Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Psalms

62

1Sa Dios lamang naghihintay ng tahimik ang aking kaluluwa: sa kaniya galing ang aking kaligtasan.
1למנצח על ידותון מזמור לדוד אך אל אלהים דומיה נפשי ממנו ישועתי׃
2Siya lamang ang aking kanlungan at aking kaligtasan: siya ang aking matayog na moog; hindi ako lubhang makikilos.
2אך הוא צורי וישועתי משגבי לא אמוט רבה׃
3Hanggang kailan maghahaka kayo ng masama laban sa isang tao. Upang patayin siya ninyong lahat, na gaya ng pader na tumagilid, o bakod na nabubuwal?
3עד אנה תהותתו על איש תרצחו כלכם כקיר נטוי גדר הדחויה׃
4Sila'y nagsisisangguni lamang upang ibagsak siya sa kaniyang karilagan; sila'y natutuwa sa mga kasinungalingan: sila'y nagsisibasbas ng kanilang bibig, nguni't nanganunumpa sa loob. (Selah)
4אך משאתו יעצו להדיח ירצו כזב בפיו יברכו ובקרבם יקללו סלה׃
5Kaluluwa ko, maghintay kang tahimik sa Dios lamang; sapagka't ang aking pagasa ay mula sa kaniya.
5אך לאלהים דומי נפשי כי ממנו תקותי׃
6Siya lamang ang aking malaking bato at aking kaligtasan: siya'y aking matayog na moog; hindi ako makikilos.
6אך הוא צורי וישועתי משגבי לא אמוט׃
7Nasa Dios ang aking kaligtasan at aking kaluwalhatian; ang malaking bato ng aking kalakasan, at ang kanlungan ko'y nasa Dios.
7על אלהים ישעי וכבודי צור עזי מחסי באלהים׃
8Magsitiwala kayo sa kaniya buong panahon, kayong mga bayan; buksan ninyo ang inyong dibdib sa harap niya; Dios ay kanlungan sa atin. (Selah)
8בטחו בו בכל עת עם שפכו לפניו לבבכם אלהים מחסה לנו סלה׃
9Tunay na walang kabuluhan ang mga taong may mababang kalagayan, at ang mga taong may mataas na kalagayan ay kabulaanan: sa mga timbangan ay sasampa sila; silang magkakasama ay lalong magaan kay sa walang kabuluhan.
9אך הבל בני אדם כזב בני איש במאזנים לעלות המה מהבל יחד׃
10Huwag kang tumiwala sa kapighatian, at huwag maging walang kabuluhan sa pagnanakaw: kung ang mga kayamanan ay lumago, huwag ninyong paglalagakan ng inyong puso.
10אל תבטחו בעשק ובגזל אל תהבלו חיל כי ינוב אל תשיתו לב׃
11Ang Dios ay nagsalitang minsan, makalawang aking narinig ito; na ang kapangyarihan ay ukol sa Dios:
11אחת דבר אלהים שתים זו שמעתי כי עז לאלהים׃
12Sa iyo naman, Oh Panginoon, ukol ang kagandahang-loob: sapagka't ikaw ay nagbabayad sa bawa't tao ayon sa kaniyang gawa.
12ולך אדני חסד כי אתה תשלם לאיש כמעשהו׃