1Nguni't ngayo'y silang bata kay sa akin ay nagsisitawa sa akin, na ang mga magulang ay di ko ibig na malagay na kasama ng mga aso ng aking kawan.
1E ora servo di zimbello a dei più giovani di me, i cui padri non mi sarei degnato di mettere fra i cani del mio gregge!
2Oo, ang kalakasan ng kanilang kamay, sa ano ko mapapakinabangan? Mga taong ang kalusugan ng gulang ay lumipas na.
2E a che m’avrebbe servito la forza delle lor mani? Gente incapace a raggiungere l’età matura,
3Sila'y lata sa pangangailangan at sa kagutom; kanilang nginangata ang tuyong lupa, sa kadiliman ng kasalatan at kapahamakan.
3smunta dalla miseria e dalla fame, ridotta a brucare il deserto, la terra da tempo nuda e desolata,
4Sila'y nagsisibunot ng mga malvas sa tabi ng mabababang punong kahoy; at ang mga ugat ng enebro ay siyang kanilang pinakapagkain.
4strappando erba salsa presso ai cespugli, ed avendo per pane radici di ginestra.
5Sila'y pinalayas mula sa gitna ng mga tao; sila'y sumisigaw sa likuran nila, na gaya ng sa likuran ng isang magnanakaw.
5Sono scacciati di mezzo agli uomini, grida lor dietro la gente come dietro al ladro,
6Upang sila'y magsitahan sa nakatatakot na mga libis, sa mga puwang ng lupa, at ng mga bato.
6abitano in burroni orrendi, nelle caverne della terra e fra le rocce;
7Sa gitna ng mabababang punong kahoy ay nagsisiangal; sa ilalim ng mga tinikan ay nangapipisan.
7ragliano fra i cespugli, si sdraiano alla rinfusa sotto i rovi;
8Mga anak ng mga mangmang, oo, mga anak ng mga walang puring tao; sila'y mga itinapon mula sa lupain.
8gente da nulla, razza senza nome, cacciata via dal paese a bastonate.
9At ngayon ay naging kantahin nila ako, Oo, ako'y kasabihan sa kanila.
9E ora io sono il tema delle loro canzoni, il soggetto dei loro discorsi.
10Kanilang kinayayamutan ako, nilalayuan nila ako, at hindi sila nagpipigil ng paglura sa aking mukha.
10Mi aborrono, mi fuggono, non si trattengono dallo sputarmi in faccia.
11Sapagka't kinalag niya ang kaniyang panali, at pinighati ako, at kanilang inalis ang paningkaw sa harap ko.
11Non han più ritegno, m’umiliano, rompono ogni freno in mia presenza.
12Sa aking kanan ay tumatayo ang tanga; itinutulak nila ang aking mga paa, at kanilang pinapatag laban sa akin ang kanilang mga paraan ng paghamak.
12Questa genia si leva alla mia destra, m’incalzano, e si appianano le vie contro di me per distruggermi.
13Kanilang sinisira ang aking landas, kanilang isinusulong ang aking kapahamakan, mga taong walang tumulong.
13Hanno sovvertito il mio cammino, lavorano alla mia ruina, essi che nessuno vorrebbe soccorrere!
14Tila dumarating sila sa isang maluwang na pasukan: sa gitna ng kasiraan ay nagsisigulong sila.
14S’avanzano come per un’ampia breccia, si precipitano innanzi in mezzo alle ruine.
15Mga kakilabutan ay dumadagan sa akin, kanilang tinatangay ang aking karangalan na gaya ng hangin; at ang aking kaginhawahan ay napaparam na parang alapaap.
15Terrori mi si rovesciano addosso; l’onor mio è portato via come dal vento, è passata come una nube la mia felicità.
16At ngayo'y nanglulupaypay ang aking kaluluwa sa loob ko; mga kaarawan ng pagkapighati ay humawak sa akin.
16E ora l’anima mia si strugge in me, m’hanno còlto i giorni dell’afflizione.
17Sa gabi ay nagaantakan ang aking mga buto, at ang mga antak na nagpapahirap sa akin ay hindi nagpapahinga.
17La notte mi trafigge, mi stacca l’ossa, e i dolori che mi rodono non hanno posa.
18Sa matinding karahasan ng aking sakit ay nagiging katuwa ang aking suot: tumatali sa akin sa palibot na gaya ng leeg ng aking baro.
18Per la gran violenza del mio male la mia veste si sforma, mi si serra addosso come la tunica.
19Inihahagis niya ako sa banlik, at ako'y naging parang alabok at mga abo.
19Iddio m’ha gettato nel fango, e rassomiglio alla polvere e alla cenere.
20Ako'y dumadaing sa iyo, at hindi mo ako sinasagot: ako'y tumatayo, at minamasdan mo ako.
20Io grido a te, e tu non mi rispondi; ti sto dinanzi, e tu mi stai a considerare!
21Ikaw ay naging mabagsik sa akin: sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong kamay ay hinahabol mo ako.
21Ti sei mutato in nemico crudele verso di me; mi perseguiti con la potenza della tua mano.
22Itinataas mo ako sa hangin, pinasasakay mo ako roon; at tinutunaw mo ako sa bagyo.
22Mi levi per aria, mi fai portar via dal vento, e mi annienti nella tempesta.
23Sapagka't talastas ko na iyong dadalhin ako sa kamatayan, at sa bahay na takda sa lahat na may buhay.
23Giacché, lo so, tu mi meni alla morte, alla casa di convegno di tutti i viventi.
24Gayon man ang isa ay di ba naguunat ng kamay sa kaniyang pagkahulog? O sa kaniyang kasakunaan kung kaya sisigaw ng tulong?
24Ma chi sta per perire non protende la mano? e nell’angoscia sua non grida al soccorso?
25Hindi ko ba iniyakan yaong nasa kabagabagan? Hindi ba ang aking kaluluwa ay nakikidamay sa mapagkailangan?
25Non piangevo io forse per chi era nell’avversità? l’anima mia non era ella angustiata per il povero?
26Pagka ako'y humahanap ng mabuti, ang kasamaan nga ang dumarating: at pagka ako'y naghihintay ng liwanag ay kadiliman ang dumarating.
26Speravo il bene, ed è venuto il male; aspettavo la luce, ed è venuta l’oscurità!
27Ang aking puso'y nababagabag at walang pahinga; mga araw ng kapighatian ay dumating sa akin.
27Le mie viscere bollono e non hanno requie, son venuti per me giorni d’afflizione.
28Ako'y yumayaong tumatangis na walang araw; ako'y tumatayo sa kapulungan at humihinging tulong.
28Me ne vo tutto annerito, ma non dal sole; mi levo in mezzo alla raunanza, e grido aiuto;
29Ako'y kapatid ng mga chakal, at mga kasama ng mga avestruz.
29son diventato fratello degli sciacalli, compagno degli struzzi.
30Ang aking balat ay maitim, at natutuklap, at ang aking mga buto ay nagpapaltos.
30La mia pelle è nera, e cade a pezzi; le mie ossa son calcinate dall’arsura.
31Kaya't ang aking alpa ay naging panangis, at ang aking flauta ay naging tinig ng umiiyak.
31La mia cetra non dà più che accenti di lutto, e la mia zampogna voce di pianto.