1Makinig kayo, Oh bayan ko, sa aking kautusan: ikiling ninyo ang inyong mga pakinig sa mga salita ng aking bibig.
1わが民よ、わが教を聞き、わが口の言葉に耳を傾けよ。
2Aking bubukhin ang aking bibig sa isang talinghaga; ako'y magsasalita ng mga malabong sabi ng una:
2わたしは口を開いて、たとえを語り、いにしえからの、なぞを語ろう。
3Na aming narinig at naalaman, at isinaysay sa amin ng aming mga magulang.
3これはわれらがさきに聞いて知ったこと、またわれらの先祖たちがわれらに語り伝えたことである。
4Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak, na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon, at ang kaniyang kalakasan, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa.
4われらはこれを子孫に隠さず、主の光栄あるみわざと、その力と、主のなされたくすしきみわざとをきたるべき代に告げるであろう。
5Sapagka't siya'y nagtatag ng patotoo sa Jacob, at nagtakda ng kautusan sa Israel, na kaniyang iniutos sa aming mga magulang, na kanilang ipabatid sa kanilang mga anak:
5主はあかしをヤコブのうちにたて、おきてをイスラエルのうちに定めて、その子孫に教うべきことをわれらの先祖たちに命じられた。
6Upang maalaman ng lahing darating, sa makatuwid baga'y ng mga anak na ipanganganak; na siyang magsisibangon, at mangagsasaysay sa kanilang mga anak:
6これは次の代に生れる子孫がこれを知り、みずから起って、そのまた子孫にこれを伝え、
7Upang kanilang mailagak ang kanilang pagasa sa Dios, at huwag kalimutan ang mga gawa ng Dios, Kundi ingatan ang kaniyang mga utos:
7彼らをして神に望みをおき、神のみわざを忘れず、その戒めを守らせるためである。
8At huwag maging gaya ng kanilang mga magulang, may matigas na ulo at mapanghimagsik na lahi; isang lahing di naglagay sa matuwid ng kanilang puso, at ang kanilang diwa ay hindi tapat sa Dios,
8またその先祖たちのようにかたくなで、そむく者のやからとなり、その心が定まりなく、その魂が神に忠実でないやからとならないためである。
9Ang mga anak ni Ephraim, gayong may sakbat at may dalang mga busog, at nagsitalikod sa kaarawan ng pagbabaka.
9エフライムの人々は武装し、弓を携えたが、戦いの日に引き返した。
10Hindi nila tinupad ang tipan ng Dios, at nagsitangging magsilakad sa kaniyang kautusan;
10彼らは神の契約を守らず、そのおきてにしたがって歩むことを拒み、
11At kanilang kinalimutan ang kaniyang mga gawa, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ipinakita sa kanila.
11神がなされた事と、彼らに示されたくすしきみわざとを忘れた。
12Mga kagilagilalas na mga bagay ay ginawa niya sa paningin ng kanilang mga magulang, sa lupain ng Egipto, sa parang ng Zoan.
12神はエジプトの地と、ゾアンの野でくすしきみわざを彼らの先祖たちの前に行われた。
13Hinawi niya ang dagat, at pinaraan niya sila; at kaniyang pinatayo ang tubig na parang bunton.
13神は海を分けて彼らを通らせ、水を立たせて山のようにされた。
14Sa araw naman ay kaniyang pinatnubayan sila sa pamamagitan ng isang ulap, at buong gabi ay sa pamamagitan ng tanglaw na apoy.
14昼は雲をもって彼らを導き、夜は、よもすがら火の光をもって彼らを導かれた。
15Kaniyang pinuwangan ang mga bato sa ilang, at pinainom niya sila ng sagana na gaya ng mula sa mga kalaliman.
15神は荒野で岩を裂き、淵から飲むように豊かに彼らに飲ませ、
16Nagpabukal naman siya mula sa bato. At nagpababa ng tubig na parang mga ilog.
16また岩から流れを引いて、川のように水を流れさせられた。
17Gayon ma'y nagkasala uli sila laban sa kaniya, upang manghimagsik laban sa Kataastaasan sa ilang.
17ところが彼らはなお神にむかって罪をかさね、荒野でいと高き者にそむき、
18At kanilang tinukso ang Dios sa kanilang puso, sa paghingi ng pagkain sa kanilang pita.
