Tagalog 1905

Italian: Riveduta Bible (1927)

Proverbs

15

1Ang malubay na sagot ay nakapapawi ng poot: nguni't ang mabigat na salita ay humihila ng galit.
1La risposta dolce calma il furore, ma la parola dura eccita l’ira.
2Ang dila ng pantas ay nagbabadya ng tuos ng kaalaman: nguni't ang bibig ng mga mangmang ay nagbubugso ng kamangmangan.
2La lingua dei savi è ricca di scienza, ma la bocca degli stolti sgorga follia.
3Ang mga mata ng Panginoon ay nasa bawa't dako, na nagbabantay sa masama at sa mabuti.
3Gli occhi dell’Eterno sono in ogni luogo, osservando i cattivi ed i buoni.
4Ang dilang magaling ay punong kahoy ng buhay: nguni't ang kalikuan niyaon ay kasiraan ng diwa.
4La lingua che calma, è un albero di vita, ma la lingua perversa strazia lo spirito.
5Hinahamak ng mangmang ang saway ng kaniyang ama: nguni't siyang nagpapakundangan ng saway ay gumagawang may kabaitan.
5L’insensato disdegna l’istruzione di suo padre, ma chi tien conto della riprensione diviene accorto.
6Sa bahay ng matuwid ay maraming kayamanan: nguni't sa mga pakinabang ng masama ay kabagabagan.
6Nella casa del giusto v’è grande abbondanza, ma nell’entrate dell’empio c’è turbolenza.
7Ang mga labi ng pantas ay nagsasabog ng kaalaman: nguni't ang puso ng mangmang ay hindi gayon.
7Le labbra dei savi spargono scienza, ma non così il cuore degli stolti.
8Ang hain ng masama ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang dalangin ng matuwid ay kaniyang kaluguran.
8Il sacrifizio degli empi è in abominio all’Eterno, ma la preghiera degli uomini retti gli è grata.
9Ang lakad ng masama ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't iniibig niya ang sumusunod sa katuwiran.
9La via dell’empio è in abominio all’Eterno, ma egli ama chi segue la giustizia.
10May mabigat na saway sa kaniya, na nagpapabaya ng lakad: at siyang nagtatanim sa saway ay mamamatay.
10Una dura correzione aspetta chi lascia la diritta via; chi odia la riprensione morrà.
11Sheol at kapahamakan ay nasa harap ng Panginoon: gaanong higit pa nga ang mga puso ng mga anak ng mga tao!
11Il soggiorno de’ morti e l’abisso stanno dinanzi all’Eterno; quanto più i cuori de’ figliuoli degli uomini!
12Ayaw ang manglilibak na siya'y sawayin. Siya'y hindi paroroon sa pantas.
12Il beffardo non ama che altri lo riprenda; egli non va dai savi.
13Ang masayang puso ay nagpapasaya ng mukha: nguni't sa kapanglawan ng puso ay nababagbag ang diwa.
13Il cuore allegro rende ilare il volto, ma quando il cuore è triste, lo spirito è abbattuto.
14Ang puso niyaong naguunawa ay humahanap ng kaalaman: nguni't ang bibig ng mga mangmang ay kumakain ng kamangmangan.
14Il cuor dell’uomo intelligente cerca la scienza, ma la bocca degli stolti si pasce di follia.
15Lahat ng mga araw sa nagdadalamhati ay masama: nguni't siyang may masayang puso ay may laging kapistahan.
15Tutt’i giorni dell’afflitto sono cattivi, ma il cuor contento è un convito perenne.
16Maigi ang kaunti na may pagkatakot sa Panginoon, kay sa malaking kayamanan na may kabagabagan.
16Meglio poco col timor dell’Eterno, che gran tesoro con turbolenza.
17Maigi ang pagkaing gulay na may pagibig, kay sa matabang baka at may pagtataniman.
17Meglio un piatto d’erbe, dov’è l’amore, che un bove ingrassato, dov’è l’odio.
18Ang mainiting tao ay humihila ng pagtatalo: nguni't siyang makupad sa galit ay pumapayapa ng kaalitan.
18L’uomo iracondo fa nascere contese, ma chi è lento all’ira acqueta le liti.
19Ang daan ng tamad ay gaya ng bakuran na mga dawag: nguni't ang landas ng matuwid ay ginagawang maluwang na lansangan.
19La via del pigro è come una siepe di spine, ma il sentiero degli uomini retti è piano.
20Ang pantas na anak ay nagpapasaya ng ama: nguni't hinahamak ng mangmang ang kaniyang ina.
20Il figliuol savio rallegra il padre, ma l’uomo stolto disprezza sua madre.
21Ang kamangmangan ay kagalakan sa walang bait: nguni't pinatutuwid ng maalam ang kaniyang lakad.
21La follia è una gioia per chi è privo di senno, ma l’uomo prudente cammina retto per la sua via.
22Kung saan walang payo ay nagugulo ang mga panukala: nguni't sa karamihan ng mga tagapayo ay nangatatatag.
22I disegni falliscono, dove mancano i consigli; ma riescono, dove son molti i consiglieri.
23Ang tao ay may kagalakan sa sagot ng kaniyang bibig: at ang salita sa ukol na panahon, ay anong pagkabuti!
23Uno prova allegrezza quando risponde bene; e com’è buona una parola detta a tempo!
24Sa pantas ay paitaas ang daan ng buhay, upang kaniyang mahiwalayan ang Sheol sa ibaba.
24Per l’uomo sagace la via della vita mena in alto e gli fa evitare il soggiorno de’ morti, in basso.
25Bubunutin ng Panginoon ang bahay ng palalo: nguni't kaniyang itatatag ang hangganan ng babaing bao.
25L’Eterno spianta la casa dei superbi, ma rende stabili i confini della vedova.
26Ang mga masamang katha ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang mga maligayang salita ay dalisay.
26I pensieri malvagi sono in abominio all’Eterno, ma le parole benevole son pure agli occhi suoi.
27Siyang sakim sa pakinabang ay bumabagabag ng kaniyang sariling sangbahayan: nguni't siyang nagtatanim sa mga suhol ay mabubuhay.
27Chi è avido di lucro conturba la sua casa, ma chi odia i regali vivrà.
28Ang puso ng matuwid ay nagbubulay ng isasagot: nguni't ang bibig ng masama ay nagbubugso ng mga masamang bagay.
28Il cuor del giusto medita la sua risposta, ma la bocca degli empi sgorga cose malvage.
29Ang Panginoon ay malayo sa masama: nguni't kaniyang dinidinig ang dalangin ng matuwid.
29L’Eterno è lungi dagli empi, ma ascolta la preghiera dei giusti.
30Ang liwanag ng mga mata ay nagpapagalak ng puso: at ang mabubuting balita ay nagpapataba ng mga buto.
30Uno sguardo lucente rallegra il cuore; una buona notizia impingua l’ossa.
31Ang taingang nakikinig sa saway ng buhay, ay tatahan sa gitna ng pantas.
31L’orecchio attento alla riprensione che mena a vita, dimorerà fra i savi.
32Siyang tumatanggi sa saway ay humahamak sa kaniyang sariling kaluluwa: nguni't siyang nakikinig sa saway ay nagtatamo ng kaawaan.
32Chi rigetta l’istruzione disprezza l’anima sua, ma chi dà retta alla riprensione acquista senno.
33Ang pagkatakot sa Panginoon ay turo ng karunungan; at sa unahan ng karangalan ay nagpapauna ang pagpapakumbaba.
33Il timor dell’Eterno è scuola di sapienza; e l’umiltà precede la gloria.