Tagalog 1905

Italian: Riveduta Bible (1927)

2 Kings

3

1Si Joram nga na anak ni Achab ay nagpasimulang maghari sa Israel sa Samaria nang ikalabing walong taon ni Josaphat na hari sa Juda, at nagharing labing dalawang taon.
1Or Jehoram, figliuolo di Achab, cominciò a regnare sopra Israele a Samaria l’anno decimottavo di Giosafat, re di Giuda, e regnò dodici anni.
2At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon; nguni't hindi gaya ng kaniyang ama, at ng kaniyang ina: sapagka't kaniyang inalis ang haligi na pinakaalaala kay Baal na ginawa ng kaniyang ama.
2Egli fece ciò ch’è male agli occhi dell’Eterno; ma non quanto suo padre e sua madre, perché tolse via la statua di Baal, che suo padre avea fatta.
3Gayon ma'y lumakip siya sa mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na ipinagkasala niya sa Israel; hindi niya hiniwalayan.
3Nondimeno egli rimase attaccato ai peccati coi quali Geroboamo figliuolo di Nebat, aveva fatto peccare Israele; e non se ne distolse.
4Si Mesa nga na hari sa Moab ay may mga tupa; at siya'y nagbubuwis sa hari sa Israel ng balahibo ng isang daang libong kordero at ng isang daang libong lalaking tupa.
4Or Mesha, re di Moab, allevava molto bestiame e pagava al re d’Israele un tributo di centomila agnelli e centomila montoni con le loro lane.
5Nguni't nangyari nang mamatay si Achab, na ang hari sa Moab ay nanghimagsik laban sa hari sa Israel.
5Ma, morto che fu Achab, il re di Moab si ribellò al re d’Israele.
6At ang haring Joram ay lumabas sa Samaria nang panahong yaon, at hinusay ang buong Israel.
6Allora il re Jehoram uscì di Samaria e passò in rassegna tutto Israele;
7At siya'y yumaon, at nagsugo kay Josaphat na hari sa Juda, na nagsasabi, Ang hari sa Moab ay nanghimagsik laban sa akin: yayaong ka ba na kasama ko laban sa Moab upang bumaka? At kaniyang sinabi, Ako'y aahon: ako'y gaya mo, ang aking bayan ay gaya ng iyong bayan, ang aking mga kabayo ay gaya ng iyong mga kabayo.
7poi si mise in via, e mandò a dire a Giosafat, re di Giuda: "Il re di Moab mi si è ribellato; vuoi tu venire con me alla guerra contro Moab?" Quegli rispose: "Verrò; fa’ conto di me come di te stesso, del mio popolo come del tuo, de’ miei cavalli come dei tuoi.
8At kaniyang sinabi, Sa aling daan magsisiahon tayo? At siya'y sumagot, Sa daan ng ilang ng Edom.
8E soggiunse: "Per che via saliremo?" Jehoram rispose: "Per la via del deserto di Edom".
9Sa gayo'y yumaon ang hari sa Israel, at ang hari sa Juda, at ang hari sa Edom: at sila'y nagsiligid ng pitong araw na paglalakbay; at walang tubig para sa hukbo, o sa mga hayop man na nagsisisunod sa kanila.
9Così il re d’Israele, il re di Giuda e il re di Edom si mossero; e dopo aver girato a mezzodì con una marcia di sette giorni, mancò l’acqua all’esercito e alle bestie che gli andavan dietro.
10At sinabi ng hari sa Israel, Sa aba natin! sapagka't tinawag ng Panginoon ang tatlong haring ito na magkakasama upang ibigay sa kamay ng Moab.
10Allora il re d’Israele disse: "Ahimè, l’Eterno ha chiamati assieme questi tre re, per darli nelle mani di Moab!"
