1At ang salita ng Panginoon ng mga hukbo ay dumating sa akin, na nagsasabi,
1ויהי דבר יהוה צבאות לאמר׃
2Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ako'y may paninibugho sa Sion ng malaking paninibugho, at ako'y may paninibugho sa kaniya ng malaking poot.
2כה אמר יהוה צבאות קנאתי לציון קנאה גדולה וחמה גדולה קנאתי לה׃
3Ganito ang sabi ng Panginoon, Ako'y nagbalik sa Sion, at tatahan ako sa gitna ng Jerusalem: at ang Jerusalem ay tatawagin, Bayan ng katotohanan; at ang bundok ng Panginoon ng mga hukbo, Ang banal na bundok.
3כה אמר יהוה שבתי אל ציון ושכנתי בתוך ירושלם ונקראה ירושלם עיר האמת והר יהוה צבאות הר הקדש׃
4Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Tatahanan pa ng mga matandang lalake at babae ang mga lansangan ng Jerusalem, bawa't tao na may kaniyang tungkod sa kaniyang kamay dahil sa totoong katandaan.
4כה אמר יהוה צבאות עד ישבו זקנים וזקנות ברחבות ירושלם ואיש משענתו בידו מרב ימים׃
5At ang mga lansangan ng bayan ay mapupuno ng mga batang lalake at babae na naglalaro sa mga lansangan niyaon.
5ורחבות העיר ימלאו ילדים וילדות משחקים ברחבתיה׃
6Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kung maging kagilagilalas sa mga mata ng nalabi sa bayang ito sa mga araw na yaon, magiging kagilagilalas din naman baga sa aking mga mata? sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
6כה אמר יהוה צבאות כי יפלא בעיני שארית העם הזה בימים ההם גם בעיני יפלא נאם יהוה צבאות׃
7Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking ililigtas ang aking bayan sa lupaing silanganan at sa lupaing kalunuran;
7כה אמר יהוה צבאות הנני מושיע את עמי מארץ מזרח ומארץ מבוא השמש׃
8At aking dadalhin sila, at sila'y magsisitahan sa gitna ng Jerusalem; at sila'y magiging aking bayan, at ako'y magiging kanilang Dios, sa katotohanan at sa katuwiran.
8והבאתי אתם ושכנו בתוך ירושלם והיו לי לעם ואני אהיה להם לאלהים באמת ובצדקה׃
9Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Inyong palakasin ang inyong mga kamay, ninyong nangakakarinig sa mga araw na ito ng mga salitang ito sa bibig ng mga propeta, mula nang araw na ilagay ang tatagang-baon sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo, sa templo, upang matayo.
9כה אמר יהוה צבאות תחזקנה ידיכם השמעים בימים האלה את הדברים האלה מפי הנביאים אשר ביום יסד בית יהוה צבאות ההיכל להבנות׃
10Sapagka't bago dumating ang mga araw na yaon ay walang upa sa tao, ni anomang upa sa hayop; at wala ring anomang kapayapaan doon sa lumalabas o pumapasok dahil sa kaaway: sapagka't aking inilagay ang lahat na tao na bawa't isa'y laban sa kaniyang kapuwa.
10כי לפני הימים ההם שכר האדם לא נהיה ושכר הבהמה איננה וליוצא ולבא אין שלום מן הצר ואשלח את כל האדם איש ברעהו׃
11Nguni't ngayo'y sa nalabi sa bayang ito ay hindi ako magiging gaya ng mga unang araw, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
11ועתה לא כימים הראשנים אני לשארית העם הזה נאם יהוה צבאות׃
12Sapagka't magkakaroon ng binhi ng kapayapaan; ang puno ng ubas ay magbubunga, at ang lupa'y mapapakinabangan, at ibibigay ng langit ang kaniyang hamog; at aking ipamamana sa nalabi sa bayang ito ang lahat na bagay na ito.
