1Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,
1Allora Giobbe rispose e disse:
2Paano mong tinulungan siya na walang kapangyarihan! Paano mong iniligtas ang kamay na walang lakas!
2"Come hai bene aiutato il debole! Come hai sorretto il braccio senza forza!
3Paano mong pinayuhan siya na walang karunungan, at saganang ipinahayag mo ang mabuting kaalaman!
3Come hai ben consigliato chi è privo di sapienza! E che abbondanza di sapere tu gli hai comunicato!
4Kanino mo binigkas ang mga salita? At kanino ang diwa na lumabas sa iyo?
4Ma a chi ti credi di aver parlato? E di chi è lo spirito che parla per mezzo tuo?
5Ang mga patay ay nanginginig sa ilalim ng tubig, at ang mga nananahan doon.
5Dinanzi a Dio tremano le ombre disotto alle acque ed ai loro abitanti.
6Ang Sheol ay hubad sa harap ng Dios, at ang Abaddon ay walang takip.
6Dinanzi a lui il soggiorno dei morti è nudo, l’abisso è senza velo.
7Kaniyang iniuunat ang hilagaan sa pagitang walang laman, at ibinibitin ang lupa sa wala.
7Egli distende il settentrione sul vuoto, sospende la terra sul nulla.
8Kaniyang itinatali ang tubig sa kaniyang masinsing alapaap; at ang alapaap ay hindi nahahapak sa ilalim nila.
8Rinchiude le acque nelle sue nubi, e le nubi non scoppiano per il peso.
9Kaniyang tinatakpan ang ibabaw ng kaniyang luklukan, at iniladlad ang kaniyang mga alapaap sa ibabaw niyaon.
9Nasconde l’aspetto del suo trono, vi distende sopra le sue nuvole.
10Siya'y gumuguhit ng isang hangganan sa ibabaw ng tubig, hanggang sa pinagsasalikupan ng liwanag at kadiliman.
10Ha tracciato un cerchio sulla faccia dell’acque, là dove la luce confina colle tenebre.
11Ang mga haligi ng langit ay nagsisipanginig. At nangatitigilan sa kaniyang saway.
11Le colonne del cielo sono scosse, e tremano alla sua minaccia.
12Kaniyang pinapag-iinalon ang dagat ng kaniyang kapangyarihan, at sa kaniyang kaalaman ay sinasaktan niya ang Rahab.
12Con la sua forza egli solleva il mare, con la sua intelligenza ne abbatte l’orgoglio.
13Sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu ay ginayakan niya ang langit; sinaksak ng kaniyang mga kamay ang maliksing ahas.
13Al suo soffio il cielo torna sereno, la sua mano trafigge il drago fuggente.
14Narito, ang mga ito ang mga gilid lamang ng kaniyang mga daan: at pagkarahan ng bulong na ating naririnig sa kaniya! Nguni't sinong makakaunawa ng kulog ng kaniyang kapangyarihan?
14Ecco, questi non son che gli estremi lembi dell’azione sua. Non ce ne giunge all’orecchio che un breve sussurro; Ma il tuono delle sue potenti opere chi lo può intendere?"