11Nguni't sinabi ni Josaphat, Wala ba ritong isang propeta ng Panginoon, upang tayo'y makapagusisa sa Panginoon sa pamamagitan niya? At isa sa mga lingkod ng hari sa Israel ay sumagot, at nagsabi, Si Eliseo na anak ni Saphat ay nandito na nagbuhos ng tubig sa mga kamay ni Elias.
11Ma Giosafat chiese: "Non v’ha egli qui alcun profeta dell’Eterno mediante il quale possiam consultare l’Eterno?" Uno dei servi del re d’Israele rispose: "V’è qui Eliseo, figliuolo di Shafat, il quale versava l’acqua sulle mani d’Elia". E Giosafat disse:
12At sinabi ni Josaphat, Ang salita ng Panginoon ay sumasa kaniya. Sa gayo'y binaba siya ng hari sa Israel, at ni Josaphat at ng hari sa Edom.
12"La parola dell’Eterno è con lui". Così il re d’Israele, Giosafat e il re di Edom andarono a trovarlo.
13At sinabi ni Eliseo sa hari sa Israel, Anong ipakikialam ko sa iyo? pumaroon ka sa mga propeta ng iyong ama, at sa mga propeta ng iyong ina. At sinabi ng hari sa Israel sa kaniya, Hindi; sapagka't tinawag ng Panginoon ang tatlong haring ito na magkakasama upang ibigay sila sa kamay ng Moab.
13Eliseo disse al re d’Israele: "Che ho io da far con te? Vattene ai profeti di tuo padre ed ai profeti di tua madre!" Il re d’Israele gli rispose: "No, perché l’Eterno ha chiamati insieme questi tre re per darli nelle mani di Moab".
14At sinabi ni Eliseo, Buhay ang Panginoon ng mga hukbo, na nakatayo ako sa harap niya, tunay na kung wala akong pagtingin sa harap ni Josaphat na hari sa Juda, hindi kita lilingapin, ni titingnan man.
14Allora Eliseo disse: "Com’è vero che vive l’Eterno degli eserciti al quale io servo, se non avessi rispetto a Giosafat, re di Giuda, io non avrei badato a te né t’avrei degnato d’uno sguardo.
15Nguni't ngayo'y dalhan ninyo ako ng isang manunugtog. At nangyari, nang ang manunugtog ay tumugtog, na ang kamay ng Panginoon ay suma kaniya.
15Ma ora conducetemi qua un sonatore d’arpa". E, mentre il sonatore arpeggiava, la mano dell’Eterno fu sopra Eliseo,
16At kaniyang sinabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, Punuin ninyo ang libis na ito ng mga hukay.
16che disse: "Così parla l’Eterno: Fate in questa valle delle fosse, delle fosse.
17Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo'y hindi makakakita ng hangin, ni kayo'y makakakita man ng ulan; gayon ma'y ang libis na yaon ay mapupuno ng tubig, at kayo'y iinom, kayo at gayon din ang inyong mga baka, at ang inyong mga hayop.
17Poiché così dice l’Eterno: Voi non vedrete vento, non vedrete pioggia, e nondimeno questa valle si riempirà d’acqua; e berrete voi, il vostro bestiame e le vostre bestie da tiro.
18At ito'y isang bagay na magaan sa paningin ng Panginoon: kaniya rin namang ibibigay ang mga Moabita sa inyong kamay.
18E questo è ancora poca cosa agli occhi dell’Eterno; perché egli darà anche Moab nelle vostre mani.
19At inyong sasaktan ang bawa't bayang nakukutaan, at ang bawa't piling bayan, at inyong ibubuwal ang bawa't mabuting punong kahoy, at inyong patitigilin ang lahat na bukal ng tubig, at inyong sisirain ng mga bato ang bawa't mabuting bahagi ng lupain.
19E voi distruggerete tutte le città fortificate e tutte le città ragguardevoli, abbatterete tutti i buoni alberi, turerete tutte le sorgenti d’acqua, e guasterete con delle pietre ogni buon pezzo di terra".
