1Ang madalas na masaway na nagpapatigas ng kaniyang leeg, biglang mababali, at walang kagamutan.
1しばしばしかられても、なおかたくなな者は、たちまち打ち敗られて助かることはない。
2Pagka ang matuwid ay dumadami, ang bayan ay nagagalak: nguni't pagka ang masama ay nagpupuno, ang bayan ay nagbubuntong-hininga.
2正しい者が権力を得れば民は喜び、悪しき者が治めるとき、民はうめき苦しむ。
3Ang umiibig ng karunungan ay nagpapagalak sa kaniyang ama: nguni't ang nakikisama sa mga patutot ay sumisira ng kaniyang tinatangkilik.
3知恵を愛する人はその父を喜ばせ、遊女に交わる者はその資産を浪費する。
4Ang hari ay nagtatatag ng lupain sa pamamagitan ng kahatulan: nguni't ang humihingi ng suhol ay gumigiba.
4王は公儀をもって国を堅くする、しかし、重税を取り立てる者はこれを滅ぼす。
5Ang tao na kunwang pumupuri sa kaniyang kapuwa naglalagay ng bitag sa kaniyang mga hakbang.
5その隣り人にへつらう者は、彼の足の前に網を張る。
6Sa pagsalangsang ng masamang tao ay may silo: nguni't ang matuwid ay umaawit at nagagalak.
6悪人は自分の罪のわなに陥る、しかし正しい人は喜び楽しむ。
7Ang matuwid ay kumukuhang alam sa bagay ng dukha: ang masama ay walang unawang makaalam.
7正しい人は貧しい者の訴えをかえりみる、悪しき人はそれを知ろうとはしない。
8Ang mga mangduduwahaging tao ay naglalagay ng bayan sa liyab: nguni't ang mga pantas na tao ay nagaalis ng poot.
8あざける人は町を乱し、知恵ある者は怒りを静める。
9Kung ang pantas ay magkaroon ng pakikipagtalo sa isang mangmang, magalit man o tumawa, ang mangmang ay hindi magkakaroon ng kapahingahan.
9知恵ある人が愚かな人と争うと、愚かな者はただ怒り、あるいは笑って、休むことがない。
10Ang mangbububo ng dugo ay nagtatanim sa sakdal: at tungkol sa matuwid, hinahanap nila ang kaniyang buhay.
10血に飢えている人は罪のない者を憎む、悪しき者は彼の命を求める。
11Inihihinga ng mangmang ang buong galit niya: nguni't ang pantas ay nagpipigil at tumitiwasay.
11愚かな者は怒りをことごとく表わし、知恵ある者は静かにこれをおさえる。
12Kung ang puno ay nakikinig sa kabulaanan, lahat niyang mga lingkod ay masasama.
12もし治める者が偽りの言葉に聞くならば、その役人らはみな悪くなる。
13Ang dukha at ang mamimighati ay nagsasalubong; pinapagniningas ng Panginoon ang mga mata nila kapuwa.
13貧しい者と、しえたげる者とは共に世におる、主は彼ら両者の目に光を与えられる。
14Ang hari na humahatol na tapat sa dukha, ang kaniyang luklukan ay matatatag magpakailan man.
14もし王が貧しい者を公平にさばくならば、その位はいつまでも堅く立つ。
15Ang pamalo at saway ay nagbibigay karunungan: nguni't ang batang binabayaan ay humihiya sa kaniyang ina.
15むちと戒めとは知恵を与える、わがままにさせた子はその母に恥をもたらす。
16Pagka ang masama ay dumadami, pagsalangsang ay dumadami: nguni't mamamasdan ng matuwid ang kanilang pagkabuwal.
16悪しき者が権力を得ると罪も増す、正しい者は彼らの倒れるのを見る。
17Sawayin mo ang iyong anak, at bibigyan ka niya ng kapahingahan; Oo, bibigyan niya ng kaluguran ang iyong kaluluwa.
17あなたの子を懲しめよ、そうすれば彼はあなたを安らかにし、またあなたの心に喜びを与える。
18Kung saan walang pangitain, ang bayan ay sumasama: nguni't siyang nagiingat ng kautusan ay maligaya siya.
18預言がなければ民はわがままにふるまう、しかし律法を守る者はさいわいである。
19Ang alipin ay hindi masasaway ng mga salita: sapagka't bagaman nalalaman niya ay hindi siya makikinig.
19しもべは言葉だけで訓練することはできない、彼は聞いて知っても、心にとめないからである。
20Nakikita mo ba ang tao, na nagmamadali sa kaniyang mga salita? May pagasa pa sa mangmang kay sa kaniya.
20言葉の軽率な人を見るか、彼よりもかえって愚かな者のほうに望みがある。
21Siyang maingat na nagpalaki ng kaniyang lingkod mula sa pagkabata, magiging anak niya siya sa kawakasan.
21しもべをその幼い時からわがままに育てる人は、ついにはそれを自分のあとつぎにする。
22Ang taong magagalitin ay humihila ng kaalitan, at ang mainiting tao ay nananagana sa pagsalangsang.
22怒る人は争いを起し、憤る人は多くの罪を犯す。
23Ang kapalaluan ng tao ay magbababa sa kaniya: nguni't ang may mapagpakumbabang diwa ay magtatamo ng karangalan.
23人の高ぶりはその人を低くし、心にへりくだる者は誉を得る。
24Ang nakikisama sa isang magnanakaw ay nagtatanim sa kaniyang sariling kaluluwa: siya'y nakakarinig ng sumpa at hindi umiimik.
24盗びとにくみする者は自分の魂を憎む、彼はのろいを聞いても何事をも口外しない。
25Ang pagkatakot sa tao ay nagdadala ng silo: nguni't ang naglalagak ng kaniyang tiwala sa Panginoon ay maliligtas.
25人を恐れると、わなに陥る、主に信頼する者は安らかである。
26Marami ang nagsisihanap ng lingap ng pinuno: nguni't ang kahatulan ng tao ay nagmumula sa Panginoon.
26治める者の歓心を得ようとする人は多い、しかし人の事を定めるのは主による。正しい人は不正を行う人を憎み、悪しき者は正しく歩む人を憎む。
27Ang di ganap na tao ay karumaldumal sa matuwid: at ang matuwid sa lakad ay karumaldumal sa masama.
27正しい人は不正を行う人を憎み、悪しき者は正しく歩む人を憎む。