18おのが欲のために食物を求めて、その心のうちに神を試みた。
19Oo, sila'y nagsalita laban sa Dios; kanilang sinabi, Makapaghahanda ba ang Dios ng dulang sa ilang?
19また彼らは神に逆らって言った、「神は荒野に宴を設けることができるだろうか。
20Narito, kaniyang pinalo ang bato, na ang mga tubig ay bumubuluwak, at mga bukal ay nagsisiapaw; makapagbibigay ba siya ng tinapay naman? Ipaghahanda ba niya ng karne ang kaniyang bayan?
20見よ、神が岩を打たれると、水はほとばしりいで、流れがあふれた。神はまたパンを与えることができるだろうか。民のために肉を備えることができるだろうか」と。
21Kaya't narinig ng Panginoon, at napoot: at isang apoy ay nagalab laban sa Jacob, at galit naman ay napailanglang laban sa Israel;
21それゆえ、主は聞いて憤られた。火はヤコブにむかって燃えあがり、怒りはイスラエルにむかって立ちのぼった。
22Sapagka't sila'y hindi nagsisampalataya sa Dios, at hindi nagsitiwala sa kaniyang pagliligtas.
22これは彼らが神を信ぜず、その救の力を信用しなかったからである。
23Gayon ma'y nagutos siya sa mga langit sa itaas, at binuksan ang mga pintuan ng langit;
23しかし神は上なる大空に命じて天の戸を開き、
24At pinaulanan niya sila ng mana upang makain. At binigyan sila ng trigo ng langit.
24彼らの上にマナを降らせて食べさせ、天の穀物を彼らに与えられた。
25Kumain ang tao ng tinapay ng makapangyarihan: pinadalhan niya sila ng pagkain hanggang sa nangabusog.
25人は天使のパンを食べた。神は彼らに食物をおくって飽き足らせられた。
26Kaniyang pinahihip ang hanging silanganan sa mga langit: at sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan ay pinatnubayan niya ang hanging timugan.
26神は天に東風を吹かせ、み力をもって南風を導かれた。
27Pinaulanan naman niya sila ng karne na parang alabok, at ng mga ibong parang buhangin sa mga dagat:
27神は彼らの上に肉をちりのように降らせ、翼ある鳥を海の砂のように降らせて、
28At pinalagpak niya sa gitna ng kanilang kampamento, sa palibot ng kanilang mga tahanan.
28その宿営のなか、そのすまいのまわりに落された。
29Sa gayo'y nagsikain sila, at nangabusog na mabuti; at ibinigay niya sa kanila ang kanilang pita.
29こうして彼らは食べて、飽き足ることができた。神が彼らにその望んだものを与えられたからである。
30Hindi sila nagsihiwalay sa kanilang pita, ang kanilang pagkain ay nasa kanila pang mga bibig,
30ところが彼らがまだその欲を離れず、食物がなお口の中にあるうちに、
31Nang ang galit ng Dios ay paitaas laban sa kanila, at pumatay sa mga pinakamataba sa kanila, at sinaktan ang mga binata sa Israel.
31神の怒りが彼らにむかって立ちのぼり、彼らのうちの最も強い者を殺し、イスラエルのうちのえり抜きの者を打ち倒された。
32Sa lahat ng ito ay nangagkasala pa sila, at hindi naniwala sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa.
32すべてこれらの事があったにもかかわらず、彼らはなお罪を犯し、そのくすしきみわざを信じなかった。
33Kaya't kaniyang pinaram ang kanilang mga kaarawan sa walang kabuluhan, at ang kanilang mga taon ay sa mga kakilabutan.
33それゆえ神は彼らの日を息のように消えさせ、彼らの年を恐れをもって過ごさせられた。
34Nang kaniyang patayin sila, sila'y nangagusisa sa kaniya: at sila'y nagsibalik, at nagsihanap ng tapat sa Dios.
34神が彼らを殺されたとき、彼らは神をたずね、悔いて神を熱心に求めた。
35At kanilang naalaala na ang Dios ay kanilang malaking bato, at ang Kataastaasang Dios ay kanilang manunubos.
35こうして彼らは、神は彼らの岩、いと高き神は彼らのあがないぬしであることを思い出した。
36Nguni't tinutuya nila siya ng kanilang bibig, at pinagbubulaanan nila siya ng kanilang dila.
36しかし彼らはその口をもって神にへつらい、その舌をもって神に偽りを言った。
37Sapagka't ang kanilang puso ay hindi matuwid sa kaniya, ni tapat man sila sa kaniyang tipan.