20At nangyari, sa kinaumagahan, sa may panahon ng paghahandog ng alay, na, narito, humuho ang tubig sa daan ng Edom, at ang lupain ay napuno ng tubig.
20La mattina dopo, nell’ora in cui s’offre l’oblazione, ecco che l’acqua arrivò dal lato di Edom e il paese ne fu ripieno.
21Nang mabalitaan nga ng lahat na Moabita na ang mga hari ay nagsiahon upang magsilaban sa kanila, ay nagpipisan silang lahat na makapagsasakbat ng sandata at hanggang sa katandatandaan, at nagsitayo sa hangganan.
21Ora tutti i Moabiti, avendo udito che quei re eran saliti per muover loro guerra, avevan radunato tutti quelli ch’erano in età di portare le armi, e occupavano la frontiera.
22At sila'y nagsibangong maaga nang kinaumagahan, at ang araw ay suminag sa tubig, at nakita ng mga Moabita ang tubig sa tapat nila na mapulang gaya ng dugo: at kanilang sinabi,
22La mattina, come furono alzati, il sole splendeva sulle acque, e i Moabiti videro, là dirimpetto a loro, le acque rosse come sangue;
23Ito'y dugo; ang mga hari ay walang pagsalang lipol, at sinaktan ng bawa't isa sa kanila ang kaniyang kasama: ngayon nga, Moab, sa pagsamsam.
23e dissero: "Quello è sangue! Quei re son di certo venuti alle mani fra loro e si son distrutti fra loro; or dunque, Moab, alla preda!"
24At nang sila'y dumating sa kampamento ng Israel, ang mga taga Israel ay nagsitindig, at sinaktan ang mga Moabita, na anopa't sila'y tumakas sa harap nila; at sila'y nagpatuloy sa lupain na sinasaktan ang mga Moabita.
24E si avanzarono verso il campo d’Israele; ma sorsero gl’Israeliti e sbaragliarono i Moabiti, che fuggirono d’innanzi a loro. Poi penetrarono nel paese, e continuarono a battere Moab.
25At kanilang giniba ang mga bayan at sa bawa't mabuting bahagi ng lupain ay naghagis ang bawa't tao ng kaniyang bato, at pinuno; at kanilang pinatigil ang lahat ng bukal ng tubig, at ibinuwal ang lahat na mabuting punong kahoy, hanggang sa Cir-hareseth lamang nagiwan ng mga bato niyaon; gayon ma'y kinubkob ng mga manghihilagpos, at sinaktan.
25Distrussero le città; ogni buon pezzo di terra lo riempirono di pietre, ciascuno gettandovi la sua; turarono tutte le sorgenti d’acque e abbatterono tutti i buoni alberi. Non rimasero che le mura di Kir-Hareseth, e i frombolieri la circondarono e l’attaccarono.
26At nang makita ng hari sa Moab na ang pagbabaka ay totoong malala sa ganang kaniya ay nagsama siya ng pitong daang lalake na nagsisihawak ng tabak, upang dumaluhong sa hari sa Edom: nguni't hindi nila nagawa.
26Il re di Moab, vedendo che l’attacco era troppo forte per lui, prese seco settecento uomini, per aprirsi, a spada tratta, un varco, fino al re di Edom; ma non poterono.
27Nang magkagayo'y kinuha niya ang kaniyang pinaka matandang anak na maghahari sana na kahalili niya, at inihandog niya na pinakahandog na susunugin sa ibabaw ng kuta. At nagkaroon ng malaking galit laban sa Israel: at kanilang nilisan siya, at bumalik sa kanilang sariling lupain.
27Allora prese il suo figliuolo primogenito, che dovea succedergli nel regno, e l’offerse in olocausto sopra le mura. A questa vista, un profondo orrore s’impadronì degli Israeliti, che s’allontanarono dal re di Moab e se ne tornarono al loro paese.