1Taong ipinanganak ng babae ay sa kaunting araw, at lipos ng kabagabagan.
1女から生れる人は日が短く、悩みに満ちている。
2Siya'y umuusli na gaya ng bulaklak, at nalalagas: siya rin nama'y tumatakas na gaya ng anino, at hindi namamalagi.
2彼は花のように咲き出て枯れ、影のように飛び去って、とどまらない。
3At iyo bang idinidilat ang iyong mga mata sa isang gaya nito, at ipinagsasama mo ako upang hatulan mo?
3あなたはこのような者にさえ目を開き、あなたの前に引き出して、さばかれるであろうか。
4Sinong makakakuha ng malinis na bagay sa marumi? wala.
4だれが汚れたもののうちから清いものを出すことができようか、ひとりもない。
5Yayamang ang kaniyang mga kaarawan ay nangapasiyahan, ang bilang ng kaniyang mga buwan ay talastas mo, at iyong hinanggahan ang kaniyang mga hangganan upang huwag siyang makaraan;
5その日は定められ、その月の数もあなたと共にあり、あなたがその限りを定めて、越えることのできないようにされたのだから、
6Ilayo mo sa kaniya ang iyong paningin, upang siya'y makapagpahinga, hanggang sa maganap niya, na gaya ng isang magpapaupa, ang kaniyang araw.
6彼から目をはなし、手をひいてください。そうすれば彼は雇人のように、その日を楽しむことができるでしょう。
7Sapagka't may pagasa sa isang punong kahoy, na kung ito'y putulin, ay sisibol uli, at ang sariwang sanga niyaon ay hindi maglilikat.
7木には望みがある。たとい切られてもまた芽をだし、その若枝は絶えることがない。
8Bagaman ang kaniyang ugat ay tumanda sa lupa, at ang puno niyao'y mamatay sa lupa;
8たといその根が地の中に老い、その幹が土の中に枯れても、
9Gayon ma'y sa pamamagitan ng amoy ng tubig ay sisibol, at magsasanga na gaya ng pananim.
9なお水の潤いにあえば芽をふき、若木のように枝を出す。
10Nguni't ang tao ay namamatay at natutunaw; Oo, ang tao ay nalalagutan ng hininga, at saan nandoon siya?
10しかし人は死ねば消えうせる。息が絶えれば、どこにおるか。
11Kung paanong ang tubig ay lumalabas sa dagat, at ang ilog ay humuhupa at natutuyo;
11水が湖から消え、川がかれて、かわくように、
12Gayon ang tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon: hanggang sa ang langit ay mawala, sila'y hindi magsisibangon, ni mangagigising man sa kanilang pagkakatulog.
12人は伏して寝、また起きず、天のつきるまで、目ざめず、その眠りからさまされない。
13Oh ikubli mo nawa ako sa Sheol. Na ingatan mo nawa akong lihim hanggang sa ang iyong poot ay makaraan, na takdaan mo nawa ako ng takdang panahon, at iyong alalahanin ako!
13どうぞ、わたしを陰府にかくし、あなたの怒りのやむまで、潜ませ、わたしのために時を定めて、わたしを覚えてください。
14Kung ang isang tao ay mamatay, mabubuhay pa ba siya? Lahat ng araw ng aking pakikipagbaka ay maghihintay ako, hanggang sa dumating ang pagbabago.
14人がもし死ねば、また生きるでしょうか。わたしはわが服役の諸日の間、わが解放の来るまで待つでしょう。
15Ikaw ay tatawag, at ako'y sasagot sa iyo: ikaw ay magtataglay ng nasa sa gawa ng iyong mga kamay.
15あなたがお呼びになるとき、わたしは答えるでしょう。あなたはみ手のわざを顧みられるでしょう。
16Nguni't ngayo'y binibilang mo ang aking mga hakbang: hindi mo ba pinapansin ang aking kasalanan?
16その時あなたはわたしの歩みを数え、わたしの罪を見のがされるでしょう。
17Ang aking pagsalangsang ay natatatakan sa isang supot, at iyong inilalapat ang aking kasamaan.
17わたしのとがは袋の中に封じられ、あなたはわたしの罪を塗りかくされるでしょう。
18At tunay na ang bundok na natitibag, ay nawawala, at ang bato ay napababago mula sa kinaroroonan niyaon;
18しかし山は倒れてくずれ、岩もその所から移される。
19Inuukit ng tubig ang mga bato; tinatangay ng mga baha niyaon ang alabok ng lupa: sa gayon iyong sinisira ang pagasa ng tao.
19水は石をうがち、大水は地のちりを洗い去る。このようにあなたは人の望みを断たれる。
20Ikaw ay nananaig kailan man laban sa kaniya at siya'y pumapanaw; iyong pinapagbabago ang kaniyang mukha, at iyong pinayayaon siya.
20あなたはながく彼に勝って、彼を去り行かせ、彼の顔かたちを変らせて追いやられる。
21Ang kaniyang mga anak ay nagtataglay ng karangalan, at hindi niya nalalaman; at sila'y ibinababa, nguni't hindi niya nahahalata sila.
21彼の子らは尊くなっても、彼はそれを知らない、卑しくなっても、それを悟らない。ただおのが身に痛みを覚え、おのれのために嘆くのみである」。
22Nguni't ang kaniyang laman sa kaniya ay masakit, at ang kaniyang kaluluwa sa loob niya ay namamanglaw.
22ただおのが身に痛みを覚え、おのれのために嘆くのみである」。