37彼らの心は神にむかって堅実でなく、神の契約に真実でなかった。
38Nguni't siya, palibhasa'y puspos ng kaawaan, ay pinatawad ang kanilang kasamaan at hindi sila nilipol: Oo, madalas na inihiwalay ang kaniyang galit, at hindi pinukaw ang buo niyang poot.
38しかし神はあわれみに富まれるので、彼らの不義をゆるして滅ぼさず、しばしばその怒りをおさえて、その憤りをことごとくふり起されなかった。
39At naalaala niyang sila'y laman lamang; hanging dumadaan, at hindi bumabalik.
39また神は、彼らがただ肉であって、過ぎ去れば再び帰りこぬ風であることを思い出された。
40Kay dalas na nanghimagsik nila laban sa kaniya sa ilang, at pinapanglaw nila siya sa ilang!
40幾たび彼らは野で神にそむき、荒野で神を悲しませたことであろうか。
41At sila'y nagsibalik uli, at tinukso ang Dios, at minungkahi ang Banal ng Israel.
41彼らはかさねがさね神を試み、イスラエルの聖者を怒らせた。
42Hindi nila inalaala ang kaniyang kamay, ni ang araw man nang kaniyang tubusin sila sa kaaway.
42彼らは神の力をも、神が彼らをあだからあがなわれた日をも思い出さなかった。
43Kung paanong kaniyang inilagay ang kaniyang mga tanda sa Egipto, at ang kaniyang mga kababalaghan sa parang ng Zoan;
43神はエジプトでもろもろのしるしをおこない、ゾアンの野でもろもろの奇跡をおこない、
44At pinapaging dugo ang kanilang mga ilog, at ang kanilang mga bukal, na anopa't hindi sila makainom.
44彼らの川を血に変らせて、その流れを飲むことができないようにされた。
45Nagsugo rin siya sa gitna nila ng mga pulutong ng mga bangaw na lumamon sa kanila; at mga palaka, na nagsigiba sa kanila.
45神ははえの群れを彼らのうちに送って彼らを食わせ、かえるを送って彼らを滅ぼされた。
46Ibinigay rin niya ang kanilang bunga sa tipaklong, at ang kanilang pakinabang sa balang.
46また神は彼らの作物を青虫にわたし、彼らの勤労の実をいなごにわたされた。
47Sinira niya ang kanilang ubasan ng granizo, at ang mga puno nila ng sikomoro ng escarcha.
47神はひょうをもって彼らのぶどうの木を枯らし、霜をもって彼らのいちじく桑の木を枯らされた。
48Ibinigay rin naman niya ang kanilang mga hayop sa granizo, at sa mga lintik ang kanilang mga kawan.
48神は彼らの家畜をひょうにわたし、彼らの群れを燃えるいなずまにわたされた。
49Ibinugso niya sa kanila ang kabangisan ng kaniyang galit, poot at galit, at kabagabagan, pulutong ng mga anghel ng kasamaan.
49神は彼らの上に激しい怒りと、憤りと、恨みと、悩みと、滅ぼす天使の群れとを放たれた。
50Kaniyang iginawa ng landas ang kaniyang galit; hindi niya pinigil ang kanilang buhay sa kamatayan, kundi ibinigay ang kanilang buhay sa pagkapuksa;
50神はその怒りのために道を設け、彼らの魂を死から免れさせず、そのいのちを疫病にわたされた。
51At sinaktan ang lahat na panganay sa Egipto, ang panguna ng kanilang kalakasan sa mga tolda ni Cham:
51神はエジプトですべてのういごを撃ち、ハムの天幕で彼らの力の初めの子を撃たれた。
52Nguni't kaniyang pinayaon ang kaniyang sariling bayan na parang mga tupa, at pinatnubayan sila sa ilang na parang kawan.
52こうして神はおのれの民を羊のように引き出し、彼らを荒野で羊の群れのように導き、
53At inihatid niya silang tiwasay, na anopa't hindi sila nangatakot: nguni't tinakpan ng dagat ang kanilang mga kaaway.
53彼らを安らかに導かれたので彼らは恐れることがなかった。しかし海は彼らの敵をのみつくした。
54At dinala niya sila sa hangganan ng kaniyang santuario, sa bundok na ito na binili ng kaniyang kanang kamay.
