1Oh Panginoon, iyong siniyasat ako, at nakilala ako.
1主よ、あなたはわたしを探り、わたしを知りつくされました。
2Iyong nakikilala ang aking pag-upo at ang aking pagtindig, iyong nauunawa ang aking pagiisip sa malayo.
2あなたはわがすわるをも、立つをも知り、遠くからわが思いをわきまえられます。
3Iyong siniyasat ang aking landas at ang aking higaan, at iyong kilala ang lahat kong mga lakad.
3あなたはわが歩むをも、伏すをも探り出し、わがもろもろの道をことごとく知っておられます。
4Sapagka't wala pa ang salita sa aking dila, nguni't, narito, Oh Panginoon, natatalastas mo nang buo.
4わたしの舌に一言もないのに、主よ、あなたはことごとくそれを知られます。
5Iyong kinulong ako sa likuran at sa harapan, at inilapag mo ang iyong kamay sa akin.
5あなたは後から、前からわたしを囲み、わたしの上にみ手をおかれます。
6Ang ganyang kaalaman ay totoong kagilagilalas sa akin; ito'y mataas, hindi ko maabot.
6このような知識はあまりに不思議で、わたしには思いも及びません。これは高くて達することはできません。
7Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu? O saan ako tatakas na mula sa iyong harapan?
7わたしはどこへ行って、あなたのみたまを離れましょうか。わたしはどこへ行って、あなたのみ前をのがれましょうか。
8Kung sumampa ako sa langit, nandiyan ka: kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito, ikaw ay nandoon.
8わたしが天にのぼっても、あなたはそこにおられます。わたしが陰府に床を設けても、あなたはそこにおられます。
9Kung aking kunin ang mga pakpak ng umaga, at tumahan sa mga pinakadulong bahagi ng dagat;
9わたしがあけぼのの翼をかって海のはてに住んでも、
10Doon ma'y papatnubayan ako ng iyong kamay, at ang iyong kanang kamay ay hahawak sa akin.
10あなたのみ手はその所でわたしを導き、あなたの右のみ手はわたしをささえられます。
11Kung aking sabihin, Tunay na tatakpan ako ng kadiliman, at ang liwanag sa palibot ko ay magiging gabi;
11「やみはわたしをおおい、わたしを囲む光は夜となれ」とわたしが言っても、
12Ang kadiliman man ay hindi nakakukubli sa iyo, kundi ang gabi ay sumisilang na parang araw: ang kadiliman at kaliwanagan ay magkaparis sa iyo.
12あなたには、やみも暗くはなく、夜も昼のように輝きます。あなたには、やみも光も異なることはありません。
13Sapagka't iyong inanyo ang aking mga lamang loob: iyo akong tinakpan sa bahay-bata ng aking ina.
13あなたはわが内臓をつくり、わが母の胎内でわたしを組み立てられました。
14Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas: kagilagilalas ang iyong mga gawa; at nalalamang mabuti ng aking kaluluwa.
14わたしはあなたをほめたたえます。あなたは恐るべく、くすしき方だからです。あなたのみわざはくすしく、あなたは最もよくわたしを知っておられます。
15Ang katawan ko'y hindi nakubli sa iyo, nang ako'y gawin sa lihim, at yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa.
15わたしが隠れた所で造られ、地の深い所でつづり合されたとき、わたしの骨はあなたに隠れることがなかった。
16Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal, at sa iyong aklat ay pawang nangasulat, kahit na ang mga araw na itinakda sa akin, nang wala pang anoman sa kanila,
16あなたの目は、まだできあがらないわたしのからだを見られた。わたしのためにつくられたわがよわいの日のまだ一日もなかったとき、その日はことごとくあなたの書にしるされた。
17Pagka mahalaga rin ng iyong mga pagiisip sa akin, Oh Dios! Pagka dakila ng kabuoan nila!
17神よ、あなたのもろもろのみ思いは、なんとわたしに尊いことでしょう。その全体はなんと広大なことでしょう。
18Kung aking bibilangin, higit sila sa bilang kay sa buhangin: pagka ako'y nagigising ay laging nasa iyo ako.
18わたしがこれを数えようとすれば、その数は砂よりも多い。わたしが目ざめるとき、わたしはなおあなたと共にいます。
19Walang pagsalang iyong papatayin ang masama, Oh Dios: hiwalayan nga ninyo ako, Oh mga mabagsik na tao.
19神よ、どうか悪しき者を殺してください。血を流す者をわたしから離れ去らせてください。
20Sapagka't sila'y nangagsasalita laban sa iyo ng kasamaan, at ginagamit ng iyong mga kaaway ang iyong pangalan sa walang kabuluhan.
20彼らは敵意をもってあなたをあなどり、あなたに逆らって高ぶり、悪を行う人々です。
21Hindi ko ba ipinagtatanim sila, Oh Panginoon, na nagtatanim sa iyo? At hindi ba kinapapanglawan ko ang mga yaon na nagsisibangon laban sa iyo?
21主よ、わたしはあなたを憎む者を憎み、あなたに逆らって起り立つ者をいとうではありませんか。
22Aking ipinagtatanim sila ng lubos na kapootan: sila'y naging mga kaaway ko.
22わたしは全く彼らを憎み、彼らをわたしの敵と思います。
23Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso; subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip:
23神よ、どうか、わたしを探って、わが心を知り、わたしを試みて、わがもろもろの思いを知ってください。わたしに悪しき道のあるかないかを見て、わたしをとこしえの道に導いてください。
24At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin, at patnubayan mo ako sa daang walang hanggan.
24わたしに悪しき道のあるかないかを見て、わたしをとこしえの道に導いてください。