1Oh Panginoon, aming Panginoon, pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa! na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit.
1למנצח על הגתית מזמור לדוד יהוה אדנינו מה אדיר שמך בכל הארץ אשר תנה הודך על השמים׃
2Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan, dahil sa iyong mga kaaway, upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti.
2מפי עוללים וינקים יסדת עז למען צורריך להשבית אויב ומתנקם׃
3Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri, ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos;
3כי אראה שמיך מעשי אצבעתיך ירח וכוכבים אשר כוננתה׃
4Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?
4מה אנוש כי תזכרנו ובן אדם כי תפקדנו׃
5Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios, at pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.
5ותחסרהו מעט מאלהים וכבוד והדר תעטרהו׃
6Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay; iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa:
6תמשילהו במעשי ידיך כל שתה תחת רגליו׃
7Lahat na tupa at baka, Oo, at ang mga hayop sa parang;
7צנה ואלפים כלם וגם בהמות שדי׃
8Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat.
8צפור שמים ודגי הים עבר ארחות ימים׃
9Oh Panginoon, aming Panginoon, pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!
9יהוה אדנינו מה אדיר שמך בכל הארץ׃