12כי זרע השלום הגפן תתן פריה והארץ תתן את יבולה והשמים יתנו טלם והנחלתי את שארית העם הזה את כל אלה׃
13At mangyayari, na kung paanong kayo'y naging isang sumpa sa gitna ng mga bansa, Oh sangbahayan ni Juda, at sangbahayan ni Israel, gayon ko kayo ililigtas, at kayo'y magiging isang kapalaran. Huwag kayong mangatakot, kundi inyong palakasin ang inyong mga kamay.
13והיה כאשר הייתם קללה בגוים בית יהודה ובית ישראל כן אושיע אתכם והייתם ברכה אל תיראו תחזקנה ידיכם׃
14Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kung paanong inisip kong gawan kayo ng masama, nang mungkahiin ako ng inyong mga magulang sa poot, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at hindi ako nagsisi;
14כי כה אמר יהוה צבאות כאשר זממתי להרע לכם בהקציף אבתיכם אתי אמר יהוה צבאות ולא נחמתי׃
15Gayon ko uli inisip sa mga araw na ito na gawan ng mabuti ang Jerusalem at ang sangbahayan ni Juda: huwag kayong mangatakot.
15כן שבתי זממתי בימים האלה להיטיב את ירושלם ואת בית יהודה אל תיראו׃
16Ito ang mga bagay na inyong gagawin, Magsalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa; humatol kayo ng katotohanan at kapayapaan sa inyong mga pintuang-bayan;
16אלה הדברים אשר תעשו דברו אמת איש את רעהו אמת ומשפט שלום שפטו בשעריכם׃
17At huwag magisip ang sinoman sa inyo ng kasamaan sa inyong puso laban sa kaniyang kapuwa; at huwag ninyong ibigin ang sinungaling na sumpa: sapagka't ang lahat ng ito ay mga bagay na aking kinapopootan, sabi ng Panginoon.
17ואיש את רעת רעהו אל תחשבו בלבבכם ושבעת שקר אל תאהבו כי את כל אלה אשר שנאתי נאם יהוה׃
18At ang salita ng Panginoon ng mga hukbo ay dumating sa akin, na nagsasabi,
18ויהי דבר יהוה צבאות אלי לאמר׃
19Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang ayuno sa ikaapat na buwan, at ang ayuno sa ikalima, at ang ayuno sa ikapito, at ang ayuno sa ikasangpu, ay magiging sa sangbahayan, ni Juda'y kagalakan at kaligayahan, at mga masayang kapistahan; kaya't inyong ibigin ang katotohanan at kapayapaan.
19כה אמר יהוה צבאות צום הרביעי וצום החמישי וצום השביעי וצום העשירי יהיה לבית יהודה לששון ולשמחה ולמעדים טובים והאמת והשלום אהבו׃
20Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Mangyayari pa, na darating ang mga bansa, at ang nagsisitahan sa maraming bayan;
20כה אמר יהוה צבאות עד אשר יבאו עמים וישבי ערים רבות׃
21At ang nagsisitahan sa isang bayan ay paroroon sa isa, na magsasabi, Magsiparoon tayong madali, na ating hilingin ang lingap ng Panginoon, at hanapin ang Panginoon ng mga hukbo; ako man ay paroroon.
21והלכו ישבי אחת אל אחת לאמר נלכה הלוך לחלות את פני יהוה ולבקש את יהוה צבאות אלכה גם אני׃
22Oo, maraming bansa at mga matibay na bansa ay magsisiparoon upang hanapin ang Panginoon ng mga hukbo sa Jerusalem, at hilingin ang lingap ng Panginoon.
22ובאו עמים רבים וגוים עצומים לבקש את יהוה צבאות בירושלם ולחלות את פני יהוה׃
23Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Sa mga araw na yao'y mangyayari, na sangpung lalake sa lahat ng wika sa mga bansa ay magtatanganan, sila nga'y magsisitangan sa laylayan niya na Judio, na mangagsasabi, Kami ay magsisiyaong kasama mo, sapagka't aming narinig na ang Dios ay kasama mo.
23כה אמר יהוה צבאות בימים ההמה אשר יחזיקו עשרה אנשים מכל לשנות הגוים והחזיקו בכנף איש יהודי לאמר נלכה עמכם כי שמענו אלהים עמכם׃