1Nang magkagayo'y lumapit sa akin ang ilan sa mga matanda sa Israel, at nangaupo sa harap ko.
1És jövének hozzám férfiak Izráel vénei közül, és leülének én elõttem.
2At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin na nagsasabi,
2És lõn az Úrnak beszéde hozzám, mondván:
3Anak ng tao, tinaglay ng mga lalaking ito ang kanilang mga diosdiosan sa kanilang puso, at inilagay ang katitisuran ng kanilang kasamaan sa harap ng kanilang mukha: dapat bagang sanggunian nila ako?
3Embernek fia! Ezek a férfiak fölvették bálványaikat szívökbe, és vétkeik botránkozását orczáik elé állították. Vajjon engedjem-é, hogy megkérdezzenek engem?
4Kaya't salitain mo sa kanila, at sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Bawa't tao sa sangbahayan ni Israel na nagtataglay ng kaniyang mga diosdiosan sa kaniyang puso, at naglalagay ng katitisuran ng kaniyang kasamaan sa harap ng kaniyang mukha, at naparoroon sa propeta; akong Panginoon ay sasagot sa kaniya roon ng ayon sa karamihan ng kaniyang mga diosdiosan;
4Ezokáért szólj velök, és mondjad nékik: Ezt mondja az Úr Isten: Valaki az Izráel házából bálványait szívébe fölveszi, és vétkének botránkozását teszi orczái elé, és megy a prófétához: én, az Úr felelek meg annak énmagam által bálványainak sokasága miatt;
5Upang aking makuha ang sangbahayan ni Israel sa kanilang sariling puso sapagka't silang lahat ay nagsilayo sa akin dahil sa kanilang mga diosdiosan.
5Hogy megragadjam Izráel házát az õ szívökben, a kik elfordultak tõlem bálványaik miatt mindnyájan.
6Kaya't sabihin mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Mangagbalik-loob kayo, at kayo'y magsitalikod sa inyong mga diosdiosan; at ihiwalay ninyo ang inyong mga mukha sa lahat ninyong kasuklamsuklam.
6Ezokáért mondjad Izráel házának: Ezt mondja az Úr Isten: Térjetek meg, és forduljatok el bálványaitoktól és minden útálatosságtoktól fordítsátok el orczátokat.
7Sapagka't bawa't tao sa sangbahayan ni Israel, o sa mga taga ibang lupa na nangananahan sa Israel, na humihiwalay ng kaniyang sarili sa akin, at nagtataglay ng kaniyang mga diosdiosan sa kaniyang puso, at naglalagay ng katitisuran ng kaniyang kasamaan sa harap ng kaniyang mukha, at naparoroon sa propeta upang magusisa sa akin tungkol sa kaniyang sarili; akong Panginoon ang sasagot sa kaniya:
7Mert valaki az Izráel házából és a jövevények közül, a kik Izráelben laknak, elhajlik tõlem, és az õ bálványait veszi föl szívébe, és vétkének botránkozását teszi orczája elé, és megyen a prófétához, hogy ez tanácsot kérjen õ néki én tõlem: én, az Úr felelek meg annak énmagam által;
8At aking ititingin ang aking mukha laban sa taong yaon, at aking gagawin siyang katigilan, na pinakatanda at pinaka kawikaan, at aking ihihiwalay siya sa gitna ng aking bayan; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
8És ellene fordítom orczámat annak a férfiúnak, és vetem õt jegyül és közbeszédül, és kiirtom népem közül, és megtudjátok, hogy én vagyok az Úr!
9At kung ang propeta ay madaya at magsalita ng isang salita, akong Panginoon ang dumaya sa propetang yaon, at aking iuunat ang aking kamay sa kaniya, at papatayin ko siya mula sa gitna ng aking bayang Israel.
9Ha pedig a próféta megtéveszteni engedi magát, hogy kijelentést adjon: én, az Úr tévesztettem meg azt a prófétát; és kinyújtom kezemet ellene, és kivesztem õt az én népem, Izráel közül.
10At kanilang dadanasin ang kanilang kasamaan: ang kasamaan ng propeta ay magiging gaya nga ng kasamaan niya na humahanap sa kaniya;
10És viselik vétköket; a milyen a kérdezõ vétke, olyan legyen a próféta vétke is.
11Upang ang sangbahayan ni Israel ay huwag nang maligaw pa sa akin, o mahawa pa man sa lahat nilang pagsalangsang; kundi upang sila'y maging aking bayan, at ako'y maging kanilang Dios, sabi ng Panginoong Dios.
11Azért, hogy el ne tévelyedjék többé Izráel háza én tõlem, és többé meg ne fertéztessék magokat minden õ elszakadásukkal, hanem legyenek az én népem és én legyek Istenök, ezt mondja az Úr Isten.
