Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Psalms

43

1Hatulan mo ako, Oh Dios, at ipagsanggalang mo ang aking usap laban sa masamang bansa: Oh iligtas mo ako sa magdaraya at hindi ganap na tao.
1שפטני אלהים וריבה ריבי מגוי לא חסיד מאיש מרמה ועולה תפלטני׃
2Sapagka't ikaw ang Dios ng aking kalakasan; bakit mo ako itinakuwil? Bakit ako yumayaong tumatangis dahil sa pagpighati ng kaaway?
2כי אתה אלהי מעוזי למה זנחתני למה קדר אתהלך בלחץ אויב׃
3Oh suguin mo ang iyong liwanag at ang iyong katotohanan; patnubayan nawa nila ako: dalhin nawa nila ako sa iyong banal na bundok, at sa iyong mga tabernakulo.
3שלח אורך ואמתך המה ינחוני יביאוני אל הר קדשך ואל משכנותיך׃
4Kung magkagayo'y paparoon ako sa dambana ng Dios, sa Dios na aking malabis na kagalakan: at sa alpa ay pupuri ako sa iyo, Oh Dios, aking Dios.
4ואבואה אל מזבח אלהים אל אל שמחת גילי ואודך בכנור אלהים אלהי׃
5Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko? At bakit ka nababagabag sa loob ko? Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya, na siyang kagalingan ng aking mukha, at aking Dios.
5מה תשתוחחי נפשי ומה תהמי עלי הוחילי לאלהים כי עוד אודנו ישועת פני ואלהי׃