Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Psalms

83

1Oh Dios, huwag kang tumahimik: huwag kang mapayapa, at tumiwasay, Oh Dios.
1שיר מזמור לאסף אלהים אל דמי לך אל תחרש ואל תשקט אל׃
2Sapagka't narito, ang mga kaaway mo'y nanggugulo: at silang nangagtatanim sa iyo ay nangagtaas ng ulo.
2כי הנה אויביך יהמיון ומשנאיך נשאו ראש׃
3Sila'y nagsisitanggap ng payong may katusuhan laban sa iyong bayan, at nangagsanggunian laban sa iyong nangakakubli.
3על עמך יערימו סוד ויתיעצו על צפוניך׃
4Kanilang sinabi, Kayo'y parito, at atin silang ihiwalay sa pagkabansa; upang ang pangalan ng Israel ay huwag nang maalaala pa.
4אמרו לכו ונכחידם מגוי ולא יזכר שם ישראל עוד׃
5Sapagka't sila'y nangagsangguniang magkakasama na may isang pagkakaayon; laban sa iyo ay nangagtitipanan:
5כי נועצו לב יחדו עליך ברית יכרתו׃
6Ang mga tolda ng Edom at ng mga Ismaelita; ang Moab at ang mga Agareno;
6אהלי אדום וישמעאלים מואב והגרים׃
7Ang Gebal, at ang Ammon, at ang Amalec; ang Filisteo na kasama ng mga taga Tiro:
7גבל ועמון ועמלק פלשת עם ישבי צור׃
8Pati ng Asiria ay nalalakip sa kanila; kanilang tinulungan ang mga anak ni Lot.
8גם אשור נלוה עמם היו זרוע לבני לוט סלה׃
9Gumawa ka sa kanila ng gaya sa Madianita; gaya kay Sisara, gaya kay Jabin, sa ilog ng Cison:
9עשה להם כמדין כסיסרא כיבין בנחל קישון׃
10Na nangamatay sa Endor; sila'y naging parang dumi sa lupa.
10נשמדו בעין דאר היו דמן לאדמה׃
11Gawin mo ang kanilang mga maginoo na gaya ni Oreb at ni Zeeb; Oo, lahat nilang mga pangulo ay gaya ni Zeba at ni Zalmuna;
11שיתמו נדיבמו כערב וכזאב וכזבח וכצלמנע כל נסיכמו׃
12Na siyang nagsipagsabi, kunin natin para sa atin na pinakaari ang mga tahanan ng Dios.
12אשר אמרו נירשה לנו את נאות אלהים׃
13Oh Dios ko, gawin mo silang parang ipoipong alabok; Parang dayami sa harap ng hangin.
13אלהי שיתמו כגלגל כקש לפני רוח׃
14Parang apoy na sumusunog ng gubat, at parang liyab na nanunupok ng mga bundok;
14כאש תבער יער וכלהבה תלהט הרים׃
15Kaya't habulin mo sila ng iyong bagyo, at pangilabutin mo sila ng iyong unos.
15כן תרדפם בסערך ובסופתך תבהלם׃
16Lipusin mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan; upang hanapin nila ang iyong pangalan, Oh Panginoon.
16מלא פניהם קלון ויבקשו שמך יהוה׃
17Mangapahiya sila at manganglupaypay magpakailan man; Oo, mangahiya sila at mangalipol:
17יבשו ויבהלו עדי עד ויחפרו ויאבדו׃
18Upang kanilang maalaman na ikaw lamang, na ang pangalan ay JEHOVA, ay Kataastaasan sa buong lupa.
18וידעו כי אתה שמך יהוה לבדך עליון על כל הארץ׃