54神は彼らをその聖地に伴い、その右の手をもって獲たこの山に伴いこられた。
55Pinalayas din niya ang mga bansa sa harap nila, at binahagi sa kanila na pinakamana sa pamamagitan ng pising panukat, at pinatahan ang mga lipi ng Israel sa kanilang mga tolda.
55神は彼らの前からもろもろの国民を追い出し、その地を分けて嗣業とし、イスラエルの諸族を彼らの天幕に住まわせられた。
56Gayon ma'y nanukso at nanghimagsik sila laban sa Kataastaasang Dios, at hindi iningatan ang kaniyang mga patotoo;
56しかし彼らはいと高き神を試み、これにそむいて、そのもろもろのあかしを守らず、
57Kundi nagsitalikod, at nagsigawang may paglililo na gaya ng kanilang mga magulang: sila'y nagsilisyang parang magdarayang busog.
57そむき去って、先祖たちのように真実を失い、狂った弓のようにねじれた。
58Sapagka't minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga mataas na dako, at kinilos nila siya sa panibugho ng kanilang mga larawang inanyuan.
58彼らは高き所を設けて神を怒らせ、刻んだ像をもって神のねたみを起した。
59Nang marinig ito ng Dios, ay napoot, at kinayamutang lubha ang Israel:
59神は聞いて大いに怒り、イスラエルを全くしりぞけられた。
60Sa gayo'y kaniyang pinabayaan ang tabernakulo ng Silo, ang tolda na kaniyang inilagay sa gitna ng mga tao;
60神は人々のなかに設けた幕屋なるシロのすまいを捨て、
61At ibinigay ang kaniyang kalakasan sa pagkabihag, at ang kaniyang kaluwalhatian ay sa kamay ng kaaway.
61その力をとりことならせ、その栄光をあだの手にわたされた。
62Ibinigay rin niya ang kaniyang bayan sa tabak; at napoot sa kaniyang mana.
62神はその民をつるぎにわたし、その嗣業にむかって大いなる怒りをもらされた。
63Nilamon ng apoy ang kanilang mga binata; at ang mga dalaga nila'y hindi nagkaroon ng awit ng pagaasawa.
63火は彼らの若者たちを焼きつくし、彼らのおとめたちは婚姻の歌を失い、
64Ang mga saserdote nila'y nabuwal sa pamamagitan ng tabak; at ang mga bao nila'y hindi nanganaghoy.
64彼らの祭司たちはつるぎによって倒れ、彼らのやもめたちは嘆き悲しむことさえしなかった。
65Nang magkagayo'y gumising ang Panginoon na gaya ng mula sa pagkakatulog, gaya ng malakas na tao na humihiyaw dahil sa alak.
65そのとき主は眠った者のさめたように、勇士が酒によって叫ぶように目をさまして、
66At sinaktan niya sa likod ang kaniyang mga kaaway: inilagay niya sila sa laging kadustaan.
66そのあだを撃ち退け、とこしえの恥を彼らに負わせられた。
67Bukod dito'y tinanggihan niya ang tolda ng Jose, at hindi pinili ang lipi ni Ephraim;
67神はヨセフの天幕をしりぞけ、エフライムの部族を選ばず、
68Kundi pinili ang lipi ni Juda, ang bundok ng Zion na kaniyang inibig.
68ユダの部族を選び、神の愛するシオンの山を選ばれた。
69At itinayo niya ang kaniyang santuario na parang mga kataasan, parang lupa na kaniyang itinatag magpakailan man.
69神はその聖所を高い天のように建て、とこしえに基を定められた地のように建てられた。
70Pinili naman niya si David na kaniyang lingkod, at kinuha niya siya mula sa kulungan ng mga tupa:
70神はそのしもべダビデを選んで、羊のおりから取り、
71Dinala niya siya na mula sa pagsunod sa mga tupa ng nagpapasuso, upang maging pastor ng Jacob na kaniyang bayan, at ang Israel na kaniyang mana.
71乳を与える雌羊の番をするところからつれて来て、その民ヤコブ、その嗣業イスラエルの牧者とされた。こうして彼は直き心をもって彼らを牧し、巧みな手をもって彼らを導いた。
72Sa gayo'y siya ang kanilang pastor ayon sa pagtatapat ng kaniyang puso; at pinatnubayan niya sila sa pamamagitan ng kabihasahan ng kaniyang mga kamay.
72こうして彼は直き心をもって彼らを牧し、巧みな手をもって彼らを導いた。