12At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
12És lõn az Úr beszéde hozzám, mondván:
13Anak ng tao, pagka ang isang lupain ay nagkasala laban sa akin ng pagsalangsang, at aking iniunat ang aking kamay roon, at aking binali ang tungkod ng tinapay niyaon, at nagsugo ako ng kagutom doon, at aking inihiwalay roon ang tao at hayop;
13Embernek fia! ha valamely ország vétkeznék ellenem, elpártolván tõlem, és én kinyújtván kezemet ellene, eltörném néki a kenyérnek botját, és bocsátanék reá éhséget, és kiirtanék belõle embert és barmot;
14Bagaman ang tatlong lalaking ito, na si Noe, si Daniel at si Job, ay nangandoon, ang kanila lamang ililigtas ay ang kanilang sariling mga kaluluwa, sa pamamagitan ng kanilang katuwiran, sabi ng Panginoong Dios.
14És ha volna ez a három férfiú benne: Noé, Dániel és Jób: akkor õk az õ igazságukkal a magok lelkét megszabadítanák, azt mondja az Úr Isten.
15Kung aking paraanin ang mga mabangis na hayop sa lupain, at kanilang sirain, at ito'y magiba na anopa't walang taong makadaan dahil sa mga hayop;
15Ha gonosz vadállatokat bocsátanék át az országon, hogy azt gyermektelenné tegyék, és az pusztává lenne, a melyen senki át nem menne a vadállatok miatt:
16Bagaman ang tatlong lalaking ito ay nangandoon, buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi sila mangagliligtas ng mga anak na lalake o babae man; sila lamang ang maliligtas, nguni't ang lupain ay masisira.
16Benne ama három férfiú (élek én, az Úr Isten mondja) sem fiakat, sem leányokat meg nem szabadítana, csak magokat szabadítanák meg, az ország pedig pusztává lenne.
17O kung ako'y magpasapit ng tabak sa lupaing yaon, at aking sabihin, Tabak, dumaan ka sa lupain; na anopa't aking ihiwalay roon ang tao at hayop;
17Avagy ha fegyvert hoznék amaz országra, és mondanám: fegyver, menj át ez országon! és kiirtanék belõle embert és barmot,
18Bagaman ang tatlong lalaking ito ay nangandoon, buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, sila'y hindi mangagliligtas ng mga anak na lalake o babae man, kundi sila lamang ang maliligtas.
18És ama három férfiú benne volna, élek én, az Úr Isten mondja, nem szabadítana meg sem fiakat, sem leányokat, hanem csak magokat szabadítanák meg.
19O kung ako'y magsugo ng salot sa lupaing yaon, at aking ibugso ang aking kapusukan sa kaniya na may kabagsikan, upang ihiwalay ang tao't hayop;
19Avagy ha döghalált bocsátanék arra az országra, és kiönteném búsulásomat reá vérben, hogy kiirtsak belõle embert és barmot,
20Bagaman si Noe, si Daniel, at si Job, ay nangandoon, buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi sila mangagliligtas ng mga anak na lalake o babae man; ang kanila lamang ililigtas ay ang kanilang sariling kaluluwa sa pamamagitan ng kanilang katuwiran.
20S Noé, Dániel és Jób benne volna: élek én, az Úr Isten mondja, nem szabadítanának meg sem fiat, sem leányt; õk igazságukkal csak a magok lelkét szabadítanák meg.
21Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Gaano pa nga kaya kung aking pasapitin ang aking apat na mahigpit na kahatulan sa Jerusalem, ang tabak, at ang kagutom, at ang mabangis na hayop, at ang salot, upang ihiwalay roon ang tao at hayop?
21Mert így szól az Úr Isten: Mennyivel inkább, ha e négy nehéz ítéletemet: a fegyvert, éhséget, vadállatot és döghalált bocsátom Jeruzsálemre, hogy kiirtsak belõle embert és barmot!
22Gayon ma'y, narito, doo'y maiiwan ang isang nalabi na ilalabas, mga anak na lalake at sangpu ng babae: narito, kanilang lalabasin kayo, at inyong makikita ang kanilang mga lakad at ang kanilang mga gawa; at kayo'y mangaaaliw tungkol sa kasamaan na aking pinasapit sa Jerusalem, tungkol sa lahat na aking pinasapit doon.
22Ímé, megmaradnak benne némely menekültek, a kiket kivezetnek, fiak és leányok; ímé õk kimennek hozzátok, hogy lássátok útjokat és cselekedeteiket, és vígasztalást vegyetek a veszedelembõl, melyet Jeruzsálemre hoztam, mindarra nézve, a mit hoztam reá.
23At kanilang aaliwin kayo pagka nakikita ninyo ang kanilang lakad at ang kanilang mga gawa at inyong makikilala na hindi ko ginawang walang kadahilanan ang lahat na aking ginawa roon, sabi ng Panginoong Dios.
23És megvígasztalnak titeket, ha látjátok útjokat és cselekedeteiket megismeritek, hogy nem hiába cselekedtem mindazt, a mit cselekedtem vele, ezt mondja az Úr Isten.