1Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,
1Allora Giobbe rispose e disse:
2Hanggang kailan pahihirapan ninyo ang aking kaluluwa, at babagabagin ako ng mga salita?
2"Fino a quando affliggerete l’anima mia e mi tormenterete coi vostri discorsi?
3Ng makasangpung ito ay pinulaan ninyo ako: kayo'y hindi nangapapahiya na nangagpapahirap sa akin.
3Son già dieci volte che m’insultate, e non vi vergognate di malmenarmi.
4At kahima't ako'y magkamali, ang aking kamalian ay maiwan sa aking sarili.
4Dato pure ch’io abbia errato, il mio errore concerne me solo.
5Kung tunay na kayo'y magpapakalaki laban sa akin, at ipakikipagtalo laban sa akin ang kakutyaan ko:
5Ma se proprio volete insuperbire contro di me e rimproverarmi la vergogna in cui mi trovo,
6Talastasin ninyo ngayon na inilugmok ako ng Dios, at inikid ako ng kaniyang silo.
6allora sappiatelo: chi m’ha fatto torto e m’ha avvolto nelle sue reti è Dio.
7Narito, ako'y humihiyaw dahil sa kamalian, nguni't hindi ako dinidinig; ako'y humihiyaw ng tulong, nguni't walang kahatulan.
7Ecco, io grido: "Violenza!" e nessuno risponde; imploro aiuto, ma non c’è giustizia!
8Kaniyang pinadiran ang aking daan upang huwag akong makaraan, at naglagay ng kadiliman sa aking mga landas.
8Dio m’ha sbarrato la via e non posso passare, ha coperto di tenebre il mio cammino.
9Hinubaran niya ako ng aking kaluwalhatian, at inalis ang putong sa aking ulo.
9M’ha spogliato della mia gloria, m’ha tolto dal capo la corona.
10Kaniyang inilugmok ako sa bawa't dako, at ako'y nananaw: at ang aking pagasa ay binunot niyang parang punong kahoy.
10M’ha demolito a brano a brano, e io me ne vo! ha sradicata come un albero la mia speranza.
11Kaniya rin namang pinapagalab ang kaniyang pagiinit laban sa akin, at ibinilang niya ako sa kaniya na gaya ng isa sa kaniyang mga kaaway,
11Ha acceso l’ira sua contro di me, e m’ha considerato come suo nemico.
12Ang kaniyang mga hukbo ay dumarating na magkakasama, at ipinagpatuloy ang kanilang lakad laban sa akin, at kinubkob ang palibot ng aking tolda.
12Le sue schiere son venute tutte insieme, si sono spianata la via fino a me, han posto il campo intorno alla mia tenda.
13Inilayo niya ang aking mga kapatid sa akin, at ang aking mga kakilala ay pawang nangiba sa akin.
13Egli ha allontanato da me i miei fratelli, i miei conoscenti si son del tutto alienati da me.
14Ang aking mga kamaganak ay nangagsilayo, at nilimot ako ng aking mga kasamasamang kaibigan.
14M’hanno abbandonato i miei parenti, gl’intimi miei m’hanno dimenticato.
15Silang nagsisitahan sa aking bahay, at ang aking mga lingkod na babae, ay ibinibilang akong manunuluyan; ako'y naging kaiba sa kanilang paningin.
15I miei domestici e le mie serve mi trattan da straniero; agli occhi loro io sono un estraneo.
16Aking tinatawag ang aking lingkod, at hindi ako sinasagot, bagaman sinasamo ko siya ng aking bibig.
16Chiamo il mio servo, e non risponde, devo supplicarlo con la mia bocca.
17Ang aking hininga ay iba sa aking asawa, at ang aking pamanhik sa mga anak ng tunay kong ina.
17Il mio fiato ripugna alla mia moglie, faccio pietà a chi nacque dal seno di mia madre.
18Pati ng mga bata ay humahamak sa akin; kung ako'y bumangon, sila'y nangagsasalita ng laban sa akin:
18Perfino i bimbi mi sprezzano; se cerco d’alzarmi mi scherniscono.
19Lahat ng aking mahal na kaibigan ay nangayayamot sa akin: at ang aking minamahal ay nagsipihit ng laban sa akin,
19Tutti gli amici più stretti m’hanno in orrore, e quelli che amavo mi si son vòlti contro.
20Ang aking buto ay dumidikit sa aking balat at sa aking laman, at ako'y nakatanan ng sukat sa balat ng aking mga ngipin.
20Le mie ossa stanno attaccate alla mia pelle, alla mia carne, non m’è rimasto che la pelle de’ denti.
21Mahabag kayo sa akin, mahabag kayo sa akin, Oh kayong mga kaibigan ko; sapagka't kinilos ako ng kamay ng Dios,
21Pietà, pietà di me, voi, miei amici! ché la man di Dio m’ha colpito.
22Bakit ninyo ako inuusig na gaya ng Dios. At hindi pa kayo nasisiyahan sa akin laman?
22Perché perseguitarmi come fa Dio? Perché non siete mai sazi della mia carne?
23Oh mangasulat nawa ngayon ang aking mga salita! Oh mangalagda nawa sa isang aklat!
23Oh se le mie parole fossero scritte! se fossero consegnate in un libro!
24Ng isa nawang panulat na bakal at tingga, na mangaukit nawa sa bato magpakailan man!
24se con lo scalpello di ferro e col piombo fossero incise nella roccia per sempre!…
25Nguni't talastas ko na manunubos sa akin ay buhay, at siya'y tatayo sa lupa sa kahulihulihan:
25Ma io so che il mio Vindice vive, e che alla fine si leverà sulla polvere.
26At pagkatapos na magibang ganito ang aking balat, gayon ma'y makikita ko ang Dios sa aking laman:
26E quando, dopo la mia pelle, sarà distrutto questo corpo, senza la mia carne, vedrò Iddio.
27Siyang makikita ko ng sarili, at mamamasdan ng aking mga mata, at hindi ng iba. Ang aking puso ay natutunaw sa loob ko.
27Io lo vedrò a me favorevole; lo contempleranno gli occhi miei, non quelli d’un altro… il cuore, dalla brama, mi si strugge in seno!
28Kung inyong sabihin: paanong aming pag-uusigin siya? Dangang ang kadahilanan ay nasusumpungan sa akin;
28Se voi dite: Come lo perseguiteremo, come troveremo in lui la causa prima dei suoi mali?
29Mangatakot kayo sa tabak: sapagka't ang kapootan ang nagdadala ng mga parusa ng tabak, upang inyong malaman na may kahatulan.
29Temete per voi stessi la spada, ché furiosi sono i castighi della spada affinché sappiate che v’è una giustizia".