sapagka't ikaw ang aking malaking bato, at aking kuta; alangalang nga sa iyong pangalan ay pangunahan mo ako, at patnubayan mo ako.
3כי סלעי ומצודתי אתה ולמען שמך תנחני ותנהלני׃
4Hugutin mo ako sa silo na kanilang inilagay na lihim ukol sa akin; sapagka't ikaw ang aking katibayan.
4תוציאני מרשת זו טמנו לי כי אתה מעוזי׃
5Sa iyong kamay ay inihabilin ko ang aking diwa; iyong tinubos ako, Oh Panginoon, ikaw na Dios ng katotohanan.
5בידך אפקיד רוחי פדיתה אותי יהוה אל אמת׃
6Aking pinagtataniman ang nangagmamasid ng mga walang kabuluhang karayaan: nguni't tumitiwala ako sa Panginoon.
6שנאתי השמרים הבלי שוא ואני אל יהוה בטחתי׃
7Ako'y matutuwa at magagalak sa iyong kagandahang-loob: sapagka't iyong nakita ang aking kadalamhatian: iyong nakilala ang aking kaluluwa sa mga kasakunaan:
7אגילה ואשמחה בחסדך אשר ראית את עניי ידעת בצרות נפשי׃
8At hindi mo kinulong sa kamay ng kaaway; iyong inilagay ang aking mga paa sa maluwag na dako.
8ולא הסגרתני ביד אויב העמדת במרחב רגלי׃
9Maawa ka sa akin, Oh Panginoon, sapagka't ako'y nasa kahirapan: ang aking mata ay namumugto sa kapanglawan, oo, ang aking kaluluwa, at aking katawan.
9חנני יהוה כי צר לי עששה בכעס עיני נפשי ובטני׃
10Sapagka't ang aking buhay ay napupugnaw sa kapanglawan, at ang aking mga taon ay sa pagbubuntong hininga: ang aking lakas ay nanglulupaypay dahil sa aking kasamaan, at ang aking mga buto ay nangangatog.
10כי כלו ביגון חיי ושנותי באנחה כשל בעוני כחי ועצמי עששו׃
11Dahil sa lahat ng aking mga kaaway ay naging kaduwahagihan ako, Oo, lubha nga sa aking mga kapuwa, at takot sa aking mga kakilala: silang nangakakita sa akin sa labas ay tinakasan ako.
11מכל צררי הייתי חרפה ולשכני מאד ופחד למידעי ראי בחוץ נדדו ממני׃
12Ako'y nilimot sa pagiisip na parang patay na tao: Ako'y parang basag na sisidlan.
12נשכחתי כמת מלב הייתי ככלי אבד׃
13Sapagka't aking narinig ang paninirang puri ng marami, kakilabutan sa bawa't dako. Samantalang sila'y nagsasangguniang magkakasama laban sa akin, kanilang pinagsisikapang alisin ang aking buhay.
13כי שמעתי דבת רבים מגור מסביב בהוסדם יחד עלי לקחת נפשי זממו׃
14Nguni't tumiwala ako sa iyo, Oh Panginoon: aking sinabi: Ikaw ay aking Dios.
14ואני עליך בטחתי יהוה אמרתי אלהי אתה׃
15Ang aking mga kapanahunan ay nasa iyong kamay: iligtas mo ako sa kamay ng aking mga kaaway, at sa mga nagsisiusig sa akin.
15בידך עתתי הצילני מיד אויבי ומרדפי׃
16Iyong pasilangin ang iyong mukha sa iyong lingkod: iligtas mo ako ng iyong kagandahang-loob.
16האירה פניך על עבדך הושיעני בחסדך׃
17Huwag nawa akong mapahiya, Oh Panginoon; sapagka't ako'y tumawag sa iyo: mapahiya nawa ang masama, magsitahimik nawa sila sa Sheol.
17יהוה אל אבושה כי קראתיך יבשו רשעים ידמו לשאול׃
18Matahimik nawa ang mga sinungaling na labi; na nangagsasalita laban sa matuwid ng kalasuwaan, ng kapalaluan at paghamak.
18תאלמנה שפתי שקר הדברות על צדיק עתק בגאוה ובוז׃
19Oh pagkadakila ng iyong kabutihan, na iyong iningatan para sa kanila na nangatatakot sa iyo, na iyong ginawa sa kanila na nagsisipagkanlong sa iyo, sa harap ng mga anak ng mga tao!
19מה רב טובך אשר צפנת ליראיך פעלת לחסים בך נגד בני אדם׃
20Sa lihim ng iyong harapan ay iyong ikukubli sila sa mga banta ng mga tao: iyong iingatan silang lihim sa kulandong mula sa mga talas ng mga dila.
20תסתירם בסתר פניך מרכסי איש תצפנם בסכה מריב לשנות׃
21Purihin ang Panginoon: sapagka't ipinakilala niya sa akin ang kaniyang kagilagilalas na kagandahang-loob sa isang matibay na bayan.
21ברוך יהוה כי הפליא חסדו לי בעיר מצור׃
22Tungkol sa akin, sinabi ko sa aking pagmamadali, nahiwalay ako sa harap ng iyong mga mata: gayon ma'y dininig mo ang tinig ng aking mga pamanhik, nang ako'y dumaing sa iyo.
22ואני אמרתי בחפזי נגרזתי מנגד עיניך אכן שמעת קול תחנוני בשועי אליך׃
23Oh ibigin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga banal niya: pinalalagi ng Panginoon ang tapat, at pinanghihigantihang lubos ang manggagawang palalo.
23אהבו את יהוה כל חסידיו אמונים נצר יהוה ומשלם על יתר עשה גאוה׃
24Kayo'y mangagpakalakas, at mangagdalang tapang ang inyong puso, kayong lahat na nagsisiasa sa Panginoon.
24חזקו ויאמץ לבבכם כל המיחלים ליהוה׃