Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Psalms

5

1Pakinggan mo ang aking mga salita, Oh Panginoon, pakundanganan mo ang aking pagbubulaybulay.
1למנצח אל הנחילות מזמור לדוד אמרי האזינה יהוה בינה הגיגי׃
2Dinggin mo ang tinig ng aking daing, Hari ko, at Dios ko; sapagka't sa iyo'y dumadalangin ako.
2הקשיבה לקול שועי מלכי ואלהי כי אליך אתפלל׃
3Oh Panginoon, sa kinaumagaha'y didinggin mo ang aking tinig; sa kinaumagahan ay aayusin ko ang aking dalangin sa iyo, at magbabantay ako.
3יהוה בקר תשמע קולי בקר אערך לך ואצפה׃
4Sapagka't ikaw ay di isang Dios na may kaluguran sa kasamaan: ang masama ay hindi tatahang kasama mo.
4כי לא אל חפץ רשע אתה לא יגרך רע׃
5Ang hambog ay hindi tatayo sa iyong paningin: iyong kinapopootan ang lahat na mga manggagawa ng kalikuan.
5לא יתיצבו הוללים לנגד עיניך שנאת כל פעלי און׃
6Iyong lilipulin sila na nangagsasalita ng mga kabulaanan: kinayayamutan ng Panginoon ang taong mabangis at magdaraya,
6תאבד דברי כזב איש דמים ומרמה יתעב יהוה׃
7Nguni't sa ganang akin, sa kasaganaan ng iyong kagandahang-loob ay papasok ako sa iyong bahay; sa takot sa iyo ay sasamba ako sa dako ng iyong banal na templo.
7ואני ברב חסדך אבוא ביתך אשתחוה אל היכל קדשך ביראתך׃
8Patnubayan mo ako, Oh Panginoon, sa iyong katuwiran dahil sa aking mga kaaway; patagin mo ang iyong daan sa harapan ko.
8יהוה נחני בצדקתך למען שוררי הושר לפני דרכך׃
9Sapagka't walang pagtatapat sa kanilang bibig; ang kanilang kalooban ay tunay na kasamaan; ang kanilang lalamunan ay bukas na libingan; sila'y nanganunuya ng kanilang dila.
9כי אין בפיהו נכונה קרבם הוות קבר פתוח גרונם לשונם יחליקון׃
10Bigyan mong sala sila, Oh Dios; ibuwal mo sila sa kanilang sariling mga payo: palayasin mo sila sa karamihan ng kanilang mga pagsalangsang; Sapagka't sila'y nanganghimagsik laban sa iyo,
10האשימם אלהים יפלו ממעצותיהם ברב פשעיהם הדיחמו כי מרו בך׃
11Nguni't iyong pagalakin ang lahat na nagsisipagkanlong sa iyo, pahiyawin mo nawa sila sa kagalakan magpakailan man, sapagka't iyong ipinagsasanggalang sila: mangagalak nawa rin sa iyo ang nagsisiibig ng iyong pangalan.
11וישמחו כל חוסי בך לעולם ירננו ותסך עלימו ויעלצו בך אהבי שמך׃
12Sapagka't iyong pagpapalain ang matuwid; Oh Panginoon, lilibirin mo siya ng paglingap na gaya ng isang kalasag.
12כי אתה תברך צדיק יהוה כצנה רצון תעטרנו׃